AGAD NA BUMALIK sa mansyon sila Alex pagkatapos makipagkita kay Andy at Pierre, gabi na sila nakauwi dahil sa layo ng byahe.
"How's Samantha?" tanong ni Loisa na nakaupo sa higaan ng kanyang ama.
"She's not good and we need to hurry to find her"
Habang nasa byahe sila ay sinabihan na nila ang mga ito na imbestigahan si Pierre dahil iyon paguusapan nila.
"Do you have any idea kung nasaan siya?" tanong ni Andres na katabi ni Loisa.
Umiling iling siya. "No, wala kaming idea ni daddy"
Napatingin sila sa pintuan nang bigla itong bumukas at pumasok si Mr. Montes.
"I am sorry I am late" sabi nito na halatang hinihingal.
"It's okay Mr. Montes, wala pa din si Agnes and naliligo pa si Dad. Magpahinga ka muna"
Si Agnes na lang ang hinihintay nila para makapagsimula sila sa mga susunod na gagawin. Habang hindi pa sila kumpleto ay naligo muna ang kanyang ama, hindi na din siya nakapagpahinga kakaisip kay Samantha.
Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na ang kanyang ama at saktong dumating din si Agnes, pinagpahinga muna ng kanyang ama si Agnes dahil may kinausap pa ang kanyang ama sa selpon nito.
Ikinuwento ng kanyang ama ang nangyari sa kanila sa Pampanga at ang nangyari kay Samantha. Sinabi din nito kung sino ang nakausap nila at tulad din nila ay nagulat din ang mga ito.
"Si Pierre yung boyfriend ni Samantha?" tanong ni Andres.
Parang nainis pa siya nang marinig ang salitang boyfriend dahil matagal ng hiwalay ang dalawa, pero pinalagpas niya na iyon dahil hindi iyon ang panahon para magselos siya. Tumango na lang siya bilang sagot sa tanong nito.
"Never ko pang nakita yung Pierre" sabi naman ni Loisa.
Kahit matagal ng alam ng mga ito na may kasintahan si Samantha ay hindi pa nakikita ng mga ito si Pierre dahil naka-pokus ang mga ito sa pagbabalik ng alaala ni Samantha kaya hindi na siya nagtataka kung hindi kilala ng mga ito si Pierre.
"That's enough..." sabi ng kanyang ama. "...let's proceed with the investigation research, Agnes?" baling nito kay Agnes.
Kanina lang ay pagod at pag-aalala ang nakikita niya sa mukha ng kanyang ama pero ngayon ay napalitan iyon ng galit nang mapagusapan si Pierre.
"Okay..." panimula ni Agnes.
Ngayon na lang din niya napansin ang pagod sa mukha ni Agnes dahil siguro sa walang katapusan nitong pagiimbestiga. Dati pa lang ay alam na niyang may pagtingin sa kanya si Agnes pero hanggang kaibigan lang turing niya dito, naging malapit sila sa isa't isa nang magsimula ang imbestigasyon nila tungkol sa death treath dahil sila ang madalas magusap.
"...kilala ko na kung sino ang kasabwat nila Pierre at for sure mabibigla din kayo..." sabi nito at kinuha ang mga larawan, kinuha din nito ang laptop, binuksan nito ang laptop at itinabi lang.
Kumuha ito ng isang larawan. "Itong picture na 'to ay noong may nakita kayong tao sa loob ng restaurant..." baling nito sa kanya. "...siya ang nasa restaurant, kuha 'to sa CCTV ng establishment sa likod ng restaurant ni Samantha..."
Naalala niya ang araw na iyon, nakasalubong niya pa ang taong iyon nang maiparada niya na ang sasakyan. Tiningnan niya ang litrato pero hindi malinaw kung sino iyon dahil sa suot nito.
Kumuha uli ng isang litrato si Agnes. "Ito naman yung araw na pumunta si Aivee sa mansyon para kausapin si Samantha at nang makita niya na nasa beranda si Samantha ay kinuhaan niya ito, iyon yung picture na may death threat sa likod"
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
FanfictionMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...