Kabanata Dalawampu't Walo

5 0 0
                                    

ISANG ARAW LANG nanatili si Samantha sa ospital, kinabukasan ay lumabas din agad siya at sa mansyon na pinagpatuloy ang pahinga.

Kinagabihan ay tinanong siya ni Alex kung gusto niyang sumama sa Study Room para pagusapan ang tungkol sa nangyari, pumayag naman siya.

"As of now, we can't trace Rebecca, hindi din ma-trace sa resort kung saan pwedeng nagtago ang mga lalaking nagtangka kay Samantha..." sabi ni Mr. Montes.

Hindi niya alam kung kanina pa naguusap ang mga ito o ngayon lang, pagpasok nila ay umupo siya sa tabi ni Mang Benny na nasa harapan ng lamesa ng kanyang ama. Sinadya niyang hindi umupo malapit dito dahil hanggang ngayon ay hindi pa din sila naguusap at tila meron pang pader na namamagitan sa kanilang mag ama, ganoon din sa pagitan nila ni Loisa. Si Alex ang umupo sa upuan malapit sa kanyang ama na madalas na pwesto niya.

"...as of the moment we are assuming na merong siyang kasabwat na hindi basta basta knowing na meron silang baril na dala at nasusundan kayo kung saan saan. Alam nila ang kilos mo Samantha..." baling nito sa kanya. "alam nila kung saan ka pupunta, as much as possible you need to stay at home for a while, habang hindi pa natin nahuhuli kung sino ang tunay na kalaban" pagpapatuloy ni Mr. Montes.

"Is it possible na inside job ang nangyayari kung alam nila ang nanyayari sa akin?" tanong niya dito.

"Malaki ang possibility na inside job Samantha at tinitingnan na namin ang lahat ng tao na malapit sayo"

"Sinu-sino ang nasa listahan mo?" tanong uli niya.

Nakita niya ang pagtingin ng imbestigador sa kanyang ama na tila nagtatanong kung pwede iyon sabihin, tumango naman ang kanyang ama tanda ng pagsang-ayon nito.

Kinuha ni Mr. Montes ang listhan nito. "Okay, we're trying to investigate all your staff sa restaurant, lahat sila nasa listahan..." hindi naman siya nagtataka kung isasama ng mga ito lahat ng empleyado niya dahil ito din ang madalas na nakakasama niya. "...we are also investigating all the staff here inside the mansyon and..." napakunot noo siya nang makita niya ang pagaalinlangan ni Mr. Montes. "...and we are investigating Pierre"

"Pierre?" gulat na tanong niya. "Why Pierre?"

"Samantha, malapit sa'yo si Pierre we are not suspecting him, we're just going to investigate him" ang ama niya ang sumagot.

"But Dad, did you know kung ano ang kalagayan niya ngayon?" tanong niya. Nakita niya ang pagbuntong hininga ng kanyang ama. "Don't do this to Pierre Dad, sobra na siyang nasaktan dahil sa paghihiwalayan namin, sobra na siyang stress dahil sa company niya at sa mommy niya, wag na nating dagdagan pa ang iniisip niya" nagmamakaawang pakiusap niya sa kanyang ama.

"Samantha, I will make sure na ipapaliwanag ko ng maayos kay Mr. Cuevas ang lahat para hindi na dumagdag pa iyon sa iniisip niya" pagsisigurado sa kanya ni Mr. Montes.

"No, please, huwag niyo ng isama si Pierre sa imbestigasyon niyo, hindi ko na kayang makitang nasasaktan si Pierre"

Napatingin siya kay Alex para humingi ng tulong, parang ito na lang ngayon ang pinagkakatiwalaan niya. Nakita niya ang pagbuntong hininga nito na parang naiintindihan siya. "Don't worry Sam, I'll handle the investigation for Pierre to make sure na magiging okay siya" sabi nito na walang anunang reaksyon.

"Thanks Alex" bahagya siyang ngumiti dito.

"Okay..." pagsisimula uli ni Mr. Montes. "...so Alex will help us on the investigation. Again, question and answer lang ang gagawin natin, hanggat hindi natin kilala kung sino pa ang mga kasama ni Rebecca we need to assume na everyone is a suspect" sabi nito.

"When you will start to talk to them?" tanong ng kanyang ama.

"As soon as possible, I'll just fix the schedule tonight so we can start tomorrow" sagot ni Mr. Montes.

Bodyguard (Ang Alaala)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon