DALAWANG ARAW NA ang nakakalipas mula ng mabasa ni Samantha ang mga death threat na natatanggap ng kanyang ama. Mula noong araw na iyon ay hindi pa niya nakakausap ang kanyang ama dahil maaga itong umaalis at gabi na kung umuwi. Gustuhin man niyang tanungin at makausap ang kanyang ama ay nagpasya siyang maghintay na ito ang magsabi sa kanya kung ano ang nangyayari. Madalas mang hindi sila magkasundo ay alam niyang ginagawa nito ang lahat para protektahan siya.
Bumalik mula sa pagugunita si Samantha ng may kumatok sa kanyang opisina.
"Ma'am, andyan na po si Sir Pierre sa baba, hintayin ka na lang daw po niya doon para maka-order na siya"
Tumingin siya sa kanyang orasan dahil pakiramdam niya ay maaga pa para sa tanghalian pero nang makita niya ang oras ay alas dose y medya na pala.
"Okay Aivee, thank you" sagot niya sa kanyang sekretarya.
Inayos niya ang kanyang sarili at sinara ang laptop, tumayo siya sa kanyang kinauupuan para makalabas na ng kanyang opisina. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng kanyang opisina ng tumikhim si Alex na nakaupo sa couch.
"Ow! Alex, you can eat your lunch na. No need to go with me, diyan lang kami sa baba kakain" sabi niya.
Sa tingin pa lang ng binata ay alam niyang nakita nito ang hiya sa kanyang mukha dahil hindi niya na naalala na kasama niya pala ito sa opisina.
"Are you okay?"
Napakunot noo siya sa biglaang tanong nito. "What do you mean?" nagtatakang tanong niya.
"Mula kaninang umaga pagpasok natin dito sa opisina, nakatingin ka lang sa laptop mo" tumayo ito at hinarap siya. "Mula 8 AM hanggang 12:30 nakaupo ka lang diyan" turo nito sa lamesa niya.
Nagulat siya sa sinabi nito, sa sobrang pagiisip niya ay hindi na niya napansin kung ano ang ginagawa niya. Tumikhim muna siya bago sumagot. "May iniisip lang..." sabi niya. "...may kailangan lang akong isipin para sa presentation namin next week" hindi niya alam kung nahalata nito ang pagsisinungaling niya.
"Liar..." mahinang sabi nito.
Napakunot noo siya dahil sa sinabi nito, hindi niya mabasa sa mga mata nito kung nang-aasar lang ba ito o may nais itong patunayan.
"You know what, it's not your problem kung ano ang gusto kong gawin dito sa opisina ko, okay?" pagsusungit niya.
Akmang bubuksan na sana uli niya ang pintuan ng muling magsalita si Alex.
"I saw you the other night..." pagsisimula nito. Hindi niya ito nilingon lumingon para maitago niya ang gulat sa sinabi nito. "...I saw you coming out from Don Tonny's study room"
"So what? I can go there whenever I want" sagot niya sagot niya na hindi pa din nililingon ang binata.
"And why your in a hurry after you close the door?" sa boses pa lang nito ay alam niya na seryoso ito at hindi nang-aasar.
"What do...!" naputol ang sasabihin niya dahil nang lumingon siya kay Alex ay halos magkalapit na pala ang mukha nila. Kaya pala pakiramdam niya ay ang lapit ng bawat salita nito ay dahil malapit na pala talaga ito sa kanya.
"What?" nakaismid na tanong nito.
Naiilang man siya sa lapit ng mukha nilang dalawa ay nilabanan niya iyon dahil ayaw niyang isipin nito na siya ang naiilang sa kanilang dalawa. Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. "Whatever you saw last night, wala ka nang pakiilam dun" taas kilay niyang sabi.
Mas lalo itong ngumisi at halatang ayaw din magpatalo sa pakikipagtitigan niya dito. "Your hiding something" hindi tanong kundi tila isang katotohanan.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
FanfictionMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...