Kabanata Tatlumpu't Anim

4 0 0
                                    

NAGISING SI ALEX sa katok sa kanyang silid, hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya kakaisip ng sinabi ni Rebecca kay Samantha. Nararamdaman niya ang sakit ng kanyang ulo dahil sa puyat.

"Alex?"

"What?" tanong niya sa paos niyang boses na halatang kagigising lang niya.

"Alex, pinapapunta tayo ni Don Tonny sa Study Room" hindi man niya nakita kung sino iyon ay nabosesan niya na agad si Agnes.

"It's about Sam?" umaasang tanong niya.

"Not sure, gusto niya nandoon tayong lahat" sagot nito.

Napabuntong hininga siya bago tumayo dahil hindi maganda ang nararamdaman niya sa sasabihin ng kanyang ama. "Okay, I'm coming" 

Naghilamos lang siya at nagsipilyo bago lumabas ng silid. Pagdating niya sa Study Room ay napansin niya na siya na lang ang kulang sa kanila, umupo siya kung saan madalas umuupo si Samantha.

"What's happening Dad?" tanong agad niya nang makaupo siya.

Nakita niya ang pagbuntong hininga ng kanyang ama at sa itsura pa lang nito ay alam niyang hindi magandang balita ang sasabihin nito kaya nakaramdam siya ng kaba.

Wag naman sana, wag Sam, please...

"Nasa kanila si Sam..."

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig niya. Nanginginig ang buong katawan niya, hindi niya alam kung dahil ba sa galit o sa takot. Hindi niya alam ang sasabihin niya, hindi niya alam ang gagawin niya, hindi niya alam ang susunod...

"Paanong nangyari?" si Mang Benny na ang nagtanong ng isang tanong na ayaw lumabas sa kanyang bibig.

"I really don't know, wala akong idea kung paano napunta sa kanila si Samantha"

Hindi siya makapag-isip ng maayos, hindi niya alam kung totoo ba ang naririnig niya, hindi niya alam kung totoo ba ang nangyayari ngayon.

"Paano niyo nalaman Sir?" alam niyang si Agnes ang nagtanong.

"Here..." inilabas nito ang isang litrato na nasa loob ng isang sobre.

Kukunin na sana niya ang litrato pero muling binawi iyon ng kanyang ama. "Alex, I don't think na makakatulong sa'yo 'to..."

"I want to see Dad" putol niya dito.

Bumuntong hininga lang ang kanyang ama at iniabot sa kanya ang litrato.

"Shit"

Si Samantha, nakaupo sa isang upuan, may tali ang dalawang kamay nito na nasa likod ng upuan, nakabusal ang bibig nito, at may piring ang mata. Basa ang buong katawan nito. Muli na naman niyang naramdaman ang panginginig ng kanyang buong kalamnan.

"SHIT!!!"

Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili kaya naihampas niya ang kanyang kamay sa lamesa kasabay ng pagsigaw niya. Si Samantha ang nasa larawan dahil sa damit na suot nito.

"Alex..." kinuha ni Mang Benny ang larawan.

"Oh my god!!"

"My princess"

"Samantha?"

Hindi na niya alam kung sino ang mga nagbanggit ng mga narinig niya.

"Dad, I want to know kung sino ang nagpadala niyan" pinipigilan niyang magalit dahil kailangan niyang kumalma para mahanap si Samantha.

"Hindi pa natin alam kung sino Alex" malumanay na sabi nito pero ramdam din sa boses nito ang takot at pag aalala para kay Samantha.

"Dad, I need to find Sam" halos nagiging garalgal na ang boses niya.

Bodyguard (Ang Alaala)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon