Together

99 9 0
                                    

(Jake P.O.V.)

After a week. Masyado na kaming busy ni hubby, sa aming mga club na sinalihan. Hindi na kami masyadong nagkakasama sa break time at pag-uwi sa dorm, pareho na kaming pagod at nais nalang naming matulog. Namiss ko na ang dati naming ginagawa, na-miss ko na ang quality time namin together at namiss ko na sya bilang boyfriend.

"hubby." tawag ko. Nakahiga na kami ngayon sa kama.

"umm." tugon nya. Humarap ako, sa kanya at tumitig sa gwapo nyang mukha.

"miss ko na 'yung ano." sabi ko. Napadilat sya at napatingin sa'kin.

"huh? ang alin?" tanong nya. Tinuro ko, ang umbok nya. Niyakap nya 'ko at bumulong sya sa tenga ko.

"hayaan mo, babawi ako sa'yo sa susunod." sabi nya. Sabay kiss sa forehead ko.

"ok, babawi ka sa susunod ha?" paninigurado ko. Tumango lang sya.

Matapos ang usapan namin ni hubby, ay nakatulog na kaagad sya. Samantalang ako? heto, nakatitig lang sa kanya.

"haiist! pasalamat ka, mahal kita." bulong ko. Humiga ako sa chest nya at niyakap ko sya ng mahigpit.

~~~
Kinabukasan, nagising nalang akong wala sya sa tabi ko. Lumabas ako ng kwarto at hinanap sya sa sala, ngunit wala sya dun.

"umalis sya ng hindi man lang nagpaalam sa'kin." sa isip ko. Bumalik ako, sa kwarto at kinuha ang phone.

(1 message received from: hubby❤)
Binasa ko ang message ni hubby.

*Wifey, may early practice kami ngayon sa swimming club. Sorry kong hindi na kita nagising, ang sarap kasi ng tulog mo.* text nya. Magre-reply na sana ako, nang biglang nagpop-up 'yung phone ko.

(1 message received from: hubby❤)
*text mo 'ko kung gising ka na. Magkita nalang tayo sa classroom .I love you, wifey❤.* Napangiti nalang ako at nireplyan ko sya.

*Love you too, hubby❤* reply ko. Pagkatapos nun, ay hinanda ko na ang mga canvass na ipapakita ko kay prof. yuan at hinanda ko na rin ang breakfast ko.

(Justine P.O.V.)

Napabalikwas ako ng bangon, pagkakita ko kung anong oras na.

"shit! late na 'ko!" sabi ko. Kinuha ko, ang aking phone sa ilalim ng unan. Tumambad sa'kin ang missed calls and texts nila.

3 missed calls from: kuya paul
2 missed calls from: william
2 missed calls from: kurt
3 messages recieved from: kuya paul

Binasa ko ang mga text ni kuya paul.

*asan ka na??*
*ang usapan, 7am. Anong oras na?*
*pinagod ka ba ni adrian, kagabi?*
Natawa nalang ako sa mga text ni kuya paul.

"si kuya talaga oh, daming alam." sabi ko, sa sarili ko. Nireplyan ko ang text nya.

*sorry kuya, hahabol nalang ako.* reply ko. Pagkatapos ko syang replyan, ay nagmadali na 'kong pumunta sa banyo, para maligo.

After 10-20 minutes, ay tapos na 'kong maligo at nagmamadali na 'kong nagbilis para pumunta sa uni. Pagkababa ko sa sala ay nakita ko si adrian, abala sa kanyang gitara.

"bakit hindi mo 'ko ginising?" bungad na tanong ko. Napatigil sya sa kanyang ginawa at nilingon ako.

"ang sarap kasi ng tulog mo." nakangiting sabi nya.

"sana ginising mo nalang ako, ayan tuloy na-late na 'ko sa early practice namin." sabi ko.
Lumapit sya sa'kin at niyakap ako, sabay bulong sa tenga ko.

"don't worry, sinabihan ko na si kuya paul, na ma-lalate ka." bulong nya.

"sira! tara na nga sa S.U. ihatid mo 'ko." sabi ko. Bumitaw ako, sa yakapan naming dalawa.

Casual Lovers [Completed]Where stories live. Discover now