"ANYTIME, SHE WILL be up" sabi ng doktor na tumitingin sa ina ni Pierre.
"Thank you Doc" sagot naman ni Pierre. Hinatid nito ang doktor hanggang sa pintuan ng silid.
Pagkaalis ni Pierre sa kanyang opisina ay agad siyang tumawag sa kanyang ama para sabihin na sasama siya kay Pierre para dalawin ang ina nito. Tumanggi man sa una ang ama niya ay napapayag pa din niya ito bandang huli. Pinuntahan uli siya ni Pierre para sabay na silang pumunta sa ospital, nag-commute na lang si Pierre papunta sa opisina niya dahil sasakyan niya ang gagamitin nila tulad ng sinabi ng kanyang ama at kasama pa din si Alex na kasalukuyang nasa labas ng silid.
Nagulat si Samantha ng bigla siyang niyakap ni Pierre mula sa likuran. Nakatayo siya na nakaharap sa ina ni Pierre. "I miss you Babes" bulong nito sa kanyang tenga.
"I miss you too Babes" sagot naman niya, hinawakan niya ang kamay ni Pierre na nakapulupot sa kanyang bewang. "Are you okay?" tanong niya.
"Hmm.. I'm just so tired" sagot nito. Inamoy-amoy nito ang balikat niya. "Namiss kong kayakap ka Babes"
Naramdaman niya na hinahalikan na ni Pierre ang kanyang balikat na hinayaan niya lang dahil madalas naman iyong ginagawa ng kanyang kasintahan. Pero naalarma siya ng mapansin niya na halos hinahawi na ng bibig nito ang tela ng damit niya sa balikat at lalo pa nang hawakan ng madiin ni Pierre ang kanyang mga kamay.
"Babes, what are you doing nasa ospital tayo" pagsasaway niya sa kanyang kasintahan.
"It's okay Babes, tayo lang naman ang nandito" sabi nito habang patuloy sa paghalik sa balikat niya.
"Babes, your mom is here and Alex is outside" sabi niya. Hindi siya makapalag dahil sa higpit ng yakap sa kanya ni Pierre.
Tumigil sa paghalik si Pierre, iniharap siya nito habang nakapalupot pa din ang mga kamay sa bewang niya. "Babes, walang malay si mommy at hindi tayo makikita ng bodyguard mo mula sa pintuan dahil nasa gilid tayo" sagot nito.
"Pero kahit na.." naputol ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Pierre.
"Babes, please? I really miss you so much, don't you miss me?" naka-simangot na tanong ni Pierre na halatang nagpapaawa sa kanya.
"I miss you too Babes, but.." muling naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang halikan ni Pierre.
Hindi naman niya itatanggi na namiss niya din ang kanyang kasintahan, kaya tumugon din siya sa malumanay na paghalik sa kanya ni Pierre. Hindi na niya napansin na naiikot na pala siya ni Pierre, naramdaman niya na lang ang pagsandal niya sa pader.
"Oh God, Babes. I miss this" sabi ni Pierre nang kumawala ito sa paghahalikan nilang dalawa pero agad siyang hinalikan muli pagkasabi niya ng mga salitang iyon. Hindi na siya nakasagot pa dahil sa muling paghalik nito. Mas mainit na halik ang binigay sa kanya ni Pierre na tila uhaw na uhaw sa halik. Sinubukan namang sumabay ni Samantha sa halik ng kanyang kasintahan ngunit hindi siya makalaban sa halik nito. Ilang minuto ding nagtagal ang halikan nila ng ibinaba ni Pierre ang kanyang halik sa kanyang leeg.
Alam niya na walang masama sa ginagawa nila dahil magkasintahan naman sila, pero sa hindi malamang dahilan ay na-aalarma siya sa ginagawa sa kanya ng binata. Itutulak niya sana si Pierre pero hawak na pala nito ang dalawa niyang kamay na nasa taas ng kanyang ulo. "Pierre, please stop" mahinang sabi niya sa kanyang kasintahan, ngunit hindi siya nito pinansin at patuloy lang sa paghalik sa leeg niya. "Pierre!" medyo madiin na tawag niya.
Tumingin sa kanya si Pierre. "Babes, stop please" nagmamakaawang sabi niya.
"You're so beautiful Babes and I really want you" ang sabi lang nito na parang hindi narinig ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
Fiksi PenggemarMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...