Kabanata Tatlumpu't Siyam

5 0 0
                                    

HALOS HINDI NAKATULOG si Alex dahil sa kagustuhan niyang makausap ang kanyang mga kasama. Mula ng matanggap niya ang tawag ay nagpasya siyang ipagpabukas na lang iyon para hindi sila makagawa ng desisyong pwedeng ipahamak ni Samantha. Alam niyang pagod natin ang mga kasama niya kaya mas maganda na makapagpahinga na muna ang mga ito.

"Can we trust your source?' tanong agad sa kanya ni Loisa.

Umiling iling siya "I don't know but I think nagsasabi siya ng totoo"

"Paano mo nasabi?" tanong muli nito.

Bumuntong hininga muna siya. "Because that number is already familiar with me, iyon din ang number na tumawag sa akin noong nasusunog ang restaurant"

Nakita niya ang gulat sa mga kausap niya.

"Do you think that's Rebecca?" tanong ni Andres.

"I'm not sure, hindi ko makilala ang boses"

"But still we need to make sure na totoo ang sinasabi ng source mo, we can't go there ng hindi natin nasisigurado dahil baka mapahamak tayo at ganoon din si Samantha" sabi ni Mr. Montes.

"Do you have any suggestions John?" tanong ng kanyang ama.

"Pwede nating papuntahin ang ibang tauhan natin sa lugar na yan to check kung totoo ngang andun si Samantha" sagot nito.

"Paano natin malalaman kung andoon nga sila? Paano kung maglagay din sila ng bantay sa labas para isipin natin na may tao sa loob kahit wala naman?" tanong ni Andres na may punto din.

Nakita niya na napaisip si Mr. Montes sandali bago muling nagsalita. "Pwede tayong mag iwan ng ilang tao sa lugar na iyan para magmasid ng mga ilang araw for sure kapag napansin nila na hindi natin pinansin ang message nila, aalisin din nila ang mga tao doon" sagot ni Mr. Montes.

"What if kung nandoon nga si Samantha hanggang kailan tayo maghihintay para mailigtas siya?" tanong niya.

"Gagawa ako ng paraan para may makapasok sa lugar na iyon, para masigurado natin ang kaligtasan ni Samantha" sagot nito sa kanya.

"By the way where is Agnes?" tanong ng kanyang ama at doon niya lang din napansin na wala nga si Agnes.

"May lalakarin lang daw siya, kanina pa siya madaling araw umalis" sagot ni Loisa.

Napakunot noo siya dahil hindi nagsabi sa kanya si Agnes dahil madalas naman ay nagsasabi ito kung saan ito pupunta para alam nilang lahat kung ano ang iniimbestigahan ng bawat isa.

"Anyway, we need to be careful on our plan for Samantha's sake, kung kaya nating mapasok agad ang gusali gawin na natin ng mas maaga para alam natin kung iyon na talaga ang lugar" sabi ng kanyang ama.

"Yes po Don Tonny, makakaasa po kayo" sabi ni Mr. Montes.

Pagkatapos ay muli silang pumunta sa Study Soom para muling mag-usap kung ano ang ipaparinig nila kala Pierre.



"SO WHAT'S THE plan mom?" tanong ni Aivee sa kanyang ina.

Kasalukuyan silang nag aagahan nang marinig nila ang usapan nila Don Tonny.

"We'll follow our plan Aivee..." sagot nito pakatapos humigop ng kape. "...hindi natin ibibigay si Samantha sa kanila hanggat hindi napapasa ng legal sa atin ang kayamanan ni Tonny"

"How about Tito Tonny hindi ba dapat siya ang makuha natin?"

"We'll do it slowly Hija, gagawin natin ang lahat ng plano, hindi lang ako papayag na wala tayong makuha sa plano na'to" seryosong sabi nito.

Bodyguard (Ang Alaala)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon