"OUCH!"
"Are you okay Samantha?"
"Ang sakit Nanay, para akong kinukuryente" sagot niya habang nakahawak sa kanyang puso.
"Gusto mo maglakad-lakad muna tayo?" nakangiting tanong nito.
Tumango siya bilang sagot pero tumingin tingin pa siya sa paligid para hanapin ang kanyang ama. "Asaan si Tatay?"
Nakita niyang nawala ang ngiti sa kanyang ina. "May inasikaso lang anak, tara maglakad-lakad muna tayo sa dalampasigan"
Sobrang nakakalma talaga siya tuwing nasa dalampasigan siya, pakiramdam niya ay walang mabigat na problema lalo na at kasama niya ang kanyang ina na matagal niya ng pinapangarap. Sa wakas nabuo na din silang tatlo.
"Sobrang saya ko Nanay..." sabi niya, tumigil sila sa paglalakad at humarap sa karagatan. "...akala ko hindi ko na uli mararanasan ang ganito, ang makumpleto tayo, ang makasama ka Nanay" nakangiting sabi niya.
"Ito ba ang saya na hinahanap mo dati pa?" .
"Opo Nanay, ito ang matagal ko ng hinahanap na saya, yung saya na hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagaling dahil pakiramdam ko napaka-perfect na ng lahat, yung saya na hindi ko alam kung ikakasaya ba ng iba" sabi niya.
"Anong ibig mong sabihin anak?" malumanay na tanong nito.
Hinarap niya ang kanyang ina na nakaharap din sa kanya bago nagsalita. "Nanay, handa na ba akong maging masaya uli kahit na alam kung may naghihintay sa akin? Handa ba akong ibalik ang sayang hinahanap ko kahit na mag-iiwan ako ng kalungkutan sa mga naghihintay sa akin?" mahinang tanong niya.
Nakita niya ang ngiti ng kanyang ina na matagal na niyang hindi nakikita, isang ngiti na hindi pinilit, hindi sinadya, kundi isang ngiti na totoo at alam niyang galing sa puso ng kanyang ina.
"Anak..." sabi nito at kinuha nito ang dalawang palad niya. "...masaya ako dahil bumalik na uli ang dating ikaw, ang dating Samantha na iniisip ang kapakanan ng iba bago ang sarili, pero wag mo pa ding kakalimutan ang sarili mo, mas madaling magbigay ng saya sa ibang tao kung alam mo kung paano papasayahin ang sarili mo. Alam kong hindi din naging madali ang lahat sayo pero naging matapang ka at pinilit mong ayusin ang lahat. Nagsisimula pa lang ang lahat Samantha, magsisimula pa lang ang totoong hamon ng buhay" ma-emosyonal na sabi ng kanyang ina.
"Nanay, alam kong tinulungan mo akong bumalik ang alaala ko, alam kong sa bawat pagpasok mo sa panaginip ko ay gusto mong ipaalala sa aking ang mga nakalimutan ko, thank you Nanay dahil hindi mo ako pinabayaan kahit na alam kong wala ka na" hindi na niya napigilan ang emosyon dahil tuluyan ng tumulo ang kanyang luha. "Gagawin ko ang lahat Nanay para maging maayos ang pamumuhay ko at kung sakaling oras ko na, masaya ko iyon tatanggapin dahil alam kung nagawa ko na ang misyon ko at nandyan ka para salubungin ako"
"Mahal na mahal kita baby ko" sabi ng kanyang ina at bigla siya nitong niyakap.
"Mahal na mahal din kita Nanay" sagot niya dito na ginantihan niya din ng yakap.
Naramdaman na naman niya ang kuryente sa katawan niya pero sa pagkakataon na iyon ay mas malakas na ang kuryenteng dumadaloy sa kanya. "Ouch!" daing niya dahil sa sakit.
Naramdaman na lang niya ang pagbitaw ng kanyang ina mula sa pagkakayakap nila. Napatingin siya sa kanyang ina pero unti-unti na itong naglalaho sa paningin niya, nakita pa niya na may sinasabi ito dahil sa labi nito pero hindi na niya ito narinig pa hanggang sa tuluyan ng nawala ang kanyang ina sa kanyang paningin.
"ARE YOU SURE Samantha?"
"Yes Dad, for 1 year lang naman babalik din ako"
Halos dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang magising siya at isang linggo na ang nakakalipas nang makalabas siya ng ospital. Tumutuloy pa din siya sa bahay ng kanyang ama dahil iyon ang gusto nito, kasama pa din nila sa mansyon sila Agnes, Loisa, at Andres pero ngayon ay ay may sarili ng silid ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
FanficMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...