NAGISING SI AIVEE dahil sa tunog ng kanyang selpon, nagulat siya nang makilala ang tumatawag.
Pierre is calling...
Lumabas muna siya ng bahay bago sinagot ang tawag.
"Pierre?"
"Aivee? Where are you?" napansin niya na mahina ang boses nito.
"What is happening? Where are you?" gusto niyang makisiguradong si Pierre ang kausap niya kahit nabobosesan niya ito.
"Nagkaroon ng putukan kanina and I used that chance para makatakas sa kanila, hindi ko alam kung nasaang lugar na ako dahil takbo lang ako ng takbo para hindi nila ako maabutan pero ngayon hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung tama bang sa inyo ako pupunta o lalayo na lang ako"
Napakunot noo siya, pinapakiramdaman ang paligid ni Pierre at tinitiyak na hindi ginagamit si Pierre para makarating sa kanila.
"They are not using you?" prangkang tanong niya.
"What do you mean?"
Bumuntong hininga siya. "Nevermind, pero andito kami sa isang maliit na bahay, do you remember kung saan kayo madalas ni mommy tumatambay bago kayo bumalik sa US?"
Hindi man niya malaman kung ginagamit ba si Pierre o hindi, pero nagdesisyon siyang sabihin dito kung nasaan siya dahil ililigtas pa din naman nila ito kung sakaling makulong ito.
"Shit! Hindi ko alam kung saan yung tinutukoy mo"
"Okay, I'll send you my location, send mo din sa akin ang location mo para alam ko kung malapit ka na o hindi"
"Okay, I'll do that"
"Please take care Pierre"
"Thank you Aivee"
Sasagot pa sana siya pero binaba na agad ni Pierre ang tawag.
Naghintay siya ng ilang minuto bago natanggap ang lokasyon ni Pierre, agad niyang tiningnan kung nasaan ang binata at napagtanto niya na malapit lang ito sa tinutuluyan nila ngayon.
Agad niyang tinawagan si Pierre.
"Pierre, malapit ka lang kung saan kami ngayon, magpapapunta ako ng mga tao para sunduin ka at isama ka dito"
"How did I know kung tauhan mo sila o hindi? I just want to make sure dahil baka mamaya naabutan nila ako" halata pa din niya na hinihinaan nito ang boses siguro ay dahil nag-iingat baka may makarinig dito.
"I get it, but what do you want para malaman mong sila yun?" tanong niya dito dahil hindi niya din alam kung paano.
"I don't know Aivee, just give me hint kung paano ko sila makikilala"
"Okay, okay, pasusuotin ko sila ng..." tumingin tingin siya sa paligid para makakita ng pwedeng suotin ng mga tauhan niya. "...hat...pasusuotin ko sila ng sumbrero. Wala naman sigurong naka-hat sa mga police?" patanong na sagot niya.
"I don't know, hindi ko na napansin yun"
"Okay, basta wag kang aalis kung nasaan ka, magpapapunta ako ng tao diyan, give them atleast 30 mins bago sila makarating diyan"
"Okay Aivee, thank you"
Napansin niya na tila may gusto pa itong sabihin o itanong sa kanya. "What Pierre?"
"How's Samantha?" mas mahina ang pagkakabanggit nito.
"She's okay, pero ilang araw na siyang hindi kumakain at alam kong ikaw lang ang kailangan niya para makakain siya"
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
FanficMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...