This is it!! Ang kasunduang pinirmahan namin, ay magsisimula na.
(Jake's P.O.V)
Dahil unang araw namin, bilang mag.on. Naisipan kong ipagluto nang almusal, ang hubby kong si kenzo.
"wifey, gutom na'ko." sabi nya.
"sandali nalang 'to hubby." sabi ko.
Hinihintay ko nalang maluto ang adobong manok.Nang maluto na, ay nilagay ko na sa isang malaking mangkok, ang adobong niluto ko.
"eto na." sabi ko. Dinala ko na sa dining table ang niluto ko.
"wow! parang masarap?" nang.aasar nyang sabi.
"ahh. so, hindi masarap ang luto ko?" tanong ko. Ngumiti lang loko.
"masarap man o hindi ang luto mo, ang importante, mahal kita." kinindatan nya ako.
Lihim naman akong kinilig sa ginawa nyang iyon."oy, namula ang pisngi ng wifey ko, halatang kinilig." pang.aasar nya.
"kinilig ka dyan, hindi ah." Kinuha ko ang plato nya, at nilagyan ng ulam at kanin.
"kainin mo'to! para makapasok tayo ng maaga." Inaabot ko sa kanya ang plato."masusunod, wifey." nakangiti nyang sabi.
Nagsimula na syang kumain, at kumain na rin ako.(Kenzo's P.O.V)
Sobra talaga akong natutuwa, kapag nakikita kong kinikilig si wifey, at todo deny na hindi daw sya kinikilig kahit sobrang halata naman.
Tinitingnan ko lang sya, habang kumain kami. Sa palagay ko, kahit papaano, tama ang naging desisyon ko, na tanggapin ang kasunduang ito.
"oh, baka matunaw ako nyan??" nakangiti nyang sabi.
"ayaw mo nun, natunaw ka sa titig ng gwapo mong boyfriend." tiningnan ko sya, sa nang.aakit kong titig.
Akala ko, iiwas ng tingin o mamumula ang pisngi. Pero nagkamali ako. Lumapit sya sa'kin at bumulong sa tenga ko.
"Hindi mo na kailangang, akitin ako. Kasi matagal na akong naaakit sayo." bulong nya. At tinapik nya ang kanan kong balikat.
Tumayo sya nang tuwid at nagsalita.
"kapag handa na akong umamin sa pamilya ko na bakla ako, at kapag hindi na ako takot sa panghuhusga ng iba. Gusto ko, sabay nating ibunyag sa lahat na tayo." sabi nya.
Pagkarinig ko sa sinabi nya, ay agad akong tumayo at hinarap sya.
"talaga?!" paninigurado ko.
Tumango lang sya, at niyakap ako.Sobra akong napasaya sa sinabi nya.I know, na malayo pang mangyari iyon, pero I still hoping na, It will happen very soon.
Kumawala na sya sa pagkakayakap sa'kin, at hinawakan ng kanang kamay nya ang batok ko, saka ako hinalikan sa labi.
Sa ginawa nya, ay para akong tinatangay sa ulap ng mga sandaling iyon. Pinikit ko ang mga mata ko, at dinadama ko ang tamis ng kanyang halik.
"pwede ka nang dumilat." narinig kong sabi nya.
Dahan-dahan akong dumilat at nakita ko syang nakangiti sa'kin.
"shit! nakakahiya." naibulalas ko.
"hindi ah. Ang cute nga eh." sabi nya.
"cute ka dyan." sabi ko.
"seryoso, cute ka talaga." sabi nya.
"cute lang??" tanong ko.
"syempre, gwapo din." namumula nyang sabi.
"sige nga, kung gwapo ako. Isang kiss pa?" ininguso ko ang labi ko.Iniharang nya ang kanyang palad sa labi ko, at tumakbo sa kwarto.
"maliligo na'ko, bahala ka dyan!" sabi nya. Bago isinara ang pinto.
YOU ARE READING
Casual Lovers [Completed]
Storie d'amoreWritten and Owned by: Akiro No copyright | ARR 2015 (Revised January 2023) WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT Plagiarism is a crime. Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip...