Night of Love

100 10 0
                                    

(Jake's P.O.V)

Habang nagkakasayahan pa ang iba sa function hall, ay naisipan namin ni hubby na maglakad-lakad muna sa tabing-dagat.

"ang sweet ni kuya oliver, no." sabi ko.

"mas sweet ako dun." sabi nya. Napatingin ako sa kanya at humawak sa braso nya.

"alam kong mas sweet ka, pero sweet din ang ginawang proposal ni kuya oliver kay ate." sabi ko. Napatingin sya sa mga bituin at nagsalita.

"You know what, wifey??. Gusto ko, kapag nakapagtapos na tayo at natupad na ang gusto mong magkaroon ng sariling firm, ay yayayain kitang magpakasal." sabi nya. This time, nagkatinginan na kaming dalawa.

Napaiwas ako ng tingin at napayuko sa sinabi nya. Hindi ko kasi alam ang isasagot o irereact ko.

"ayaw mo bang magpakasal sa'kin, wifey?" tanong nya.

"syempre, gusto kong makasal sa'yo. Pero? maraming consequences ang possibleng kakaharapin natin, kaya ba natin 'yun?" tanong ko. Niyakap nya'ko at hinalikan ang noo ko.

"as long as we have each other, kakayanin at kakayanin natin 'yan." sabi nya. Bigla akong naiyak sa sinabi nya.

"ohh, bakit ka umiiyak??" tanong nya. Sabay punas ng mga luha ko.

"wala. Masaya lang ako." sabi ko. Napangiti sya at hinawakan ang kamay ko.

"mas magiging masaya ka sa ipapakita ko." sabi nya. Sabay hila sa'kin.

"bakit?? saan mo ba 'ko dadalhin?? baka kamanyakan na naman 'yang binabalak mo?" tanong ko. Hindi nya 'ko sinagot, nginitian lang nya 'ko.

Hawak-kamay kaming naglalakad ni hubby, habang napapansin kong malayo na kami sa aming mga kasama.

"saan ba tayo pupunta?? baka hanapin na nila, tayo." sabi ko.

"basta." sabi nya. Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan nalang syang hilahin ako.

Huminto kami sa dulong bahagi ng resort at pumasok sa isang kweba.Tanging flashlight na nagmumula sa aming phone ang naging ilaw sa aming dinaraanan at pagdating namin sa dulo ay bumungad sa'kin ang isang  magandang tanawin na sa fairytale ko lang siguro makikita o mararanasan.

"wow! ang ganda." Literal akong napahanga sa gandang nakikita ko ngayon.

Para akong nasa ibang mundo. Sobrang gandang pagmasdan ang tubig na direktang natatamaan ng liwanag ng buwan, may mga stalagmites at stalactites din.

"grabe! ang ganda talaga dito! para akong nasa ibang mundo." namamangha kong sabi. Ngumiti lang si hubby at may inilabas na isang small box na heart shape.
"ano 'yan?" tanong ko.

"alam mo ba, wifey. Kung bakit kita dinala sa favorite spot ko??" tanong nya.

"to show me the beauty of nature?" sagot ko. Umiling lang sya at lumuhod sa harap ko.

"to give you this." sabi nya. Sabay bukas ng heart-shape box. Dalawang singsing na heartbeat design ang nakita ko.

"ano 'to?? nagpropropose ka na ba?" tanong ko. Ngumiti lang sya at kinuha ang isang singsing sa box.

"Nathan Jake Sebastian, will you take this promise ring as a symbol of my love for you and be my wife in the future?" tanong nya. I nodded and he put the ring into my left ring finger.

Pagkatapos nun ay tumayo sya at niyakap ako. Ilang saglit lang ay bumitaw na rin sya sa pagkakayakap at ibinigay ang isa pang singsing sa'kin.

"ano 'to??" tanga-tangahang tanong ko. Iniangat nya ang kanyang left hand at nakuha ko agad ang ibig nyang gawin ko.

Casual Lovers [Completed]Where stories live. Discover now