Kabanata Apatnapu't Apat

4 0 0
                                    

"DAD, MAY NAPANSIN ka ba sa nangyayari?"

"Ano yun Alex?" nagtatakang tanong ng kanyang ama.

"Yung kausap mo sa phone at si Andy..." tumingin siya sa kanyang ama. "...hindi sila magkaboses Dad"

Nakita niya ang pagtango ng kanyang ama. "Yeah, I also noticed that Alex, pero hindi ko siya pinapahalata dahil ayokong makatunog sila na may napapansin tayong iba"

"But do you have any idea kung sino yung kausap mo Dad?"

Umiling-iling ang kanyang ama. "No, wala akong idea" sagot nito habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

Pakiramdam niya ay may tinatago ang kanyang ama pero hindi na niya ito pipilitin na sabihin kung ano ang alam nito.

Nagulat siya nang biglang tumunog ang kanyang selpon.

Mr. Montes calling...

Ang ama niya ang sumagot ng tawag.

"Hello John?"

"Sir Tonny, papunta na kami sa location na binigay niyo sa akin"

"Ngayon pa lang kayo papunta?" nagtatakang tanong niya.

"Yes Alex, kumuha pa kami ng impormasyon sa tauhan nila Aivee, nalaman namin na rest house ang tinutuluyan nila at aalis sila bukas ng umaga papuntang US kaya kailangan nating makarating agad doon"

"May sinabi ba siya tungkol kay Samantha?" tanong uli niya.

"Wala siyang sinabi, it feels like gagamitin lang nila si Samantha for Pierre. And also, marami daw tauhan ni Aivee ang nagkalat sa rest house kaya kailagan nating mag-ingat at baka mahirapan tayong makapasok"

"Shit! Kailangan na nating makarating agad doon dahil po-problemahin pa natin ang mga tauhan nila" nagtitimping sabi niya.

Narinig nila ang pagbuntong hininga ni Mr. Montes. "Sir Tonny, may ginawa ako para mapahaba ang paghihintay ni Aivee"

"What?" kunot noong tanong ng kanyang ama.

"Sinabi ng tauhan niya na nakuha ka na nila..."

"Mr. Montes what are you doing?" naihinto niya ang sasakyan dahil sa gulat.

"I'm sorry, wala na akong maisip na pwedeng sabihin dahil biglang tumawag si Andy sa lalaking hawak namin ngayon"

"What if ituloy na lang natin yung alibi mo?" seryosong sabi ng kanyang ama.

"No Dad, delikado ang iniisip mo..."

"Let's hear him out first, son" putol ng kanyang ama sa kanya.

Tumango lang siya bilang sagot sa kanyang ama.

"Explain your plan John" sabi ng kanyang ama.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Mr. Montes. "This is what will happen, gagamitin natin ang tauhan niya para sabihin na nakuha ka na nila, pwede pa tayong magpadala ng picture sa kanila na proof na nakuha ka na talaga nila. Isang tauhan lang ang kukunin natin, yung kilala nila, the rest mga tauhan ko na ang makakasama natin. Sama sama tayo isang sasakyan pero kami ni Alex ay magtatago para hindi kami makita dahil kilala nila si Alex. Yung convoy natin na akala nila mga tauhan nila ang hindi nila alam tauhan na natin yun, gagamitin natin ang sasakyan nila. Meron na din akong pinauna sa lugar na iyon para mag-scout sa lugar para alam natin kung ano ang dapat nating e-expect pagdating natin"

"How can be sure na mapagkakatiwalaan natin ang tauhan na gagamitin natin?" tanong niya. Ayaw niyang malagay sa alanganin ang kanyang ama.

"We can't trust him, pero I have his family para magamit natin siya"

Bodyguard (Ang Alaala)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon