Kabanata Lima

10 0 0
                                    


HALOS BUONG MAGHAPON nagkulong sa kwarto si Samantha, hindi siya sumabay kumain sa kanyang ama. Dinadalhan siya ng pagkain ni Loisa pero hindi niya naman ito ginagalaw. Ilang beses niya ng kinokontak ang kanyang kasintahan pero hindi naman ito sumasagot mula pa kaninang umaga, kahit sa text ay hindi man lang ito sumasagot. Gustuhin man niyang matulog pa ay hindi niya magawa dahil kahit anong pilit niyang gawin ay hindi siya dinadalaw ng antok. Sinubukan niya na lang magtrabaho kahit na masakit pa din ang ulo niya, gusto niyang may pagkaabalahan, gusto niyang may ginagawa.

Nawala ang atensyon niya sa pagla-laptop ng tumunog ang kanyang selpon, hindi niya kilala ang numerong tumatawag sa kanya, nagdadalawang isip man ay sinagot niya pa din ito.

"Hello?" patanong na sabi niya nang sagutin niya ang tawag.

"Babes, it's me Pierre"

"Babes? Anong nangyari sayo bakit hindi kita makontak?" tanong niya.

"Babes, may emergency lang kay mommy. How are you? Bakit iba ang boses mo?" naramdaman niya ang pag-aalala ng kanyang kasintahan.

"I'm okay Babes.." bumuntong hininga siya bago tinuloy ang kanyang sasabihin. "..I just need you right now" malungkot na sabi niya.

"I'm sorry Babes, wala ako diyan ngayon, I'll tell you everything tomorrow okay? Puntahan kita bukas sa office mo"

"Okay Babes, see you tomorrow Babes. I love you" ang huli niyang sinabi bago tuluyang naputol ang tawag.

Sa pag-iisip kung ano ang nangyari sa ina ng kanyang kasintahan na dahilan kung bakit hindi siya nito natawagan ay hindi niya na namalayan na nakatulog na siya.

Nagising na lang si Samantha sa katok ng kanyang pinto, tumingin tingin pa siya sa paligid at napansin na madilim na sa labas. Pagbukas ng pinto ay pumasok ang kanyang ama na may dalang tray ng pagkain, napansin niya si Alex na nasa labas ng kanyang silid pero hindi ito lumingon sa kanya at alam niyang nakabantay lang ito sa kwarto niya.

"Hija, I just came home and they said you're not eating" sabi ng kanyang ama.

Tuluyan nang pumasok ang kanyang ama at si Alex na ang nagsara ng pintuan. Inilapag nito ang tray sa lamesa na nasa gilid higaan niya. "Hindi ka sumabay sa akin sa lunch, hindi mo kinain yung dinala ni Loisa, hindi mo din kinain yung meryenda mo, are you still mad at me?" tanong ng kanyang ama na ngayon ay nakaupo na sa kanyang kama.

Umupo naman si Samantha mula sa pagkakahiga niya pero hindi niya sinagot ang kanyang ama.

Narinig niya ang pag-buntong hininga ng kanyang ama bago muling nagsalita. "I just want to protect you Samantha"

"Dad.." napatigil ng siya sa sasabihin at tumingin sa pintuan ng kanyang silid na nakasara. Kinuha niya ang kanyang selpon, nag-tipa doon at ipinakita niya sa kanyang ama.

'I want to tell you something about Alex'

Nakita niy ang sa mukha ng kanyang ama.

"You eat this first, then let's go to my Study Room, we'll talk there" iniabot nito sa kanya ang tray na dala. "..and also, maligo ka na din, it's already night but your still wearing your pajama since this morning" sabi ng kanyang ama.

Agad namang kumain si Samantha, dahan dahan lang ang bawat subo dahil wala pa din siyang ganang kumain at dahil siguro nalipasan na din siya. Ang ama naman niya ay tumayo sa pagkakaupo at pumasok sa kanyang banyo, hindi niya napansin kung gaano katagal ang kanyang ama sa loob ng banyo dahil hindi niya inaasahan na papasok ito doon. Hindi niya din alam kung ano ang ginawa ng kanyang ama sa loob dahil mula sa higaan kung saan siya nakaupo ay hindi niya ito makita. Paglabas nito sa kanyang banyo ay dumeretso naman ito sa bintana kung saan niya din sinilip ang tao na hinihanap niya.

Bodyguard (Ang Alaala)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon