Bonding

105 11 0
                                    

(Justine's P.O.V)

Pagkatapos ng klase, ay nagyaya sila jake at william na maggroup study. Kasama yung tatlong babae na pinakilala nila sa'kin, sila andrea, patricia at clarisse, pero tumanggi lamang ako, dahil kasama si adrian.

"sorry, hindi ako makakasama." sabi ko.

"sayang naman?? minsan lang tayong magbond." sabi ni jake.

"oo nga. Sayang ang chance na makilala pa namin, kayong apat." sabi nung clarisse. Lumungkot ang mukha ng tatlong babae.

Gustuhin ko mang sumama sa kanila, ngunit 'di pwede. Iniiwasan ko kasi itong lalaking nasa tabi ko.

"I'm sorry talaga, guys. Hayaan nyo, babawi ako next time." sabi ko. Biglang umakbay si adrian sa balikat ko.

"ayiiee." panunukso ng tatlong babae.

"sige na just, sama ka na sa'min." sabi ni adrian. Tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko.

"may kailangan pa kasi akong gawin. Sorry, talaga guys." paghingi ko nang paumanhin.

"ok sige, pero next time, sasama ka na?" jake.

"promise." nakangiti kong sabi.

Pagkatapos naming mag.usap, ay nagpaalam na'ko sa kanila. Nasa may elevator na'ko, ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"justine!! hintay." Tumigil ako at nilingon ang taong tumawag sa pangalan ko. Si adrian lang pala.

(Ano kaya ang kailangan nito?? Hindi ba nya gets, na iniiwasan ko sya.)

"buti nalang at naabutan pa kita." sabi nya. Nang makalapit na sya sa'kin.

"bakit?? may kailangan ka ba??" casual kong tanong.

"wala naman. Gusto lang kitang samahan." sabi nya. Bumuntong hininga ako, at tinitigan ko sya nang mariin sa mata.

"adrian, look!! kailangan kong mapag.isa, ok." sabi ko. At tinalikuran ko na sya.

"tungkol ba 'to sa nangyari sa cafeteria, kanina??" tanong nya. Tumigil ako sa paghakbang. "I'm sorry, kung nasaktan kita." dagdag nya.

"wala na 'yun. Nasanay na'ko." sabi ko. Habang nakatalikod pa rin sa kanya.

Agad kong pinindot ang elevator, para magbukas ito. Papasok na sana ako sa loob, nang bigla nya 'kong niyakap, mula sa likod.

"sorry, sa ginawa ko kanina." sabi nya. Pilit kong kinakalas ang pagkakayakap nya sa'kin.

"adrian, let me go. Hayaan mo muna akong makahinga, sayo." at tuluyan nang pumatak ang mga luha ko.

"napapagod ka na ba, sa'kin?" tanong nya. Tumango lang ako, bilang pagsagot sa tanong nya.

"hindi mo na ba 'ko mahal?". Sobrang nadurog ako ang puso ko,  sa tanong nya.

"hindi nagbago ang nararamdaman ko para sayo, pero, kailangan kong mahalin ulit ang sarili ko." sabi ko. At tuluyan na'kong kumawala sa pagkakayakap nya.

Pagkapasok ko sa loob, ay agad kong pinindot ang elevator para magsara, at bago pa tuluyang magsara ito, ay sinulyapan ko muna sya.

"sorry, pero napapagod na'kong sundin ang puso ko. This time! isip naman ang paiiralin ko." sabi ko, sa sarili ko.

(Adrian's P.O.V)

"hindi nagbago ang nararamdaman ko para sayo, pero, kailangan kong mahalin ulit ang sarili ko." sabi nya. At tuluyan na syang kumawala sa pagkakayakap ko.

After what I heard, napako ang mga paa ko, sa kinatatayuan ko. Bago pa man magsara ang elevator, ay nakita kong sumulyap sya sa'kin. At saglit na nagtama ang aming mga mata.

Casual Lovers [Completed]Where stories live. Discover now