Kabanata Apatnapu't Tatlo

4 0 0
                                    

"WHERE IS PIERRE, Aivee?"

"I don't know mom, hindi siya sumasagot sa tawag ko pero sabi niya kanina na on the way na daw siya"

Tiningnan niya si Samantha na nasa passenger seat sa likod ng sasakyan at kasalukuyan pa din itong natutulog, alam niya na nanghihina na ito dahil sa mga nilalagay nila sa pagkain nito kaya puro tulog ang ginagawa nito.

"Shit! May kailangan pa akong imeet up" sabi ng kanyang ina.

"Meet up?" bumalik ang tingin niya sa kanyang ina na nasa tabi niya. "...sino ka-meet up mo mom? Diba aalis na tayo? We're going to US tomorrow" nagtatakang tanong niya.

"I know Aivee, pero kailangan ko lang kausapin ang abogadong nag-ayos ng papers na pinirmihan ni Tonny para legal ng nasa atin ang kayamanan niya" sagot nito

Napabuntong hininga siya. "Where do you meet him?"

"Sa isang restaurant malapit sa pupuntahan natin..." tumingin siya sa orasan. "...bakit ba kasi ang tagal ni Pierre?" naiinis na tanong nito.

Kahit siya ay hindi alam ang sagot sa tanong ng kanyang ina, kanina pa niya tinatawagan si Pierre pero hindi pa ito sumasagot, huli niya itong nakausap nang tawagan niya ito at pinapapasunod na sa kanila.

"I don't know mom"

"Can we meet him sa pupuntahan natin instead here? Para naman mapuntahan ko na si Atty" tanong ng kanyang ina.

Gustong na niyang mainis dahil sa pagbabago-bago ng plano nito pero wala naman siyang magawa. "Wait, I'll try to contact him again"

Kinuha uli niya ang kanyang selpon at muling tinawagan si Pierre.

"My God Pierre, where the hell are you?" pagalit na tanong niya.

"What's the hurry Aivee? Alam mo naman na may hang-over ako tapos mamadaliin mo ako. Naka-ilang stop over ako dahil nagsusuka ako, kilala mo ako kapag may hang-over ako" napansin niya ang pagkainis sa boses nito.

"Whatever Pierre! Bilisan mo na lang dahil naiinis na si mommy. Lilipat kami ng lugar dahil may aasikasuhin pa si mom, I'll text the address, please hurry kailangan na nating makaalis"

"Makaalis? Where the hell are we going?"

"I'll tell you later okay?"

"And where is Samantha? Hindi ako aalis ng hindi kasama si Samantha"

"Don't worry she's with me" may inis na sabi niya at muli itong nilingon sa likuran. "Kaya bilisan mo na dahil naiinip na si mommy"

"Fine, but make sure na your not going to hurt Samantha"

"Whatever!" pasigaw niya dito at agad na pinatay ang tawag, hindi na niya hinintay ang sagot ni Pierre dahil sa inis na nararamdaman niya.

"What?" tanong ng kanyang ina.

"Let's go, susunod na lang siya" walang ganang sagot niya.

"What happened?"

"Hangover, nakailang stop over siya dahil sa hang over niya" naiinis na sabi niya.

Ngumiti lang ang kanyang ina at agad na sinabihan ang tauhan na aalis na sila, sinabi nito ang lokasyon na pupuntahan nila. Apat na sasakyan silang naka-convoy dahil ang tatlong sasakyan ang mga tauhan ng kanyang ina.

"By the way, ano nangyari sa Pasig?" tanong niya sa kanyang ina.

"It's a successful operation, hawak na nila si Tonny at papunta na din sila sa Pampangga" nakangiting sagot nito.

Bodyguard (Ang Alaala)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon