(Jake's P.O.V)
Isang linggo na ang nakalipas, mula nang umuwi kami ni hubby, dito sa maynila. May mga pagbabago sa kanya, ang napapansin ko. Gaya ng pagkatapos ng klase, ay aalis sya at uuwi ng hating gabi o minsan naman ay madaling araw na. May mga mamahaling gamit din syang nawawala sa dorm at ang pagkawala ng kotse nya, ang syang lubos na nagpatunay sa mga pagbabagong napansin ko sa kanya. Kinausap ko sya at tinanong sa mga bagay na napapansin ko, pero imbis na sagutin ang mga tanong ko, ay nanatili syang tahimik tungkol dito. Nalaman ko nalang sa bestfriend nyang si Sofia, na bumalik na pala sya sa pagmomodelo at kaya pala sya hating gabi o madaling araw na nakakauwi. Sinabi ko sa kanya ang nalaman ko, pero hindi ko sinabi sa kanya na si Sofia, ang nagsabi. Napilitan syang sabihin sa 'kin ang totoo at ihayag kung bakit sya naglihim sa 'kin. Kaya pala sya naglihim ay baka magalit daw ako sa kanya at pagbawalan syang bumalik sa pagmomodelo. Tinanong ko rin sya tungkol sa mga gamit nyang nawawala at sa kotse nya, sinabi nyang kaya wala sa dorm ang mga gamit nya ay dahil ginagamit nya ito sa pagmomodel at tungkol naman sa kotse nya ay nasira daw ito at pinapaayos pa nya. Kahit sinabi na nya sa 'kin ang dahilan, ay nanatili pa rin akong naghihinala sa totoong nangyari. Mula kasi ng umuwi sya galing sa kanilang mansyon ay hindi nya nakwento sa 'kin ang dahilan kung bakit sya pinauwi ng kanyang daddy, sa gabing iyon at malakas ang hinala ko, na 'yun ang dahilan kung bakit sya ngayon ay naglilihim sa 'kin.
"mamaya na pala ang play namin, pupunta ka ba??" tanong ko sa kanya. Habang kumakain kami ng breakfast.
"mga anong oras ba, wifey??" tanong nya.
"7pm. I hope na makapunta ka." sabi ko. Tinitigan ko sya sa mata nya.
"naku! baka hindi na 'ko makaka-abot mamaya. Marami pa kasi kaming tatapusing photo shoot eh. Babawi nalang ako next time, wifey. Sorry talaga." sabi nya.
"ahh ganun ba." malungkot kong tugon. Isa din ito sa napapansin ko sa pagbabago nya, nawawalan na sya ng oras sa 'kin.
"sorry talaga, wifey. Promise! babawi ako sa susunod." sabi nya.
"ok lang." sabi ko. Biglang tumunog 'yung phone nya at nagmamadali na syang tumayo.
"sige, wifey. Kailangan ko nang umalis." sabi nya.
"aalis ka na?? hindi ka pa tapos kumain ah." sabi ko.
"busog na 'ko, wifey. Babye. I love you." Kiniss nya 'ko at nagmamadali na syang umalis. Hindi man lang ako nakapag- I love too sa kanya.
Dahil ako nalang ang mag-isa dito sa dorm, ay minabuti ko nalang na umalis at maagang pumunta sa Drama club. Nandito ako ngayon sa cafeteria kasama ang mga gaganap sa play mamaya.
"hey! nandito ka pa ba?" Napalingon ako sa nagsasalita. Si Andrea lang pala.
"huh? may sinasabi ka?" tanong ko. Kumunot ang noo nya at ininguso ang script.
"mukhang wala ka sa focus, jake. Do you have a problem??" tanong ni daryll.
"sorry, guys. May iniisip lang." sabi ko.
"sino 'yang iniisip mo?? si william ba??" tanong ni patricia. Hindi ko sya inimik.
"hindi pa ba kayo nag-uusap tungkol d'yan sa hinala mo?" tanong ni clarisse. Sasagot na sana ako, pero biglang nag-interupt si bernice.
"look, jake. I know may problema ka, pero can you set aside it for now. Alam mo namang nasa kalagitnaan tayo ng rehearsal, di ba?" sabi ni bernice. Napalingon sila sa direksyon nya.
"what?! bakit ganyan kayo makatingin sa 'kin?" tanong nya."ang O.A. ng kalagitnaan. Makata ka gurl?!" si patricia. Inirapan lang sya ni bernice.
"sorry, guys. Asan na ba tayo?" tanong ko.
YOU ARE READING
Casual Lovers [Completed]
RomanceWritten and Owned by: Akiro No copyright | ARR 2015 (Revised January 2023) WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT Plagiarism is a crime. Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip...