"HEY SAMANTHA"
Hindi na halos maimulat ni Samantha ang kanyang mata dahil sa panghihinang nararamdaman niya ngayon. Gusto niya lang matulog, gusto niya lang ipikit ang kanyang mata.
"Samantha, sorry but I have to this" kahit na hindi niya imulat ang kanyang mata ay alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
"Ahh" mahinang sigaw niya nang maramdaman niyang may tumusok na naman sa katawan niya.
"I'm sorry Samantha, ito lang yung paraan para hindi ka manghina" sabi ni Loisa na bakas ang pag-aalala sa boses nito.
Pinilit niyang imulat ang kanyang mata. "Loisa" mahinang banggit niya.
"Samantha, hindi ka pwedeng manghina. Marami tayong gagawin ngayon at kailangan ko yung strategy mo"
"What did you mean?" nagulat siya nang mabuo ang kanyang tanong sa kabila ng kanyang panghihina.
"Samantha, kailangan mong magpanggap na mahina sa mata nila, because our plan is..." natigil sa pagsasalita si Loisa nang marinig nila na may nagbubukas ng pintuan.
"Just act Samantha" mahinang sabi nito at agad na nagtago sa ilalim ng higaan.
Agad naman siyang nagtulog-tulugan, hindi niya alam kung ano ang itinurok sa kanya ni Loisa pero pakiramdam niya ay nawawala na ang panghihina niya.
"Hey, wake up!" alam niyang si Aivee ang tumatawag sa kanya pero nagpanggap siyang hindi niya ito naririnig, nagulat na lang siya nang biglang lumapit sa kanya si Aivee at niyugyog siya.
Nagpanggap siyang umuungol para hindi halata na kanina pa siya gising.
"Ma'am Aivee, medyo nanghihina yan kasi pinaturukan sa amin ni Ma'am Andy" sabi ng isang tauhan ng mga ito nakilala niya.
Si Arturo, ang lalaking laging may kamerang hawak at ang lalaking sumampal sa kanya dahil sa ingay niya.
"What? Ano na lang ang sasabihin ni Pierre kapag nakita niyang mahina 'to?"
"Pierre?" hindi sinasadyang mapalakas ang banggit niya sa pangaalan ni Pierre kaya nang mapansin niya na narinig ni Aivee ang pagkakabanggit niya ay muli siyang nagpanggap na nanghihina na tila siya nag-iimahinasyon lang.
"Yeah, he's here. Diba gusto mo siyang makita? Pero kailangan mong ayusin ang sarili mo kasi baka mag-alala siya ng husto sayo" sabi nito. Alam niyang sinasabi lang iyon ni Aivee para mapasunod siya nito.
"I want to see Pierre"
"Yeah, yeah, you will see him. Ayusin mo lang ang paglalakad mo dahil baka ipagpalit ka naman niya sa babae" naaninag niya sa mata nito ang galit.
Agad siyang inalalayan ng dalawang lalaki at sinadya niyang maglakad na parang nanghihina. Lumabas sila ng sillid at nagtungo sa sala, nakita niya ang pagsilip ni Aivee sa bintana, gusto niyang tingnan ang labas pero hindi niya makita dahil sa kurtina.
Nagulat siya nang marinig ang boses ni Pierre mula sa labas at bigla na lang siyang hinila ng dalawa palabas ng mansyon.
"She's here. So, sasama ka na ba sa amin?"
"What did you do to her?" nakita niya ang pag-aalala ni Pierre nang magtama ang mata nila.
"She's not eating, ayaw niyang kumain kaya nanghihina siya..." napansin niya ang pagtingin sa kanya ni Aivee. "...lagi ka niyang hinahanap. Maybe, maybe magkakagana uli siyang kumain kapag nakita ka niya, kaya sumama ka na sa amin for Samantha" alam niyang ginagamit lang siya ni Aivee para sumama si Pierre sa sa mga ito, palihim siyang umiling iling habang nakatingin kay Pierre.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
FanfictionMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...