(Mall)
"goodmorning sir." Nakangiting bungad sa'min ng isang sales lady.
Nginitian lang namin ni tyronne ang sales lady at nagtanong kami sa kanya."excuse me miss, saan dito ang art supplies nyo??" tanong ko sa sales lady.
"nandun po sa 3rd floor, sir." sales lady.
"ahh, ok, thank you miss." sabi ko.
"welcome sir." nakangiti pa rin nyang sabi.
Agad kaming nagtungo ni tyronne sa escalator."type ka nang sales lady." biglang sabi ni tyronne. Nang makasakay na kami sa escalator.
"type ka dyan. Baka ikaw, type ka nun." sabi ko.
"hindi ahh. Ang lagkit kaya ng tingin nya sayo." sabi nya.
Hinayaan ko na lang syang tuksuhin ako, kasi wala akong mapapala, kapag pinatulan ko ang kaabnormalan nya.Nang makarating na kami sa 3rd floor, ay agad akong lumapit sa sales lady.
"excuse me miss." sabi ko. Nang makalapit ako sa kanya.
Ngumiti sya at nagpuppy eyes.
(weird, hindi ka bagay magpuppy eyes te!)"yes sir, how may I help you?" nagpapacute nyang sabi.
"saan dito ang art supplies nyo?" tanong ko.
"this way sir." turo nya sa right corner.
"thank you." sabi ko.
"welcome sir pogi." sabi nya.
Nginitian ko nalang sya at pumunta na ako sa art supplies.Pagdating ko sa art supplies section, inentertain agad ako ng sales lady na naka in charge doon.
"anong atin sir?" nakangiti nyang salubong.
"do you have, sketchbook here?" tanong ko.
"yes sir, anong klaseng sketchbook?" tanong nya.
"can I take a look?" tanong ko.
"ok, wait lang po sir." sabi nya. At agad nyang kinuha ang all kinds of sketchbook.
"ito po lahat sir." inilapag nya lahat.Tiningnan ko isa-isa at pinili ko yung color black and red.
"I want this two." sabi ko.
"ok sir, sa counter nyo nalang bayaran." sabi nya.
"miss, pabili din ng lapis, crayons and color pencils." sabi ko.
"hindi mo naman sinabi sir, na nagtatagalog pala kayo." nakangiti nyang sabi.
"bakit miss, akala mo foreigner?" sabat ni tyronne.
Tumango lang yung sales lady at iniabot na nya ang dagdag kong binili.Habang nasa counter kami naka pila ni tyronne, panay pa rin ang panunukso nya sa'kin, dun sa mga sales lady. Hindi ko nalang sya, pinapansin.
"by the way, bakit dalawa ang sketchbook na binili mo??" tanong nya.
(pati ba naman sketchbook, napansin nya.)
"para sa hobby ko 'tong isa." sabi ko.
"wee? akala ko kay william ang isa?" pang.aasar nya.
(well, tama naman sya, kay kenzo ko talaga ibibigay tong color red cover na sketchbook.)
"tss! bakit ko naman sya bibigyan? kami ba??" sabi ko.
"malapit na." nakangisi nyang sabi.
"asa! hindi magiging kami oyy!!" malakas kong sabi.
Hindi ko namalayang pinagtitinginan na pala kami."sir, next po." nakangiting sabi ng cashier.
Nahiya ako sa eksenang ginawa ko. Kaya tahimik akong lumapit sa counter at umiiwas ako ng tingin sa cashier. Pagkatapos nyang i-punch lahat, ay nagbayad na ako.
"thank you, sir." sabi nung cashier.
Ngumiti lang ako, at umalis na kami dun.Pagkababa namin sa 2nd floor, ay bumili ako ng G shock na relo.
"kumain na tayo, gutom na'ko." pag.aaya ni tyronne.
"mabuti pa nga." pagsang.ayon ko.
"sa jollibee nalang tayo kumain." sabi nya.
"ok." maikli kong tugon.Bumaba na kami sa ground floor at pumunta na kami sa jollibee. Nag.order lang ako ng C3 at C2 naman sa kanya, sya na ang pumila sa counter at ako na ang naghanap ng vacant table, para sa'min.
"here you go." Nilagay nya ang tray na may lamang inorder namin sa table.
"thanks, utusan." nakangiti kong sabi.
"it's my pleasure to serve you, your highness." nakayuko nyang sabi.
Nagtawanan nalang kaming dalawa. At kumain na."si william, oh." turo nya sa likuran ko.
Nilingon ko naman ang direction na tinuro nya.
" sino 'yang kasama nya??" tanong ni tyronne
"hindi ko alam." sabi ko. Sinundan ko sila ng tingin, hanggang sa sumakay sila sa escalator. (kaya pala iniiwasan nya ako, dahil may kalandian na syang iba!! ang sweet pa talaga ha!! kung makapulupot si ate, akala mo kung sino!! hayop ka kenzo! hayop!! cheater ka!!)Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Galit, inis, at selos na ang nararamdaman ko that moment.
"oh, bakit ka umiiyak? akala ko ba, hindi mo sya gusto?" tyronne.
"hindi ahh, na puwing lang ako." pagdadahilan ko.
"sos! umamin ka na kasi, kaya ka umiiyak dahil, nagseselos ka." tyronne.
"hindi ahh. Bakit ako magseselos? may kami ba??" defensive kong sabi.
Tumawa si tyronne at tinuro ang chest ko.
"nagseselos at umiiyak ka. Dahil nasasaktan ito." sabi nya.
Tumahimik nalang ako at tuloy tuloy na umiyak."tara! alis na tayo dito." pag.aaya nya.
"but, we're not finish yet." sabi ko.
"nawalan na'ko ng gana." sabi nya. At hinila na nya ako palabas."where are we going?" tanong ko. Nang nasa labas na kami ng mall.
"iinom tayo ngayon." tyronne.
"what!! hello, may pasok pa tayo bukas." remind ko sa kanya.
"i know, pero kailangan mong ilabas, yang sama ng loob mo." sabi nya. At hinila na nya ako.
"taxi!!" huminto ang taxi, at sumakay na kami.to be continue...
YOU ARE READING
Casual Lovers [Completed]
Roman d'amourWritten and Owned by: Akiro No copyright | ARR 2015 (Revised January 2023) WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT Plagiarism is a crime. Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip...