(Justine P.O.V)
"good morning, justine. Saan ka galing?" bungad sa'kin ni glenn. Pagkapasok ko sa loob ng bahay.
"I'm just doing my daily routine. Ikaw?? bakit bumangon ka na??" tanong ko. Paika-ika syang lumapit sa'kin.
"ayaw ko kasing maging pabigat sa'yo. Gusto kong may gawin, kahit papaano." sabi nya. Ngumiti ako at tinapik ang balikat nya.
"you're my friend. Kahit kailan, hindi pabigat sa'kin ang isang kaibigan." sabi ko. Bigla syang yumuko.
"thank you. Ang bait mo sa'kin." sabi nya. Niyakap ko sya ng mahigpit.
"aray! may pasa ako dyan." reklamo nya. Bumitaw ako sa pagyakap sa kanya."sorry, glenn." paghingi ko ng paumanhin, sabay tingin sa bugbog nyang mukha.
"ok lang." sabi nya. Niyakap nya 'ko at pagkatapos nun ay niyaya nya 'kong pumunta sa kusina.
Pagdating namin sa kusina, ay nakapaghain na pala sya ng almusal at pinagtimpla na rin nya 'ko ng kape.
"sorry, just. Kung nagluto na'ko ng hindi manlang nagpaalam sa'yo." sabi nya. Nginitian ko lang sya at umupo na sa upuan.
"tara, kain na tayo." sabi ko. Umupo na rin sya at sabay na kaming kumain.
(Adrian's P.O.V)
After ng ilang araw na pag-iisip, ay naka- pagdesisyon na 'ko. And this time, I want to follow what my heart really wants. Alam kong may tao akong masasaktan sa gagawin ko, pero tama na ang pagkukunwari! ayaw ko ng lokohin ang sarili ko! panahon na para magpakatotoo.
"good morning, kuya." bati ko, kay kuya paul. Napatingin sya sa'kin at umupo ako sa tabi nya. Nasa dining area kami ngayon.
"mabuti naman at lumabas ka na ng kwarto mo." sabi nya. Habang nagbabasa ng dyaryo.
"well, it's time for me to step up." sabi ko. Sabay kuha ng pandesal sa mesa.
"step up??" takang tanong nya. Nginitian ko lang sya at kumain na'ko.
"oh, by the way. Palagi kang tinatanong sa'kin ni justine, kung kailan ka raw papasok." sabi ni kuya. Natigilan ako sa pagkain at hinarap ko si kuya."talaga?! a-anong sinabi mo?" nauutal kong tanong. Tiningnan ako ni kuya, na may halong panunukso.
"Wala." sabi nya. Sabay ngiting nakakaloko.
"what?? bakit ka nakangiti?" tanong ko. Umiling lang sya at bumalik na sa pagbabasa ng dyaryo.
Hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi ko. Kahit papaano, alam kong nag-aalala pa rin si justine sa'kin. Sapat na muna sa'kin 'yun.
"lapad ng ngiti ah? sinong iniisip natin?? si gf ba'yan? o si bestfriend?". Napatigil ako sa pag-iisip at napatingin sa kuya kong epal.
"halata ba??" tanong ko. Tumango sya at biglang may sinabi.
"if I were you, be honest to yourself. Huwag kang tumulad sa'kin, na nagsisi sa huli." sabi ni kuya. Biglang nanggilid ang luha sa mata nya, na kaagad naman nyang pinunasan.
"kung mahal mo, ipaglaban mo." dagdag nya. Nilapitan at niyakap ko si kuya."I will. This time, ipaglalaban ko na ang tinitibok nito." sabi ko. Sabay hawak sa chest ko. Kumawala si kuya, sa pagkakayakap naming dalawa.
"but before that, you need to end up your relationship to your girlfriend. Para parehas na kayong makalaya." si kuya. Tumango ako sa sinabi nya.
"sige kuya, I have to go." paalam ko. Mabilis akong lumabas ng bahay at hindi ko na hinintay na tumugon si kuya.
-----
Pagkarating ko sa S.U. ay kaagad akong pumunta sa faculty namin. Pagpasok ko sa classroom, ay sinalubong agad ako nila andrea at patricia.

YOU ARE READING
Casual Lovers [Completed]
RomanceWritten and Owned by: Akiro No copyright | ARR 2015 (Revised January 2023) WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT Plagiarism is a crime. Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip...