"WE CAN'T GO, maraming tauhan ang nasa mansyon baka mapahamak si Samantha kapag pinilit natin ang plano natin" sabi ni Mr. Montes.
"So, what's the plan B?" tanong ni Agnes na kanina pa naghihintay sa kanila.
"As of now, we need to wait..." bumuntong hininga ito na tila nahihiya sa sagot nito. "...we need to wait na umunti ang tauhan na nasa labas, usually kapag madaling araw na nagpapalitan ang tauhan at mas unti na ang nagbabantay na tauhan"
"Hindi tayo pwedeng maghintay hanggang madaling araw" nag-aalalang sabi niya.
"I'll go scout, tingnan ko kung meron pa tayong pwedeng gawin while waiting" sabi ni Agnes.
"I'll go with you Agnes" sabi naman ni Mr. Montes.
Tumango lang si Agnes bilang pag-sang-ayon kay Mr. Montes. Naiwan silang mag-ama sa sasakyan kasama ang iba pang tauhan.
"I need to do something Dad, andito naman na tayo kailangan kong makapasok" sabi niya sa kanyang ama.
"It's too dangerous inside Alex" nag-aalalang sabi nito.
"Exactly Dad, it's too dangerous kaya kailangan nating ilabas si Sam"
"Do you have a plan?"
"No Dad, but I will be able to think kapag alam ko kung paano ako makakapasok" sabi nito at akmang lalabas na nang sasakyan nang bigla siyang hawakan ng kanyang ama sa braso.
"Just take care, alam kong hindi mo pababayaan si Samantha" nakangiting sabi nito kahit halata din ang pag-aalala sa mukha nito.
Tumango lang siya bilang sagot at tuluyan ng bumaba ng sasakyan.
Ang sabi ni Mr. Montes ay walang tauhan sila Aivee sa labas ng mansyon, lahat ay nasa loob kaya ang nakikita niyang mga tauhan na nasa paligid ay tauhan ni Mr. Montes. Halos labing limang minutong lakad ang ginawa niya para lang makalapit sa mansyon dahil hindi nila pwedeng ilapit ang sasakyan dahil baka makahalata ang mga nasa loob. Itinabi nila ang sasakyan sa mapunong lugar para hindi mahalata kung sakaling may mga dumaan.
Narating niya ang mansyon at pinilit niyang sumilip para malaman kung gaano karami ang nagbabantay sa loob. Bahagya niyang iniangat ang kanyang ulo sa isang pader, nasa kanang bahagi siya ng mansyon dahil iniiwasan niya ang tarangkahan ng mansyon.
Nakita niya na marami nga ang nasa loob ng mansyon at lahat ay mayroong dalang baril, nakita din niyang may lima pang tauhan sa pinaka-pinto ng mansyon. Tumingin din siya sa mga binatana ng mansyon pero wala siyang makitang bukas ng ilaw sa bawat silid.
Alas-otso na ng gabi sila nakarating sa lugar kaya madilim na ang paligid, kaya mas madaling makakilos ang mga tauhan ni Mr. Montes dahil hindi na masyadong mahahalata ang galaw nila ngunit hanggang ngayon ay nagbabantay lang sila at wala pang kasiguruduhan kung kailan sila makakapasok ng mansyon.
Inikot pa niya ang mansyon para tumingin kung meron pa siyang pwedeng pasukan, ang alam niya ay nasa likod na siya ng mansyon, muntik pa siyang pagkamalan ng mga tauhan ni Mr. Montes buti na lang at nakapagpakilala agad siya.
"Wala ba tayong pwedeng pasukan dito?" mahinang tanong niya sa isang tauhan na katabi niya.
"Negative Sir, halos lahat ng sulok ng mansyon hanggang sa likod ay may bantay kaya kailangan muna nating maghintay"
Gusto man niyang mainis pero wala siyang magawa pero nagtitimpi siya dahil baka kung ano pa ang mangyari kay Samantha kapag pinilit niyang makapasok sa mansyon.
Nakaikot ng siya ng mansyon pero wala talaga siya pwedeng pasukan, nakita niya pa si Agnes at Mr. Montes na nag-uusap pero hindi niya na nilapitan pa ang dalawa. Bumalilk siya sa sasakyan kung nasaan ang kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
FanfictionMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...