(Jake's P.O.V)
After ng kasalan ay umuwi na agad kami ni hubby sa maynila, dahil kailangan ko nang magpractice sa play na gagawin namin. Sila tyronne at kuya david ay nagpa-iwan muna sa Alfonso, dahil gusto muna ni tyronne na ipakita kay kuya david, ang ganda ng lugar na pinagmulan namin at lalong-lalo na sa lahat ay para lubusang makilala ni kuya david si tyronne. Si ate abe at kuya oliver naman, ay nagdesisyon na sa Alfonso nalang tumira at bumuo ng sariling pamilya.
"hubby, bakit kaya nagdecide sila kuya na sa Alfonso nalang tumira?" tanong ko.
"I don't know. Siguro gusto nalang nila nang tahimik na buhay, malayo sa gulo ng manila." sagot nya.
"pero? paano nalang ang work ni ate sa maynila?? ang trabaho ni kuya oliver sa company nyo??" tanong ko.
"wifey, alam na nila ang ginagawa nila, okey? at labas na tayo dun." sabi nya.
"nakakapagtaka lang kasi." sabi ko.
"alam mo, itulog mo nalang 'yan! dahil mahaba-haba pa ang flight natin." sabi nya.
"hindi kasi ako inaantok ehh." sabi ko. Bigla nalang nya 'kong inakbayan at inihiga sa balikat nya.
"oyy! ano ka ba?! baka may makapansin sa'tin dito!" inis kong sabi. Sabay tanggal ng pagkaka-akbay nya sa'kin.
"don't mind them. Hindi naman natin sila kilala at hindi rin nila tayo kilala." sabi nya.
"kahit na! baka anong isipin nila." sabi ko.
"heto na naman sya!" sabi nya. Sabay alis ng pagkaka-akbay nya sa'kin at tinalikuran ako.
Hala sya?! nagtampo sa'kin."oyy! galit ka ba?" tanong ko. Nakatalikod pa rin sya sa'kin.
"hubby, sorry na." bulong ko. Nahihiya kasi akong may makarinig sa'kin.
"huwag kang magulo! matutulog ako." sabi nya. Kaya ayun! denedma nalang nya 'ko.
"edi matulog ka!" malakas kong sabi. Napatingin ang ibang passengers sa aming direksyon.
"sorry!" sabi ko. At nagpikit nalang ako ng mga mata, dahil sa kahihiyan.
Ilang saglit lang pagkatapos kong magtulug- tulugan ay bigla nalang akong sinandal ni hubby, sa kanyang balikat at saka nya 'ko niyakap ng mahigpit. Nagmulat ako ng mga mata at sinamaan sya ng tingin.
"anong ginagawa mo?? baka may makakita sa'tin." pabulong kong sabi. Pero hindi nya'ko pinakinggan at mas niyakap pa nya'ko ng mahigpit.
"matulog ka nalang ok." sabi nya. Walang nagawa ang pagpupumiglas ko. Niyakap ko na rin sya at sumubsob ako sa dibdib nya.
"that's my girl." sabi nya. Sinuntok ko sya ng mahina sa hita at sikmura.
"ouch! bad girl." bulong nya. Hindi nalang ako umimik at ilang saglit lang ay nakatulog na ako.
(Aljosh P.O.V)
"mag-ingat ka dun,ah. Huwag kalimutang uminom ng gamot at pag-umatake ang sakit mo, tawag ka agad." bilin ni mom. Panay lang ang tango ko. Excited na kasi akong umuwi ng pilipinas at bumalik sa alfonso.
"hon, malaki na ang unico hijo natin at alam na nya ang kanyang gagawin, 'di ba nak?" sabi ni dad.
"yes, dad. Mom, huwag ka nang magworry sa'kin, ok." nakangiti kong sabi. Niyakap ako ni mom at pagkatapos ay kinurot nya ang pisngi ko.
"mag-ingat ka dun, ah. Huwag kalimutan ang mga bilin ko." si mom. Tumango lang ako sa kanya.
"sige na, nak. Pumasok ka na sa loob, baka magbago pa ang isip ng mommy mo at hindi ka pa paalisin." si dad. Hinampas sya ni mom sa balikat at natawa nalang ako sa kanila.
YOU ARE READING
Casual Lovers [Completed]
RomanceWritten and Owned by: Akiro No copyright | ARR 2015 (Revised January 2023) WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT Plagiarism is a crime. Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip...