"HELLO REY?"
"Nakita naming umalis si Pierre, we're following him"
"Why? Akala ko kakausapin niyo lang siya?"
"Yeah, that's the original plan pero we heard na tumawag sa kanya si Aivee so we decided na sundan siya baka sakaling makita namin si Samantha"
"Kamusta naging usapan niyo?"
"It's confusing na parang hindi niya maalala ang lahat kahit na pinakita namin yung picture natin"
"Did you see his reactions?"
"Yeah, his also confused"
"Let's talk it later, for now mag-iingat kayo and keep us updated hindi natin alam ang pwedeng gawin ni Aivee"
"Mag-ingat din kayo"
Ibinaba na agad ni Alex ang tawag, kasalukuyan pa din silang nasa sasakyan, sinusundan ang tracker.
"It's so confusing, hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko about Pierre" sabi ng kanyang ama. Narinig nito ang usapan nila ni Rey dahil naka-loud speaker siya habang kausap si Rey.
Hindi pa din mawala sa isip niya ang sinabi ni Rey na si Pierre ang matagal na nilang hinahanap, ang matalik na kaibigan ni Samantha. Ang tagal na niyang nakikita si Pierre pero ni minsan ay hindi niya naisip na si Pierre at Ronnie ay iisa, at paano nag-iba ang mukha nito? Paano nito naging ina si Andy?
Pero ang nagpapagulo sa isip niya ay paano kung totoo ngang si Pierre at si Ronnie ay iisa? Alam niya kung gaano kalapit si Samantha at si Ronnie mula pa nang pagkabata nila at alam niya kung gaano kamahal ni Samantha si Pierre. Paano kung malaman ni Samantha na si Pierre at si Ronnie ay iisa, babalik ba ito sa dito? Mawawala na naman ba sa kanya si Samantha?
Sinabi niya dati na hindi na siya papayag na may makalapit na ibang lalaki kay Samantha, pero paano kung ito ang may gustong bumalik kay Pierre. Hindi niya alam ang gagawin niya, ayaw niyang mawala ang ngiti ni Samantha pero paano kung si Pierre ang tunay na nagpapasaya dito? Kaya niya bang ibigay ang babaeng mahal niya.
Napabuntong hininga na lang siya dahil sa mga naiisip niya.
"Son, are you okay?" agaw atensyon ng kanyang ama.
"Sorry Dad, may iniisip lang ako"
"Are you worried of Samantha? Or are you worried because of Pierre?" tanong nito na ikinagulat niya. Pakiramdam niya ay nababasa ng kanyang ama ang iniisip niya.
"I am worried for Samantha..." nakangiting sabi niya. "...pero natatakot ako na kapag si Pierre at Ronnie ay iisa baka mas piliin ni Samantha ang totoong taong mahal niya at ang matalik na kaibigan niya" mahinang sabi niya.
"Just trust her" sabi nito. "But napapaisip pa din ako kung ano ang nangyari kay Ronnie, bakit hindi niya kilala si Samantha at ikaw since nagkita na kayo? Bakit parang wala siyang idea kung sino siya"
Bata pa lang sila ay magkakasama na sila sa bahay ampunan kaya kilala ng ama niya ang mukha ng bawat bata, lalo na ang mga kasabayan nila Andres dahil ang mga ito ang mga nauna sa bahay ampunan. Kaya hindi siya magtataka kung bakit palaisipan sa ama niya ang nangyari kay Pierre, palaisipan kung ano ang nangyari dito at kung totoong si Pierre at Ronnie ay iisa.
"I think everyone is confused, pero kung napabago nila si Abegail possible din na binago nila si Ronnie?" patanong na sabi niya.
"But why?"
Nagkibit balikat siya bago sumagot. "I don't know Dad, maybe because they will be using Pierre for revenge?" tanong na sagot niya.
Napabuntong hininga na lang ang kanyang ama. "We'll prioritize Samantha then will find it out later" sabi nito. Tumingin ito sa selpon niya para tingnan ang galaw ng tracker. "Malayo pa tayo sa kanila?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
FanfictionMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...