Kabanata Labing Apat

4 0 0
                                    


"HOW ARE YOU na Samantha?"

"I'm okay Dad" sagot niya. "You knew it all along?" nakakunot noong tanong niya.

Nagising siya kinabukasan si Samantha dahil narinig niyang may kausap si Alex sa labas ng bahay, hindi agad niya nakilala ang kausap nito kay sumilip siya sa bintana at laking gulat niya nang makita ang kanyang ama kasama din si Jaime at ilan pang bodyguard.

"Yes Hija, alam kong nandito kayo ni Alex" sagot nito.

Nasa sala na sila ngayon at kasalukuyang nagka kape

Tumingin siya kay Alex na katapat niya sa upuan. Ang kanyang ama naman ay nasa kanan niya. Nakatayo si Jaime sa likuran ng kanyang ama, malapit sa pintuan ng bahay. Ang ibang bodyguard naman na kasama ng kanyang ama ay nasa labas lang.

Muli siyang tumingin sa kanyang ama. "Dad, ano ba talaga nangyari?" tanong niya.

Tumingin muna ito kay Alex na tila nagtatanong kung dapat na bang sabihin ang lahat sa kanya. Pero bakit, bakit kailangan nitong magpaalam kay Alex.

Nang balingan naman niya si Alex ay wala siyang makitang kahit anong mang emosyon sa mukha nito. Nakatingin lang ito sa kanya. Muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa kanyang ama.

Tumingin din sa kanya ang ama niya bago ito nagsalita. "Bago ako mag kwento Samantha, ano ang naaalala mo noong nasa ospital ka pa?" tanong nito.

Napakunot noo siya, nagtataka kung bakit kailangan pang tanungin iyon kung pwede naman nitong sabihin na agad ang nangyari. Pero napaisip din siya dahil hindi niya din talaga inisip kung ano nangyari bago siya napunta dito.

Sinubukan niya munang mag isip bago sumagot. "Ang naalala ko lang after umalis ni Aivee, inalalayan akong kumain ni Alex ng dinner dahil wala pa din si Loisa, then nakaramdam na ako ng antok" nakakunot noong kwento niya na tila nahihirapang isipin ang nangyari. Nang bigla siyang may maalala.

"Dad" sabi niya na halatang may naalala. "Ngayon ko lang naalala, ang alam ko nagising ako ng madaling araw. Hihingi sana ako ng tubig pero nagulat ako ng may nakatayo sa left side ko at parang may tinuturok siya sa dextrose ko" napatigil siya sa pagkukwento dahil iniisip niya kung ano ang sumunod na nangyari.

"Samantha?" tawag ng kanyang ama nang ilang minuto na siyang hindi nagsalita.

"Dad, para siyang familiar sa akin but I really don't remember" naguguluhang sabi niya.

"Shh! Don't force yourself Samantha. Just tell me what happened don't mind kung sino yung nakita mo" malumanay na sabi nito.

Hindi niya alam kung bakit siya napatingin kay Alex na nakatingin din sa kanya. Hindi niya makitaan ng kahit anong emosyon ang binata. Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan pero...

Hindi kaya si Alex ang pamilyar na taong iyon?

Muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa kanyang ama. "Tapos nagising na lang ako na para akong naghihina, hindi ko mamulat ng maayos ang mga mata ko, hindi ko kayang igalaw ang kamay at paa ko. Pakiramdam ko may nakatakip sa mga mata ko. Gusto kong bumangon pero hindi ko magawa" muli niyang naramdaman ang takot na nararamdaman niyang noong araw na iyon. Hindi niya napansin na pinaglalaruan niya na ang kanyang mga daliri habang nagkukwento.

"Tinawag kita ..." sabi niya sa kanyang ama na sertosong nakatingin sa kanya. "...pero walang sumasagot.

"Tinawag din kita..." si Alex naman ang binalingan niya ng tingin. Nagulat siya sa emosyong nakikita niya kay Alex para itong nag aalala pero may galit sa mga mata. "...pero hindi ka din sumagot" sabi niya at agad na umiwas ng tingin dahil hindi niya makaya ang tingin nito sa kanya.

Bodyguard (Ang Alaala)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon