Dalawang araw na ang nakalipas mula nung nangyari ang paglalasing namin sa bar. At hindi inaasahang pagtatagpo ng landas namin ng isang stranger na eventually ay syang tumulong sa akin, na si mr. William. Kahit naaalala ko ang pangyayari noong gabing iyon, ay syang labo naman ng alaala ko sa mukha nya.
Nasa kwarto lang ako ngayon nakatambay walang magawa.Kanina ko pa tinatawagan sina tyronne at zeke, pero ni isa sa kanila walang paramdam.
Naiisipan kong kunin sa drawer ang mga photo album na nandun, isa-isa kong tiningnan ang mga pictures dun.Yung photo album na kulay white, dun nakalagay ang mga baby pictures naming magkapatid. "ang cute ni ethan." nakangiti kong pinagmasdan ang picture ni bunso . Paglipat ko naman sa ibang page, natawa ako sa baby picture ni ate. "hahaha, si ate ang taba tapos kulot pa ang buhok". tawa ako ng tawa habang tinitingnan ko ang iba pang picture ni ate. Sunod ko namang tiningnan yung kulay blue na album, dun naman nakalagay ang family bonding pictures namin.Nung madalas pang umuuwi sila mama at papa galing states, nung kami pang dalawa ni ate.Pero ngayon madalang nalang silang umuwi, kasi rason nila kailangang kumayod ng doble, para sa aming tatlo at maintainance ni lola.Hindi ko mapigilang na miss sila mama at papa, sa tuwing special events naming magkakapatid gaya ng birthday ko, birthday ni ate, birthday ni ethan, birthday ni lola, graduation ni ate nung nakapagtapos sya sa course nyang BSED major in english, at ngayong graduation ko ng high school.
Sunod ko namang tiningnan yung photo album na customize ang design, ito yung photo album namin ni aljosh.Since grade 3 ko unang naging kaibigan si aljosh, transferee sya that time. Nandun lang sya sa sulok nun nakaupo, walang gustong maki pagkaibigan o kumausap sa kanya, kasi nga tahimik at mahiyain sya. Isang araw recess time yun, nagsipaglabasan na ang mga classmate namin, habang sya nandun parin sa sulok nakaupo.Nilapitan ko sya for the first time at niyayang sumama sa'kin.
"tara, punta tayong canteen." tiningnan lang nya ako at nakikita ko sa mukha nya ang pagtataka. "tara, sama ka sa'kin, punta tayong canteen." pag.uulit ko. "huwag ka nang mahiya." hinawakan ko ang kamay nya at hinila ko sya patayo. "sandali... nahihiya kasi ako." nakayuko nyang sabi.
"huwag ka nang mahiya, akong bahala sayo, from now on, magkaibigan na tayo." sabi ko.
"kaibigan? hindi ko pa nga alam pangalan mo?" nakayuko pa rin nyang sabi.
Natawa nalang ako sa sinabi nya."ok, I'm Nathan Jake "Alejandro" Sebastian, I'm 9yrs. old. At your service." sabay saludo ko, sa kanya.Natawa sya sa ginawa ko. "oy, napatawa kita, ikaw naman ang magpakilala." sabi ko.
"Ako si Aljosh Perez, 9yrs. old." unti-unti nang nawala ang hiya nya.
"oh, pano, friends na tayo?" ako, sabay lahad ng kamay ko sa kanya.
"ok, friends na tayo." Nagshake hands kaming dalawa.Simula noon, naging close kami sa isa't isa, naging close kami ng parents nya at tinuturing din nila akong anak. Unico hijo sya, kaya anumang gusto nya, ibinibigay sa kanya
.Nung elementary graduation, sabay kaming nakakuha ng matataas na parangal.Ako bilang valedictorian, at sya bilang salutatorian.Pagtungtong namin ng high school sa ALFONSO NATIONAL HIGH SCHOOL kami nag.aral. Dun namin nakilala at naging kaibigan sila tyronne at zeke.Si Tyronne Mendoza ay mula sa angkan ng mga politiko, ang kanyang lolo ay dating mayor ng aming bayan, at ang kanyang ama naman ang kasalukuyang mayor ngayon.Si Ezekiel Alfonso o zeke naman ay apo ng kilalang angkan dito sa amin, mula sa kanilang angkan ipinangalan ang aming bayan.
Simula nang maging magkaibigan kami, hindi na kami sumasama sa iba, hindi sa pagmamayabang, pero kilala kami bilang mga matatalino, maykaya sa buhay, at higit sa lahat tinitilian ng mga kababaihan at kabaklaan dahil sa taglay na kagwapuhan.
Second year kami nang maisipan naming gawan ng pangalan ang aming samahan.
"J.A.T.Z." sabi ni aljosh.
"J.A.T.Z.?" Out of nowhere na tanong ni zeke.
"J.A.T.Z. short for Jake,Aljosh,Tyronne,Zeke." sabi naman ni tyronne.
Simula nun, nakilala kami sa buong school bilang JATZ.Third year high school na kami, nang may kakaiba na akong feelings kay aljosh. Noong una hindi ko pinansin, kasi baka normal lang 'yon dahil sobrang malapit na kami sa isa't isa, to the point na napapadalas na akong magsleep over sa kanila, napaka clingy nya pa, madalas nya akong yakapin, at halikan sa pisngi.Nung una wala pang malisya, pero nung lumaon, wala na. Everytime na ihuhug, at ikikiss nya ako, bumibilis ang heartbeat ko
.Until one day, nasa tambayan kami nun, ng dumating si aljosh na may kasamang girl."guys, si Lyca pala, girlfriend ko." pakilala nya dun sa girl. Natigilan ako sa revelation nya, hindi ko alam kung iiyak, magagalit, o matutuwa ako para sa kanila. Kinungrats sila ni tyronne at zeke.
