Nagising ako sa amoy ng mabangong ulam. Kaya bumangon na ako't pumunta sa kusina.
"goodmorning." bungad ng nakatopless ngunit naka apron na si william.
"goodmorning din" sabi ko. Lumapit ako sa kitchen at tiningnan ang niluluto nya.
"mabango ba ang luto ko??" tanong nya. Tinanggal nya ang apron at nilagay ito sa mesa. "oh, masarap lang talaga ang nagluluto?" pang.aakit nya.
Umiwas ako ng tingin."anong oras na??" pag.iiba ko nang usapan.
Tiningnan nya ang kanyang wristwatch.
"mga 8am pa." sabi nya. At nilagay ang kanyang nilutong omelet, tocino, at sinangag na kanin sa mesa.Pumunta ako sa lababo at naghilamos ng mukha. Hindi ko namalayang, nasa likuran ko na pala sya.
"kumain na tayo." niyakap nya ako, mula sa likuran.
"oyy, ano ba? bitawan mo nga ako.". Pinilit kong tanggalin ang mga braso nyang naka pulupot sa'kin. Ngunit sadya syang malakas, kaya hinayaan ko nalang."gusto ko ganito lang tayo." sabi nya. Hinalikan nya ang batok ko. Pumiglas ako sa ginawa nya.
"may I just remind you. Hindi pagiging boyfriend mo, ang deal na napag.usapan natin." sabi ko.
"sorry, nadala lang."sabi nya.Inalis na nya ang pagkakayakap sa'kin.
"tara, let's eat." dagdag nya. At pumunta na sya sa dining table.
(I admit nagustuhan ko ang ginawa nya kanina. Pero, iniiwasan ko nang mainvolve sa anumang uri ng romantic feelings. Baka maulit lang ang nangyari sa'min ni aljosh.)"kenzo, baka malate na tayo." sabi ko, nang makaupo na ako.
"hindi 'yan, mga 10am pa naman ang pasok natin." sabi nya. Inabot nya sa'kin ang platong may lamang sinangag at tocino.
"ito, kumain ka na." dagdag nya.
"natin??" inabot ko ang platong binigay nya.
"yes, architecture din ang kinuha ko." sabi nya.
"pero bakit??" clueless kong tanong.
"anong bakit?? diba ito ang deal natin." sabi nya.
"oo nga naman. Pero ang tanong, kaya mo ba??" sabi ko.
Ngumiti at tumayo sya, naiilang pa rin ako, kasi naka topless lang sya.
"oo, kaya ko. Pero ito ba, kaya mo?" hinimas nya ang kanyang boxer short. Umiwas ako nang tingin.
"kadiri ka talaga, nasa harap tayo ng pagkain, tapos ganyan ang ginagawa mo." pagbubunganga ko.
Tumawa nang malakas ang gago at nagsalita.
"you know what jake, ever since na nagtagpo ang landas natin. Parati mo nalang akong pinapasaya." sabi nya.
"pinapasaya?, anong tingin mo sa'kin? payaso?" ako. Tumawa sya sa sinabi ko.
"hindi ganyan ang ibig kong sabihin." sabi nya.
Pagkatapos kong kumain,niligpit na nya ang pinagkainan namin, at hinugasan ang mga plato."maligo ka na." sabi nya. Sa halip na sundin sya, ay lumapit ako sa kanya.
"alam mo, nakakabilib ka." sabi ko.
Huminto sya sandali at tiningnan ako.
"bakit naman?" tanong nya.
"kasi, napaka yaman mo, pero ang galing mong magluto at naghuhugas ka pa ng pinggan." sabi ko.
"so? naiinlove ka na ba, sa'kin?" nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.
"sira! dyan ka na nga! maliligo na'ko." iniwanan ko na sya.Narinig ko pa syang tumatawa, bago ako pumasok sa banyo at naligo na.
(kung nauna ko syang nakilala, baka pwede pang maging kami.)Pagkatapos kong maligo, at magbihis. Saka lang sya natapos sa paghuhugas ng plato.
"ang bilis nating naligo ha." sabi nya.
"ganun talaga, baka malate tayo. First day na first day, late kaagad." sabi ko.
"hindi pa tayo, malelate. Kasi may New Student Orientation pa." sabi nya.
"dba, mas dapat pumunta tayo dun." sabi ko.
"hindi naman kailangan 'yon. At isa pa, makikita ko lang, si papa dun." sabi nya. At pumasok na sya sa kwarto. Nasa loob kasi ng kwarto ang banyo.Hinintay ko na lang sya sa living room.
At dahil sa wala akong magawa, tenext ko si tyronne.*congratz sa'tin dude, college na tayo.* text ko.
Ilang sandali lang, nagreply si tyronne.
*congratz dude* reply nya.After nang nakababagot na paghihintay. Natapos na rin si Kenzo.
"finally, natapos din." sabi ko.
Ngumiti lang ang gago at tumingin ng nang.aakit. Inirapan ko lang sya.
