MULA PAGLABAS NIYA sa ospital ay sa sementeryo na siya dumeretso, gusto niyang makasama ang kanyang ina kahit sa sementeryo lang. Hindi niya pa alam ang susunod niyang gagawin, hindi pa alam kung saan siya pupunta pagkatapos niya dito, hindi pa alam kung sino ang lalapitan niya.
"Nanay, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Ang gusto ko lang ngayon ay mapag isa, pero hindi naman ako pwedeng mag stay dito" sabi niya habang nakaupo sa puntod ng kanyang ina.
Nakakaramdam na siya ng antok at gutom, hindi din niya alam ang gamot na kailangan niyang bilhin dahil dala iyon ni Alex. Hindi pa din niya binubuksan ang kanyang selpon dahil alam niyang pinaghahanap pa din siya ng mga ito.
"Nanay, hayaan mo na muna akong umiyak ha, hayaan mo na muna akong maging mahina, kahit ngayon lang" pakiradam niya ay magang-maga na ang kanyang mata kakaiyak.
Nang tumingin siya sa kanyang orasan ay nagulat na lang siya dahil alas onse na ng gabi, kailangan niya ng umalis, kailangan niya ng maghanap ng matutulugan, at kailangan niya ng kumain.
"Sam"
Nagulat siya nang may tumawag sa kanya, kahit hindi niya ito lingunin ay kilala na niya kung sino ang nagmamay-ari ng malumanay na boses na iyon.
"Alex, hindi mo na ako kailangang bantayan, hindi na kita bodyguard" sabi niya na hindi ito nililingon.
"No Sam, si Don Tonny lang ang magsasabi sa akin kung out na ako sa pagiging bodyguard" malumanay pa din nitong sabi.
"Hindi ako parte ng pamilya nila Alex, hindi niya tungkulin na protektahan ako" pagmamatigas niya.
"Sam, si Don Tonny na ang nagsabi sayo na hindi siya papayag na umalis ka sa mansyon"
"No Alex, I need to do this, ayokong makasira ng pamilya, alam kong galit sa akin ang anak ni Tito Tonny at ayokong madagdagan ang galit niya sa akin dahil pinalitan ko ang posisyon niya"
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Sam, let's g..."
"No Alex, I want to be alone" putol niya sa sasabihin nito.
"You can't Sam, kailangan mong mag pagaling, remember?"
Umiling iling lang siya bilang sagot dito.
"Okay, if you don't want to go home, let me go with you, kung saan mo gusto, hindi ako papayag na mag isa ka"
Bahagya siyang ngumiti, isang ngiti na hindi makapaniwala sa sinasabi nito. "Alex, don't waste your time with me" walang ganang sabi niya.
"No Sam, I am not wasting my time here..." napatigil ito sa pagsasalita pero hindi niya alam ang dahilan. "...I am here because I am worried to you Sam, nag-iisa ka dito, tingin mo ba makakatulog ako kahit na alam kung mag-isa ka lang..."
Nagulat siya sa kanyang naririnig, hindi niya alam kung bakit labis labis ang pagaalala nito sa kanya dahil ba alam nito ang mga pinagdadaanan niya kaya naaawa na ito sa kanya.
"Alex..."
"...kung saan saan kita hinanap, akala ko nasa bahay ampunan ka para makalayo ka pero hindi kita dinatnan doon, akala ko nasa bar ka dahil madalas doon ka nagpapalipas ng oras kapag may problema ka, akala ko pinuntahan mo ang mga kaibigan mo dahil wala kang mapuntahan, hindi kita makita, hindi kita mahagilap..." napatigil uli ito sa pagsasalita at sa pagkakataong ito ay alam niyang nagpipigil ito na mapasigaw dahil bawat salita nito ay mayroon ng diin. "...hindi ako mapakali Sam, hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung nasaan ka, hindi ako mapakali dahil baka ano na ang nangyari sayo, natatakot ako Sam, natatakot ako na baka hindi na kita makita..."
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
FanfictionMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...