"Jake, may girlfriend na'ko." nagkatinginan kaming dalawa, at tiningnan din ako nila tyronne at zeke.
"congratz, sa inyong dalawa." sabi ko.Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.
"sige guys, I need to go." nagmadali kong niligpit ang mga gamit ko.
"aalis ka na? kakarating lang namin oh." aljosh.
"oo, nga jake, mamaya ka nalang umuwi, total sabay naman kayong umuuwi ni josh." zeke.
Magsasalita pa sana ako, pero inunahan na ako ni tyronne.
"kailangan na talagang umuwi ni jake, kasi susunduin pa nya si ethan.Diba jake?" sabi ni tyronne.
"oo, kailangan ko pang sunduin si bunso." salamat kay tyronne, iniligtas nya ako.
"samahan ka na namin." aljosh.
"hindi na kailangan, baka makaabala pa ako sa inyo." nagmadali na akong umalis.Pag.uwi ko nang balay, umakyat agad ako sa kwarto at nagkulong, dun ko na hinayaang tumulo ang masagang luha na kanina ko pa gustong ilabas.
Simula nun, iniiwasan ko na si aljosh, hindi na ako pumupunta sa kanila.Hanggang sa nagtapos kami ng 3rd year.
4th year na kami muling nagkausap ni aljosh, panay ang tanong nya kung bakit daw ako umiiwas sa kanya noon, sabi ko nalang may gf na sya, ayaw kong makadisturbo, tumawa lang sya sa'kin.
"anong nakakatawa?" sabi ko.
"wala naman. Kailanman hindi ka disturbo, ikaw, si tyronne, si zeke, hindi kayo disturbo sa'kin tandaan mo'yan." sabi nya.Bumalik ulit kami sa dati, pero para sa akin hindi na gaya ng dati, lalo na't pagkasama namin minsan si lyca.Hindi ko mapigilang hindi magselos, minsan umaalis nalang ako bigla, minsan pabigla-biglang iinit ang aking ulo.
Hanggang isang araw, birthday iyon ni zeke, nag-overnight kami sa isang beach resorts sa alfonso.Malalim na ang gabi nun, sobrang lasing na namin, si zeke at tyronne nakatulog na sa buhangin, si lyca natutulog na sa inuupahang kwarto namin.Kami nalang ni aljosh ang natitirang gising nun.
"alam mo, ang saya nang ganito." nakahiga sya sa buhangin, nakalagay ang dalawang palad sa likod ng kanyang ulo habang nakatingin sa mga bituin.
"oo, ang saya ng ganito, yung tayo lang, yung walang nanggugulo." out of nowhere kong sabi habang nakaupo sa buhangin at nakatingin sa dagat.
"nanggugulo? sino?" nagtataka nyang tanong.
"sino pa, edi si lyca!" huli na para mabawi ang nasabi ko.
Bigla syang bumangon sa pagkakahiga. "bakit naman naging panggulo si lyca?" nagtataka nyang sabi.
"wala, just forget what I said." tumayo na ako at nagmamadaling umalis.Pero bago pa ako makaalis ay nahawakan na nya ang kanang kamay ko.
"sandali, jake, anong ibig mong sabihin? hindi kita gets? at hindi lang wala 'yun." aljosh.
Kumawala ako sa pagkakahawak nya. "fine! I feel jealous okey!" ako.
"nagseselos ka? bakit?" clueless nyang sabi.
"my god aljosh! hindi pa ba obvious? I feel jealous cause I really really love you!" sumabog na ako. "since 3rd year na akong may gusto sayo, kaya kita iniiwasan kasi, takot akong masaktan.!" dagdag ko pa.Akala ko sa pag.amin kong iyon masisira na ang pagkakaibigan namin.Pero mali ako, maling mali ako.Hinila nya ang kaliwa kong kamay, hinawakan ang kanan kong pisngi at hinalikan ako sa labi.Sobra akong na shock that time, hindi ko expected ang nangyari.
"sorry, mali ito." nagpang.abot ang noo, at ilong namin. "hayaan mong ayusin ko, muna ang lahat." sabi nya, bumitaw na sya at umalis.Pagkatapos ng nangyaring iyon, naging awkward kami sa isa't isa at pansin iyon ng mga kaibigan namin.Hanggang isang araw nalaman nalang namin na nagbreak na sila ni lyca.
Dumating na ang pagtatapos namin.Sa graduation day. Kaming tatlo nila aljosh at tyronne ang nakakuha ng mataas na parangal. Ako bilang valedictorian, si aljosh bilang salutatorian, at si tyronne bilang 1st honorable mention.
"congrats, sa atin, graduate na tayo!" JATZ.
Natigil lang ang pagflashback ko nang may kumatok sa pinto.
*tok. tok*
"pasok, bukas 'yan"
Bumukas ang pinto at pumasok si bunso.
"oh, bunso ikaw pala." nangiti kong sabi.
"kuya, maghapunan na daw tayo, sabi ni lola" si bunso na umupo sa binti ko.
"anong ulam?" ako.
"adobong manok." si bunso.
"sige, ang mahuling pumunta sa kusina ang syang maghuhugas ng pinggan mamaya!" sabay kaming tumakbo ni bunso palabas ng kwarto.
"ang daya ni kuya, nanghihila."maktol nya.to be continue...
YOU ARE READING
Casual Lovers [Completed]
RomansaWritten and Owned by: Akiro No copyright | ARR 2015 (Revised January 2023) WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT Plagiarism is a crime. Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip...