NAGISING SI SAMANTHA sa isang pamilyar na lugar at pamilyar na pangyayari, ang paulit ulit na panaginip niya, ang huling araw na nakasama niya ang kanyang ina.
"Nanay, saan tayo pupunta?"
Dahil kilala niya na ang mga ito at alam na ang mangyayari ay salitan niya na lang tinitingnan kung sino na ang nagsasalita.
"Mamasyal tayo Baby, pupunta tayo sa Enchanted Kingdom."
"Hindi kasama si daddy?"
"Susunod na lang siya"
"Talaga? Susunod siya"
"Yes baby, kaya sumakay ka na sa kotse."
Alam ni Samantha na sa oras na paandarin ng kanyang ina ang sasakyan ay magigising uli siya na kasama na siya sa sasakyan na iyon.
TULAD NG INAASAHAN ay nagising siya na nasa loob na ng sasakyan kung saan nagmamaneho ang kanyang ina. Tumingin din sa kanyang likuran at nakita niya ang batang Samantha at ang isang bata na hindi niya kilala.
"Nanay, ano nangyayari sa sasakyan natin, bakit may usok?"
"Wait lang baby, baba muna kayo."
Dahil alam niya na ang mangyayari ay nauna na siyang lumabas sa sasakyan.
"Nanay, wag ka na pong pumunta diyan!"
Gustong niyang pigilan ang kanyang ina sa pagpunta sa sasakyan pero hindi siya makakilos, pakiramdam niya ay may nakahawak sa buong katawan niya kaya hindi siya makakilos.
"Nanay!!!!"
"Nanay!!"
"NANAY!" NAGISING SI Samantha na parang pagod na pagod.
"Sam, are you okay?" bungad na tanong ng kanyang ama.
"It happened again Dad?" tanong niya.
Napalingon siya sa paligid niya at alam niya na nasa kwarto na siya, nasa paligid din si Loisa, Alex, at isang doktor, ang kanilang family doctor.
Tumango ang kanyang ama at kitang-kita sa mata nito ang pag-aalala.
"Ano nangyari Samantha bago sumakit ang ulo mo?" tanong ni Dr. Ramirez.
"I don't know" umiiling na sagot niya na pilit inaalala kung ano ang dahilan ng pagsakit ng ulo niya. "Ang alam ko lang nagpapahinga ako sa sasakyan, napatingin ako sa labas para makapag-relax until I feel na there's something wrong with my head. I tried to relax but the more I calm myself the more my head getting hurt" sagot niya na parang naiiiyak na.
"Shh! It's okay hija.." pag-aalo ng kanyang ama, lumapit ito sa kanya at niyakap siya.
"Dad, bakit lagi kong napapanaginipan yun?" tanong niya habang nakayakap sa kanyang ama.
Hindi sinasadyang napatingin siya kay Alex na nakatayo na halos katapat niya, napansin niya na iba ang tingin nito sa kanya na tila may galit ngunit hindi niya alam kung galit nga ba talaga iyon.
"Samantha, it's normal, kasi iyon ang trauma sa iyo" si Dr. Ramirez na ang sumagot. "Magpahinga ka na muna, sa Saturday may check up ka uli sa akin" pagtatapos nito.
HINATID NI DON Tonny ang doktor hanggang sa pintuan ng kanilang mansyon at nakasunod sa likod si Alex.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
FanfictionMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...