NAGISING SI SAMANTHA na masakit pa din ang ulo at alam niya na hindi na iyon dahil sa kanyang pag-inom dahil ibang sakit na ang kanyang nararamdaman. Kahit pagkatapos nilang kumain ng agahan at magkape siya ay hindi pa din nawawala ang sakit ng ulo niya.
Kasalukuyan na siyang naghahanda para sa pagbalik nila sa Manila tulad nang napagusaspan nila ni Alex kagabi.
"Baby girl, hintayin kita sa labas naka ready na yung sasakyan natin" sabi ni Alex habang nakasilip sa silid niya.
Mula kagabi ay hindi na siya tinatawag ni Alex sa kanyang pangalan, hindi naman na niya ito pinigilan pa. Hindi din siya makapaniwala sa nangyayari sa kanila ni Alex dahil parang kailan lang wala silang tiwala sa isa't isa pero ngayon ay parang malinaw na ang namamagitan sa kanilang dalawa.
Nakangiti siyang lumabas ng silid, lalabas na sana siya ng bahay nang marinig niya si Alex na may kausap sa selpon.
"Yes Dad, pauwi na kami" narinig niyang sabi nito.
Dad?
Napaupo siya sa sobrang sakit ng ulo niya at unti-unting may kung anong pangyayari ang bumabalik sa alaala niya.
Naalala niya ang isang panaginip niya noong sinabi ng kanyang Tito Tony sa batang Samantha na susunod ito sa Enchanted Kingdom na kasama si Troy.
You will go with your friends and I will bring Troy
Naalala din niya ang panaginip niya tungkol sa pag aaway ng kanyang ina at Tito Tonny niya dahil kay Troy.
Naiintindihan ko naman Susan e, gagawin ko ang lahat pero sa ngayon kailangan ko din isipin ang kapakanan ni Troy
Naalala niya noong una niyang makilala ang anak ni Tito Tonny.
"Samantha, this is your Kuya Alexander Troy Madrigal" pagpapakilala sa kanya ni Tito Tonny.
"Kuya? Wala naman akong kapatid" batang Samantha.
"At wala din akong kapatid" batang Alex.
"Ayaw kitang maging kuya ang sungit-sungit mo" batang Samantha.
"Ayaw din kitang makita dahil inaagaw mo sa akin si Daddy" batang Alex.
"Alex!" si Tito Tonny.
Naalala din niya ang eksena sa mansyon noong napadaan siya sa Study Room ni Tito Tonny at narinig niya na tila may pinapagalitan ito.
"What are you doing? You don't understand..." ang Tito Tonny niya. Nakita niya itong nakaupo sa swivel chair. "Where's your proof? I am giving you a chance to investigate and move on your own, please use that chance, ang dami ko ng iniisip, wag mo ng dagdagan pa" muli sabi ng Tito Tonny niya. Dahan-dahan pa siyang lumapit dahil hindi niya makita ang kausap nito.
"But Dad..."
"Aahhh!" sigaw ni Samantha.
Iyon ang nakalimutan niya nang magising siya, kaya pala parang iba ang dating lagi ni Alex, kaya pala lagi itong nagdududa sa kanya.
Kahit masakit ang ulo ay dahan dahan siyang naglakad papunta sa sasakyan, ayaw niyang mapansin siya ni Alex para hindi siya mapigilan, dumeretso siya sa driver seat ng sasakyan.
Alam niyang narinig na siya ni Alex dahil sa pagsara ng pinto ng sasakyan kaya ini-lock na agad niya iyon. Sobra siyang namimilipit sa sakit ng ulo.
"Ahhhh!" sigaw niya habang nakahawak sa kanyang ulo.
Nagulat na lang siya nang marinig ang pagkatok ni Alex sa sasakyan.
"Sam, open the door what's happening to you" sabi nito habang patuloy na kumakatok pero hindi niya ito pinapansin.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
FanfictionMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...