Kabanata Labing Dalawa

11 0 0
                                    


"WHAT DO YOU think you're doing Alex!?"

"I'm sorry Don Tonny, hindi ko po sinasadya, hindi ko alam na aalis siyang mag-isa" sagot ni Alex kay Don Tonny.

Kasalukuyan silang nasa kwarto ng ospital kung saan mamamalagi si Samantha habang nagpapagaling, nasa recovery room pa ito at hinihntay na malipat sa kwarto.

Pagdating na pagdating nila sa ospital ay sinalubong na agad sila ni Doc. Ramirez, tinawagan niya na agad ang doktor noong nasa byahe pa sila. Noong nasa loob na ng emergency room si Samantha ay agad niyang tinawagan si Don Tonny para sabihin ang nangyari sa dito. Nahalata niya sa boses ni nito ang galit kanya. Ipinaliwanag niya ang lahat ng nangyari, yung pagsasagutan nila kaya mas lalong itong nagalit sa kanya.

"I am trusting you Alex, akala ko matutulungan mo ako, but what is this?" may diin sa bawat salita nito.

"I will not let you down again Don Tonny, gagawin ko ng maayos lahat ng ipapagawa mo" sagot niya.

"No Alex, no more next time" sabi ni Don Tonny na ikinagulat niya.

Napakunot noo siya at napatingin kay Don Tonny, kahit na kanina pa sila nag-uusap nito ay hindi niya ito tinitingnan dahil ayaw niyang makita ang galit nito. "What do you mean?" tanong niya.

"Once na magising si Samantha, hindi na ikaw ang magiging bodyguard niya, kukuha ako ng ibang bodyguard. Pero habang andito pa siya sa ospital, ikaw ang magbabantay sa kanya, para ma-realize mo kung ano ang ginawa mo" mabilis at mahabang sagot nito.

"Pero D..." dahil sa pagkabigla ay halos mautal siya sa kanyang sasabihin, tumikhim siya bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "...pero Don Tonny, may usapan po tayo" sabi niya.

"Yeah we have an agreement pero hindi mo nagawa ng maayos ang trabaho mo, so..." bigla itong tumalikod sa kanya. "...that agreement is void" mahina pero narinig niya na tila sinadya nito na siya lang ang makarinig. "And you Benny..." baling nito kay Mang Benny. Halos hindi siya makapagsalita dahil sa sinabi nito tungkol sa usapan nila. "... I need to talk to your privately" sabi nito at agad na lumabas ng silid.

Nasa kwarto din si Mang Benny dahil pinatawag din ito ni Don Tonny at si Loisa na abala sa pag aayos sa silid na gagamitin ni Samantha, tinawagan ito ni Mang Benny para makasama niya sa pagbabantay kay Samantha.

Napaupo na lang siya sa couch, hindi niya matanggap na bigla na lang siyang aalisin sa pagiging bodyguard ni Samantha sa isang pagkakamali na kung tutuusin ay kasalanan naman ng dalaga.

"SO HINDI MO siya nakilala Sir?"

"No Sir, may bonet siya kaya hindi makita ang mukha..." sagot niya. "...ang pinagtataka ko ay kung bakit wala ang mga trabahador sa site at parang alam na alam nung taong yun ang pasikot sikot sa lugar na iyon" dagdag niya.

Kasalukuyan siyang kinakausap ni Mr. Montes ang private investigator ng mga Madrigal. Hindi sila nagtawag ng pulis dahil gusto nilang maging tahimik ang imbestigasyon. Ikinuwento niya ang lahat ng nangyari, mula nang umalis siya ng restaurant, kung pano niya hinabol ang suspek, at kung paano niya nakita si Samantha. Dahil wala pa si Samantha sa kwarto ay minabuti na lang nila na dito na din sila mag usap, kasama si Don Tonny at si Mang Benny. Nasa labas naman pansamantala si Loisa dahil ayaw nilang matakot ang mga ito dahil sa mga nangyayari.

Nakita niya ang pagtingin ni Mr. Montes kay Don Tonny. "Sir Tonny, meron ba kayong naiisip na malapit sa inyo na labas pasok sa constuction site na yun?"

Ibinaling niya ang tingin kay Don Tonny, nakita niya ang pag-iisip nito kung sino ang kakilala nila na pwedeng maging suspek. "Sa pagkakaalam ko lahat ng binigay ko sayong listihan na dapat imbestigahan, sila lang ang maaring maging suspek pero sa sinabi ni Alex na alam nito ang pasikot sikot sa construction site, napapaisip din ako, walang nakakaalam sa construction site sinumang nasa listahan" sagot nito.

Bodyguard (Ang Alaala)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon