Kabanata Limampu't Apat

5 0 0
                                    

 HALOS DALAWANG ORAS din ang hinintay nila bago nakarating ang magkakaibigan. May plaster ang kaliwang kamay ni Loisa na inaalalayan ni Rey at naka-wheel chair naman si Agnes na tulak-tulak ni Andres, napansin din niya na may mga galos si Agnes sa ibang parte ng katawan nito.

"How are you Loisa?" agad na tanong ng kanyang ama.

"I'm okay Don Tonny, may natamaan lang na buto pero hindi naman ganon kalala, mabuti na lang at may bullet proof vest ako kaya hindi ako napuruhan sa dibdib"

Tumango-tango ang kanyang ama at ibinaling naman ang tingin kay Agnes. "And you Agnes, how are you?"

"I'm better Don Tonny, kailangan ko na lang pagalingin ang sugat ko"

"Okay" tumatango tangong sagot ng kanyang ama.

Nagtinginan silang mag ama at tumango sa isa't isa, tumikhim muna siya bago nagsalita. "So, paano kayo napunta sa lugar na iyon? For Agnes I understand dahil nag-uusap kami at may tracker din siya ni Samantha. For Rey and Andres medyo naiitindihan ko dahil hinahabol nila si Pierre, pero nagulat ako na nasa sasakyan kayo ni Pierre. And you Loisa, paano ka nakapasok sa loob ng mansyon?" sunod-sunod na tanong niya dahil gulong gulo din siya sa mga nangyari.

Nakita niyang nagtinginan muna ang magkakaibigan na tila nagtatanong sa isat isa kung sino ang magsasalita.

Tumikhim si Rey bago ito nagsalita. "Okay, I'll explain pero hindi lahat ay mapapaliwanag ko" panimula nito. "Mula nang makidnap si Samantha nag-usap usap kaming apat na mag imbestiga ng hindi niyo alam dahil ayaw naming mapahamak kayo" tumingin ito sa kanyang ama. "Ayaw naming mapahamak kayo Don Tonny dahil kayo na ang tumatayong ama sa amin at hindi kami papayag na dahil lang sa paghihiganti ay mapapahamak kayo"

Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng kanyang ama ng balingan niya ito ng tingin, punong puno ng emosyon ang mga mata nito.

"I should be the one protecting you guys" ma-emosyonal na sabi nito.

Bahagyang ngumiti si Rey. "Mula nang mawalan kami ng pamilya, kayo na po ang tumayong pamilya namin, kung paano mo kami pinaaral, kung paano mo kami sinuportahan sa mga gusto naming marating, itinuring mo kaming tunay na anak kaya hindi kami papayag na mapahamak ang nag-iisang ama namin" nakita niya na nahihiya si Rey habang sinasabi iyon.

Muli siyang napatingin sa kanyang ama at nakita niyang nagpipigil ito ng emosyon. "I appreciate but please don't that again dahil walang magulang ang gustong ipahamak ang kanilang anak" seryosong sabi nito.

Halos sabay-sabay nag-ngitian ang magkakaibigan. Binaling naman ni Rey ang tingin nito sa kanya. "Ayaw ka din naming mapahamak Alex dahil nakita namin kung gaano mo protektahan si Samantha at nakita namin kung gaano siya nagtitiwala sa'yo, mula nang mawala ang kanyang ina ay parang hindi na siya marunong magtiwala kahit kanino maliban kay Pierre na hindi pa namin nakikita noon kaya we decided na hindi ka pwedeng mapahamak dahil kailangan ka pa ni Samantha" sabi nito.

Napangiti naman siya sa sinabi nito at napatingin sa walang malay na dalaga.

"When you tell us na ipapain ni Aivee si Samantha for Pierre pinilit naming mahabol ang sasakyan niya, buti na lang at may hang-over siya that time kaya nakaka-ilang stop over siya hanggang sa ma-corner namin siya, sinabi namin ang lahat sa kanya kaya nakipagtulungan siya sa amin. At first hindi kami makapag-decide kung magtitiwala ba kami sa kanya pero nakita namin sa mata niya na nagsasabi siya ng totoo. Sa kanya din ang idea na sasama kami sa sasakyan niya para kapag nakuha niya si Samantha ay agad kaming makakaalis dahil nakaabang na kami sa sasakyan niya" si Andres naman ang nagsalita.

"Sinabihan namin si Agnes na gumawa ng paraan para hindi kayo mauna sa amin dahil hindi pwedeng dalawa ang makuha nila Aivee at dahil may plano na kami kailangan namin kayong harangin" sabi ni Rey.

Bodyguard (Ang Alaala)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon