Kabanata Labing Siyam

5 0 0
                                    


ISAN LINGGO NA ang nakakalipas mula nang umalis si Pierre. Nagkakausap naman sila paminsan minsan pero hindi pa din siya nito mabigyan ng araw kung kailan ito uuwi. Bukas na ang pagtitipon na pupuntahan nila pero hindi niya alam kung matutuloy pa iyon, nakapagpagawa na din siya ng kanyang susuotin.

"Hi Ma'am Samantha, coffee for you" bati ni Aivee sa kanya pagbukas ng pinto ng opisina niya.

Kahit sabado ngayon ay pumasok ito dahil hinahabol ang dalawang araw na wala ito.

"Thanks Aivee! Until what time ka today?" nakangiting tanong niya.

"Maybe until 5 Ma'am, but not sure depende din kung matatapos ko agad lahat ng dapat gawin" sagot nito. Umupo ito sa upuan sa harapan ng lamesa niya. "How about you Ma'am?" tanong din nito.

"Not sure din, wala akong magawa sa bahay kaya pumasok na lang muna ako, mas gustong kong mag stay dito kaysa sa bahay"

"Bakit naman Ma'am? Hindi ba mas okay kung nasa bahay lang para makapagpahinga ka" humigop ito ng kape pagkatapos magtanong.

"I don't know..." sabi niya. Napabuntong hininga siya. "...parang mas gusto ko lang na nandito ako ngayon"

Pakiramdam niya kapag nasa mansyon siya ay may nagmamasid sa kanya. Mula ng makita niya ang litrato ay hindi na siya mapakali kapag nasa mansyon siya. Wala pa siyang sinsabihan tungkol sa nakita niya dahil ayaw ni yang maapektuhan ang pag iimbestiga niya.

"Maybe your safe zone is here?" patanong na sabi nito.

"Yeah, maybe your right"

Magsasalita sana si Aivee nang may kumatok sa opisina niya. Nagkatinginan silang dalawa dahil sila lang naman ang nasa opisina dahil wala namang pasok.

"Are you expecting someone Ma'am Samantha?"

Napakunot noo siya. "Actually, none" sagot niya.

Tatayo na sana si Aivee para buksan ang pintuan ng bigla iyong nagbukas.

"Babes?" gulat na sabi niya.

"Hi Babes" nakangiting bati nito sa kanya.

May dala itong bulaklak at halata ang pagod sa mukha. Tumingin naman sa kanya si Aivee na tila may pang aasar ang ngiti at pinanlakihan niya ito ng mata para sawayin.

"Excuse me lang at baka makaabala pa ako sa inyo" nakangiting sabi nito. Kinuha nito ang kape at agad lumabas ng opisina.

Napailing naman siya dahil sa pang aasar na ginawa ni Aivee sa kanya. Dahan dahang lumapit si Pierre sa lamesa niya at inabot ang bulaklak na dala nito. Agad din naman niyang tinanggap iyon.

"I'm sorry Babes, super late na ako" malungkot na sabi nito, umupo na ito sa upuan na inalisan kanina ni Aivee.

"What do you mean Babes?" nagtatakang tanong niya.

"Sa usapan natin, sabi ko kasi 2 days lang ako pero inabot na din ako ng 1 week sa Singapore"

"It's okay Babes, diba sabi ko naman na okay lang at naiintindihan ko" nakangiting sabi niya.

Hinawakan ni Pierre ang mga kamay niya. "I am so lucky to have you Babes" sabi nito at hinalikan ang likod ng kanyang kanang palad.

"I'm so lucky to have you too Babes" sabi niya "But, kagagaling mo lang ba sa airport?" tanong niya.

"Yes Babes, pagdating sa airport dumeretso na ako dito kasi sobrang namimiss na kita" mahinang sabi nito.

Nakaramdam siya ng kilig nang marinig niya iyon. "Let's eat lunch?" tanong niya.

Bodyguard (Ang Alaala)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon