Confession

163 16 0
                                    

Huminto kami sa isang bar.

"dito tayo iinom?? sure ka??" paninigurado ko.
"yes, don't worry kilala ko ang may.ari nito." pumasok na sya sa loob, at sumunod na rin ako.

"mang bert, nandyan ang boss nyo?" tanong nya dun sa guard.
"yes sir tyronne, puntahan nyo nalang sa office nya." sabi nung guard.
"sige po, mang bert." sabi nya. At tumango lang yung guard.

Agad kaming pumunta sa office ng kaibigan ni tyronne. Pagdating namin sa tapat ng kanyang office, ay kumatok si tyronne.

"come in." sabi nung nasa loob.
Pinihit agad ni tyronne ang door knob, binuksan ang pinto at pumasok kami sa loob.

"oh, ikaw pala tyronne, anong kailangan mo?" tanong nung kaibigan ni tyronne.
"broken hearted kasi itong kaibigan ko. Alam muna?" sabi ni tyronne. Siniko ko sya sa tagiliran.
"aray! mapanakit ka talaga." tyronne. Tumawa lang yung kaibigan ni tyronne.

"pakilala mo naman ang kaibigan mo?" sabi nung lalaki.
" dave, si jake pala kaibigan ko." pakilala ni tyronne sa'kin.
Lumapit yung dave, sa'kin.

"David Castro pala." inilahad nya ang kanyang palad. At tinanggap ko ang pakikipagkamay nya.
"Nathan Jake Sebastian." pakilala ko rin. Bumitaw na ako sa pakikipagkamay sa kanya.
"ano 'yang dala mo?" tanong nung dave.
"ahh, wala 'to, para lang ito sa project." sabi ko.
"ahh, ok." nakangiti nyang sabi.

"ok.x, we're here para uminom, hindi para sa interview." biglang sabat ni tyronne.
Tumawa si dave, sa sinabi ni tyronne.

"oh sya, sabihan ko nalang ang staff ko, na ihanda ang v.i.p. room at sagot ko na lahat ng drinks." sabi ni dave.
"ok! dyan ako bilib sayo." niyakap ni tyronne si dave.
"o, sige na, may gagawin pa'ko." sabi nya. At bumitaw na si tyronne sa pagkakayakap.

Nagpaalam na kami ni tyronne, sa kanya at pumunta na kami sa v.i.p. room.

"grabe, galante ng kaibigan mo dude!!" sabi ko. Nang makaupo na ako sa sofa.
"sinabi mo pa. Kasing yaman din 'yan ni william." sabi nya. Natahimik ako ng mabanggit ang pangalan nya.
"sorry." tyronne.

*tok tok*
Katok ng nasa labas.

"come in." tyronne.

Pumasok yung kumatok. Tatlong lalaki na may dalang 3 buckets of 500ml beer at may kasama pang pulutan na sisig, lechon kawali at chichirya.

"here's your order sir tyronne." sabi nung isang lalaki.
"thank you, glenn." tyronne.
Ngumiti lang 'yung glenn. "by the way sir, if you need more beer, or something, sabihan nyo lang ako." yung glenn.
"ok glenn." kinindatan nya si glenn.
Ngumiti lang yung glenn, at umalis na sila sa loob.

Paglabas nila, ay agad kong binuksan ang isang bote ng beer. Tinungga ko ito ng tuloy tuloy na parang tubig lang ang iniinom ko, na hindi iniinda ang pait.

"hey, dahan-dahan lang." awat ni tyronne.
"hayaan mo'ko, I need it now." sabi ko. At nagbukas ulit ako ng beer.
"ok, do whatever you want." nagbukas na rin sya ng isang bote ng beer.

Nagtuloy tuloy akong uminom, naka tatlo, apat, lima, anim na bote na ang naubos ko, pero hindi pa rin mawala-wala ang pain na nararamdaman ko ngayon. Sobra akong nasaktan sa nakita ko kanina.

(Akala ko, mahal nya ko?? Akala ko, hihintayin nya ko?? Akala ko, hindi sya katulad ni aljosh?? pero, magkatulad lang pala sila!! pareho lang sila!! mga gago sila!!)

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Mas masakit pa ito, sa ginawa ni aljosh sa'kin. Lumapit sa'kin si tyronne.

"ilabas mo lahat ng sakit, iiyak mo, magpaka lunod ka sa alak." umakbay sya sa'kin. "Pero dapat, sabihin mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman, para aware sya, hindi yung ganito, nasasaktan ka, pero hindi nya alam." sabi ni tyronne.

Casual Lovers [Completed]Where stories live. Discover now