HALOS KAGIGISING LANG ni Samantha nang dumating si Alex at ang kanyang ama, tinulungan siya ni Loisa na makaupo at sakto din na katatapos lang nitong mag-ayos ng gamit. Nagpaalam din agad si Loisa sa kanila para umuwi.
Umupo si Alex sa couch, samantalang dumeretso ang kanyang ama sa tabi niya.
"Kamusta ka na Hija?" tanong nito.
"Okay na po ako Tito Tonny" nahihiyang sagot niya.
"No, call me Daddy ako pa din ang ama mo"
"Sobrang nahihiya po ako sa inyo, sa mga inasal ko sa inyo, kung paano ko kayo sagot-sagutin, kung paano ko kayo pakisamahan..." bahagya siyang ngumiti at napayuko "...pakiramdam ko wala na akong mukang maihaharap sa inyo sa kahihiyan" pinipigilan niya ang luhang nagbabadyang bumagsak.
"No, hindi mo kailangan mahiya, sinabi kay Susan na ituturing kitang parang isang tunay na anak"
"Naiintindihan ko po, pero wala na si Nanay, okay lang po na hindi mo na gawin ang ipinangako mo sa kanya" nakayuko pa din siya habang nagsasalita.
"Samantha..." malumanay na sabi nito.
"Maraming salamat po sa pag-aalalaga sa akin Tito, thank you for understanding me..." hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha. "...naramdaman ko din po ang pagpapahalaga mo sa akin, naramdaman ko din po ang pagiging ama mo sa akin"
Kahit lagi niyang sinasabi na hindi niya maramdaman ang pagiging ama nito ay nagbago ang pananaw niya nang maalala niyang hindi siya nito tunay na anak.
"Sa mga sinasabi mo, it seems like you don't want to stay. Hindi ako papayag Samantha, hindi ako papayag na umalis ka sa poder ko"
"Hindi dapat ako ang kasama mo Tito, kundi ang anak mo, si Troy" sabi niya. "...alam ko na dahil sa nangyari dahil sa pag stay ko sa'yo ng ilang taon, alam ko na mas lalong galit sa akin ang anak mo"
"Maiintindihan niya ang lahat Samantha, alam kong maiintindihan niya. Hindi ko hahayaan na umalis ka, hindi ako papayag" ramdam niya ang pagiging ma-owtoridad sa boses nito.
"Ayoko pong maging pabigat sa inyo at ngayon na alam ko ng hindi ako parte ng pamilya niyo Tito, ayoko na pong manggulo sa inyo"
"What do you mean?"
"Ako ang hinahabol ni Rebecca at ayokong madamay pa kayo..." tumingin siya dito. "...kapag nag stay pa ako sa inyo madadamay din kayo sa paghihiganti ni Rebecca sa akin"
"What are you talking about Samantha? Hindi ako papayag na ikaw lang mag isa ang haharap sa kanya, ako ang nagtanggal sa kanya kaya ako ang haharap sa kanya..." nakita niya ang pagbuntong hininga nito. "...kung tutuusin, ikaw ang nadadamay dito Samantha at hindi kami" makahulugang sabi nito.
"Mas maganda siguro kung haharapin ko na din si Rebecca para matapos na din ang paghihiganti niya..."
"Samantha!" halos pasigaw nito sa kanya. "Huwag na huwag mong ilalagay ang sarili mo sa kapahamakan, okay?"
Bahagya siyang ngumiti. "Mag isa na lang din ako dito, mag-isa na lang ako sa mundong 'to, wala si Nanay, wala si Pierre, wala si Tatay, para saan pa at lalaban pa ako" muli na namang pumatak ang kanyang mga luha.
"Samantha, andito pa kami, andito pa ang mga kaibigan mo"
"Ayoko pong maging pabigat kahit kanino, panahon na po siguro para pagtuunan niyo ng pansin ang anak mo Tito..." pinunasan niya ang kanyang mga luha. "...okay lang po ako Tito, magiging okay din po ako" sabi niya habang nakikipagtitigan dito.
"Samantha, please call me Daddy, I am still your Daddy at hindi ako papayag na aalis ka sa pamamahay ko" seryosong sabi nito na parang iyon na talaga ang mangyayari, ang manatili siya.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
Fiksi PenggemarMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...