Kabanata Limamput't Dalawa

5 0 0
                                    

 "FOR SURE, THEY are now alert dahil sa putok na narinig nila" sabi ni John habang tinutulungan ang sugatan nitong tauhan.

Pinadala na sa ibang tauhan nito ang apat na tauhan ni Aivee pabalik sa mansyon ganoon din ang nabaril na tauhan ni Aivee. Nagkalat na din ang tauhan ni John malapit sa tinutuluyan ngayon ni Aivee para mas mabilis silang makasugod kapag hindi naging maayos ang plano nila.

"Are you sure about this Pierre?" baling niya kay Pierre.

"Yes, matalino si Aivee, alam kong mapapaniwala natin siya kapag ginawa natin to" sabi nito na kasalukuyang nakaupo at naghahanda para barilin ang binti nito.

"Kahit daplisan lang natin para hindi na masyadong malalim ang maging sugat mo" suhesyon ni John.

Tumango lang si Pierre sa sinabi ni John at maya maya lang ay nagpaputok na ng baril si John. Nakita niya kung paano nito pinigilan ang pagsigaw para hindi makakuha ng atensyon mula sa tauhan ni Aivee.

Agad niyang tinulungan si Pierre sa pagtayo para itali naman ang kamay nito sa likod.

"You will do everything for her?" tanong niya dito habang nagtatali ng kamay nito.

"Marami akong kasalanan kay Samantha and I really love her" kahit hindi niya nakikita ang mukha nito ay alam niyang seryoso ito sa sinabi nito.

Nakaramdam naman siya ng selos dahil sa narinig niya dahil halata dito kung gaano nito kamahal si Samantha at handa nitong gawin ang lahat para dito.

"Please take good care of her" mahinang sabi ni Pierre na ikinagulat niya.

Naramdaman ata nito na hindi na siya sasagot kaya nagsalita uli ito.

"What did you mean?" nakakunot noong tanong niya.

Humarap ito sa kanya ng mapansin na tapos na siyang magtali ng kamay nito. "She loves you, nakikita ko yun at nararamdaman ko yun..." bahagya itong ngumiti. "Naramdaman ko ang pagbabago niya dahil hindi niya na ako madalas hanapin tulad ng dati"

Naramdaman niya ang pagiging totoo nito sa mga sinasabi nito pero wala siyang masabi kundi ang makinig lang.

"Ngayon nagsisisi ako kung bakit pumayag ako na gamitin siya para makaganti sa Tita ko, kung bakit ako nakampanti sa pagmamahal niya sa akin at ngayon ay nadadamay siya sa gulong 'to"

Napabuntong hininga siya. "I really don't know what to say Pierre basta ang alam ko lang, importante ka sa kanya" ang nasabi na lang niya.

Ngumiti lang sa kanya si Pierre.

Pagkatapos maghanda ay sinabihan sila ni John tungkol sa gagawin nila. Iilang tauhan lang ang sasama sa kanila ni John para isipin nila na unti lang sila pero ang totoo ay nakaabang lang din ang lahat.

"Ready na kayo?" tanong ni John.

Nakikita na nila ang bahay ilang hakbang na lang ay makikita na sila ng mga iyon. Nagtinginan muna silang tatlo at nagtanguan sa isa't isa bago lumabas sa mga puno.

Agad naman silang nakita ng mga tauhan ni Aivee at tinutukan sila ng baril pero dahan-dahan pa din silang lumapit. Nang mapansin ng mga ito na hawak nila si Pierre ay tila naguluhan ang mga ito at hindi alam ang gagawin. Isang tauhan ang pumasok sa bahay at paglabas ay kasama na nito si Aivee at isa pang tauhan.

Nakita niya ang pagkabigla sa mukha ni Aivee dahil kay Pierre.

"Where is Samantha, Aivee?" agad na tanong niya.

Hindi nakatingin si Aivee sa kanya, nakatingin lang ito kay Pierre na tila naaawa sa kalagayan nito.

"What did you do to him?" mahinang tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya.

Bodyguard (Ang Alaala)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon