Kabanata Apatnapu't Isa

4 0 0
                                    

HINDI NA ALAM ni Pierre kung gaano na siya katagal na nagmumukmok sa kanyang silid. Mula nang malaman niya ang tungkol sa Plan B ng kanyang ina, ang tungkol kay Aivee, ang tungkol kay Rebecca, at higit sa lahat ang pagkakadamay ni Samantha para lang sa paghihiganti ay parang gusto na lang niyang uminom ng uminom.

Hindi niya alam kung saan hahanapin si Samantha, hindi alam kung paano tutulungan ang babaeng mahal niya, hindi alam kung saan siya magsisimula.

Hindi ko na alam. Hindi ko na alam.

At lalong hindi niya alam kung bakit pumayag siya na gamitin si Samantha para lang makapaghiganti ang kanyang ina.

Babes, I am sorry for everything, it's my fault.

Pinilit niyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig pero hindi niya magawa dahil sa sakit ng ulo at hangover niya. Pilit pa din niyang iniisip kung gaano na ba siya katagal na nakatambay sa kanyang silid.

Naalala niya noong pinuntahan siya ni Aivee para magpaliwanag pero hindi niya ito pinapakinggan, ni hindi niya nga maalala kung ano ang mga sinabi ni Aivee sa kanya dahil walang laman ang utak niya ngayon kundi si Samantha, si Samantha lang.

"Hey Pierre"

Nagulat siya nang biglang may tumawag sa kanya at nakita ang dalawang lalaking nakatayo sa pintuan ng kanyang silid.

"Who are you?" kunot noong tanong niya.

"Let's talk" sabi ng lalaki na matangkad sa dalawa.

"Why should I listen to you, I don't know you both" pinilit niyang tumayo mula sa pagkakaupo, ramdam niya ang hilo pagtayo niya. "And how did you get in here?" kunot-noong tanong niya sa dalawa at bigla na lang nandilim ang kanyang paningin.

NAGISING SIYA NA masakit pa din ang ulo at muntikan pa siyang mahulog nang tangkain niyang umupo, akala niya ay nasa higaan siya pero nagulat na lang siya nang makita niyang sa sofa lang siya nakahiga.

"Finally, you're awake" nagulat siya nang makarinig ng salita. At doon niya lang napansin na nakaupo ang dalawang lalaki sa kaharap niyang upuan.

"You're still here?" nakakunot-noong tanong niya.

"Yeah, hinihintay ka naming magising because we want to talk to you" sagot ng lalaking matangkad.

"Why should I? Did I know you?" nagtataka pa din siya sa dalawa.

Nakita niya na nagtinginan ang dalawang binata at nagtanguan sa isa't isa, sabay din ang pagbaling ng tingin ng mga ito sa kanya.

"Medyo mahaba-habang paliwanagan 'to, but first let me introduce to you ourself..." nakangiting sabi ng mas maliit na lalaki. "...my name is Andres and he is Rey" inilahad nito ang kamay para makipagkamay pero hindi niya iyon tinanggap.

"Okay, so Rey..." tumingin siya sa matangkad na lalaki. "...and Andres..." tumingin naman sa siya sa isa. "...ano ang kailangan niyo sa akin?" seryosong tanong niya.

"So, hindi mo nga talaga kami nakikilala" alam niyang hindi iyon tanong kundi pagkumpirma na mas lalong pinagtaka niya.

"I really don't know you both" pailing-iling na sabi niya.

"Well, tulad ng sinabi ni Andres, mahaba-habang paliwanagan 'to kaya bumili na muna kami ng pagkain" sabi ni Rey na kinuha ang mga dalang pagkain at inilapag sa lamesa na nasa pagitan nila.

"Wait, wait..." pigil niya sa dalawa. "...kung ano man ang sasabihin niyo, sabihin niyo na lang dahil may kailangan pa akong gawin..." tumingin siya sa pagkain na inaayos ng dalawa. "...and do you think kakainin ko yang dala niyo? hindi ko nga kayo kilala" nakangising sabi niya.

Bodyguard (Ang Alaala)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon