"SAMANTHA!"
"Samantha!"
Hindi pa masyadong malalim ang tulog niya pero nakakarinig na siya ng pagtawag sa kanya, ayaw pa din niyang imulat ang kanyang mata.
"Samantha, wake up" sabi ng nagmamalasakit na boses ng babae.
Ayaw pa din niya imulat ang kanyang mata dahil sa antok na nararamdaman niya at gusto pa din niyang magpahinga pero ang katawan niya ay parang gusto ng bumangon sa higaan. Bakit parang hindi nagtutugma ang gusto ng katawan niya at ng mata niya, bakit tila hindi tumatakbo ang katawan niya bilang isa.
"Samantha, please wake up" sabi uli ng nagmamalasakit na boses ng babae. Nahihiwagaan si Samantha kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon kaya kahit mabigat pa din ang mata niya ay pinilit niyang iminulat ang kanyang mga mata.
"Oh my God Samantha" sabi ng babae na hindi niya maaninag dahil sa liwanag na pumapasok sa bintana ng silid na parang may naghawi ng kurtina.
Naka-ilang pikit-bukas mata siya para maaninag ang babaeng nasa gilid ng kanyang higaan.
At laking gulat niya nang makita ang isang pamilyar na mukha na nakangiti sa kanya, kitang-kita sa mata nito ang pag-aalala sa kanya kahit na nakangiti ito.
"Loisa?" paos na sabi niya.
"Finally, you're awake" mahinang sabi nito. Palinga-linga ito sa pintuan na tila nagmamatyag kung sakaling may pumasok sa silid.
"What are you doing here?" pinipilit niya na maging maayos ang salita niya ngunit paos na boses pa din ang lumalabas sa kanya.
"I'm here for you..." nakangiting sabi nito. "...hindi ako papayag na ikaw lang ang gagawa ng plano nating dalawa but first you need to eat" sabi nito at may kinuhang bagay na nasa ilalim ng higaan niya. "Kailangan mong bumawi ng lakas"
"Pero paanong..."
"Eat first, I'll explain everything later" putol nito sa sasabihin niya.
Ibinigay nito ang pagkain sa kanya at nagpaalam muna at sinabing babalik pero hindi niya sinabi kung saan ito pupunta. Sa banyo ng silid ito pumasok at hindi na bumalik. Nagkaroon siya ng ideya na sa bintana ito dumadaan. Hinawi uli nito ang kurtina bago tuluyang umalis.
Binuksan niya ang pagkain na binigay ni Loisa, chicken sandwich na paborito niya at mayroon tubig. Mas mabilis daw iyong matatago kung sakaling may pumasok sa silid niya kaya iyon ang dinala niya. Agad niyang binuksan ang isang tinapay dahil gutom na gutom na din talaga siya, mabilis niyang naubos ang isang tinapay kaya binuksan niya uli yung isa. Apat na tinapay ang binigay ni Loisa sa kanya at apat na tubig din, pero isa lang ang hawak niya dahil nasa ilalim ng higaan ang tatlo pang tubig.
Itinago agad niya ang kalat sa ilalim ng higaan dahil may nilagay na plastik si Loisa doon para madali itong makuha. Pagkatapos niyang maayos ang basura ay humiga uli siya para mabilis lang siyang makapagpanggap na tulog kapag biglang may pumasok.
Palaisipan ngayon sa kanya kung paano nakarating si Loisa sa lugar na'to, malabo namang nasabi ni Rebecca dahil iba ang lokasyon na binigay nito kay Alex.
Naalala niya ang pagpa-plano nila ni Loisa para malaman nila kung sino ang nagpapadala ng mga sulat at kung sino ang may pakana ng ilang beses na pagkidnap sa kanya. Nagplano sila kung paano niya ipapain ang sarili niya para makaharap ang mga ito pero nawala ang lahat ng plano na iyon nang malaman niya ang tungkol sa pagkatao ni Alex dahil nadala na naman siya ng emosyon niya.
Nakipagkita pa siya kay Loisa bago siya nagpunta sa bar, sinabi niya ang tungkol kay Alex at nakaramdam pa siya ng galit nang malaman na alam din pala ni Loisa lahat, hindi niya pinaramdam kay Loisa ang galit na nararamdaman niya dahil mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang mahanap kung sino ang nasa likod ng gulo sa pamilya ng kanyang Tito Tonny.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
FanfictionMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...