" mas lalo na ba akong, gumwapo?" lumapit sya sa'kin at may binigay na folder.
"ok, mas gumwapo ka na. Ano 'to?" patungkol ko dun sa folder.
"class schedule natin." sabi nya.
"ok, tara na." iniwan ko sya at lumabas na ako ng dorm.Sumunod agad sya sa'kin.Nang makarating na kami sa Architecture building.Tinungo agad namin ang elevator at pinindot ang 2nd floor.Pagkarating namin sa 2nd floor, mabilis agad akong naglakad papunta sa room namin.
"jake, kalma lang. " sabi ni kenzo.
Pinakita ko sa kanya ang oras sa phone ko.
"hello, 10:15am na po." sabi ko.
"I know, pero, first day of class pa lang naman." kenzo.
"whatever." ako.
Nasa tapat na ako ng room namin nang maabutan na ako ni william. Sabay kaming pumasok sa loob.Nang makapasok na kami, natigilan kami. May prof. na pala sa loob.
"we're sorry ma'am, we're late in the first day of class." sabi ko sa prof. namin.
Ngumiti lang sya at kinuha ang atensyon ng buong klase."ok, class, may dalawa pa kayong kaklase na hindi pa nagpapakilala." sabi nung prof.
Tumingin sa'min ang aming mga kaklase, may mga girls na nagbubulungan at parang kinikilig na mga ewan."ok, you two, introduce yourselves." prof.
Lumapit kami ni william at una akong nagpakilala."hello guys, I'm Nathan Jake Sebastian. And I'm so glad to study here with all of you." introduced ko. Nagsipagkiligan ang mga babae.
Sunod namang nagpakilala si william.
"hey guys, nice meeting you all. I'm William Kenzo Sandoval. I'm hoping we're all going to be a good friends." introduced nya. Mas lalong nabaliw ang mga kababaihan."ok, maupo na kayo." prof.
"thank you ma'am." sabi ko. At naghanap na kami ng vacant seats ni william.Saktong sa middle row, may bakanteng upuan dun. Pagkaupo namin ni william, may dalawa kaming kaklase na lalaki, na nagpakilala sa'min.
"bro, Adrian pala." pakilala nung adrian.
"justine bro." pakilala nung justine.
Nakipagkilala din kami sa dalawa.Natapos ang klase namin sa geometry, na walang masyadong ginagawa. Sunod namang pumasok ay isang baklang prof. sa physics. Malagkit ang tingin nya sa aming apat, lalong lalo na sa'kin. Napansin iyon ni Kenzo, kaya inakbayan nya'ko at tumingin sya sa baklang prof., umiwas agad ng tingin ang prof. sa'min.
"bro, trip ka ni beki prof." sabi ni adrian.
"oo nga, ang lagkit tumingin sa'yo kanina." dagdag naman ni justine.
"subukan lang nyang kantiin ka, lagot sya sa'kin!" humigpit ang pag.akbay ni kenzo sa balikat ko.
"ohh, protective." adrian. Nagtawanan sila ni justine.Bumulong si kenzo sa tenga ko.
"tanggal 'yang baklang yan, dito sa S.U." kenzo.
"huwag na, hayaan mo na lang sya." sabi ko.
"hayaan!!" malakas nyang sabi. Napatingin ang lahat, sa direction namin."sorry guys." hingi ko nang paumanhin.
Pagkatapos ng klase namin sa physics. Break time na. Kami nalang ni william ang natira sa loob ng classroom.
"tara na, pumunta na tayo sa cafeteria." pag.aaya ko sa kanya.
"bakit ayaw mong ipatanggal dito, ang baklang 'yon?" seryoso nyang tanong.
"hindi naman nya ako magagalaw, at isa pa, tingin lang 'yon." sabi ko.
"hindi yun, simpleng tingin lang!! pinagnanasaan ka nya!! tapos ok lang?!" pasigaw nyang sabi.
"teka, teka nga! bakit ka ba nagagalit?" tanong ko.
"galit ako, kasi ok lang sayo." sabi nya.
"hindi yun ok. Pero, ayaw ko namang matanggal yung tao, nang dahil sa mababaw na dahilan." sabi ko.
"mababaw na dahilan? sa tingin mo, mababaw na dahilan lang ito??" hinawakan nya ako sa magkabilang balikat.
"oo! mababaw na dahilan lang!" sigaw ko.
"hindi mababaw na dahilan ang nararamdaman ko, para sayo!!" inilapit nya ng husto ang mukha nya sa mukha ko.
"here we go again, pwede ba? tigilan mo na ang kakatrip sa'kin." sabi ko.
"hindi kita pinagtritripan, lahat ng sinabi kong pabiro, totoo yun!! totoo lahat yun!" hinawakan nya ko sa magkabilang pisngi at dahan dahang lumapit ang labi nya..to be continue...
YOU ARE READING
Casual Lovers [Completed]
RomanceWritten and Owned by: Akiro No copyright | ARR 2015 (Revised January 2023) WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT Plagiarism is a crime. Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip...