NAGISING SI SAMANTHA na masakit ang ulo dahil sa pag inom niya kagabi. Hindi niya maalala kung paano siya nakalipat sa silid dahil alam niya sa sala siya nakatulog dahil naka-lock ang silid niya. Bigla siyang namula nang maalala ang tungkol sa paghalik ni Alex sa kanya. Pakiramdam niya ay wala siyang mukhang maihaharap kay Alex dahil sa hiya.
Hindi niya alam kung bakit humihingi ng paumanhin si Alex sa kanya at hindi din niya alam kung bakit niya nasabi na nasasaktan siya lalo tuloy nadagdagan ang dahilan para mahiya siya dito.
Ayaw pa sana niyang lumabas pero kailangan na niyang magbanyo at kailangan niya na rin ng kape dahil sobrang sakit talaga ng ulo niya. Bumuntong hininga muna siya.
Bahala na.
Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan ng silid. Pasimple muna siyang tumingin sa sala, wala si Alex. Lumabas siya at nagmamadaling pumunta sa banyo, nakahinga siya ng maluwag nang makarating siya sa banyo na hindi nakikita si Alex.
Nagulat siya nang paglabas niya sa banyo ay hinihintay na siya nito.
"Let's eat breakfast?"
Hindi niya alam kung paano nitong nagagawa na parang wala lang dito ang nangyari kaninang madaling araw.
Baka dahil sanay na sa maraming babae kaya parang wala na lang sa kanya ang paghalik.
"Okay" maikling sagot niya.
"You want coffee?" tanong nito pagkaupo niya sa upuan.
"Ako na lang ang magtitimpla" sabi niya sa halip na sagutin ito.
"Nope, let me do it for you" nakangiting sabi nito.
Nagtataka siya kung bakit parang iba ang awra nito, kung bakit parang ang saya-saya nito. Napapaisip tuloy siya kung may nagawa ba siya kagabi nang hindi niya maalala. Tinatraydor na naman ba siya ng utak niya para makalimutan ang mga ginawa niya. Pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi pero wala talaga siyang maalala.
"Your coffee" natigil ang pag-iisip niya nang magsalita ito. "Are you okay Sam?" nagtatakang tanong nito.
"Yes, masakit lang ulo ko dahil naparami ata inom ko kagabi"
"Yeah, I think naparami nga ang inom mo kagabi" sabi nito. "Kumain ka na para makainom ka na ng gamot" nakangiting sabi nito.
Nagtataka siyang tumingin kay Alex dahil para itong may alam na hindi niya alam. Pagkatapos kumain ay nagpahinga uli siya dahil sobrang sakit pa din ng ulo niya.
Hapon na nang magising uli siya, bumangon siya para magkape uli dahil ramdam pa din niya ang sakit ng kanyang ulo. Hindi niya nakita si Alex sa sala at sa kusina. Pagkatapos niyang magtimpla ay dumeretso na uli siya sa labas, umupo uli siya sa duyan.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal nanatili sa labas nang marinig na lang niya si Alex.
"Masakit pa din ulo mo Sam?"
Alam niya nasa likod niya lang ito. "Yeah"
Nagulat siya nang bigla na lang nitong hinawakan ang kanyang ulo at nagsimulang hilutin iyon.
"Alex..."
"Shhh! Just stay still Sam, magrelax ka lang diyan" putol nito sa sasabihin niya.
Hindi na siya tumanggi pa dahil naramdaman na niya ang sarap ng pagkakahilot nito at unti unti ng kumakalma ang ulo niya.
"Umorder na lang ako ng seafoods for our dinner, mag picnic tayo dito sa tabing dagat" sabi nito habang patuloy na hinihilot ang kanyang ulo.
"Seafoods?"
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
FanfictionMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...