Missing You

159 14 0
                                    

Limang araw na mula ngayon. Hindi na kami nag.uusap ni kenzo. Kung uuwi man sya sa dorm, parang hangin nalang ako sa kanya.

Kapag nasa school naman, kahit magkatabi kami, parang ang laki ng harang na pumapagitna sa'min. Minsan nga nung by partner ang activity namin sa arts, na kailangan naming magbrainstorm ng mga new ideas regarding arts, ay mas pinili nyang gawing partner yung isa naming kaklase kaysa sa'kin. Kaya ang lumabas, mag.isa kong ginawa ang activity.

Masakit yun! sobrang sakit!!. Gusto ko nang umalis dun, para hindi na nya kailangang, iparamdam sa'kin ang ganung pakikitungo.
Pero dahil sa may kasalanan din ako, kaya minabuti kong manatili. Miss na miss ko na rin ang dating makulit na kenzo.
_
_
_
_
Dahil sabado ngayon, nagdecide akong dito matulog sa unit ni tyronne.

"salamat, dahil pumayag ka na dito ako matulog." sabi ko.
"may magagawa pa ba ako." sabi nya. At inabot sa'kin ang puting tuwalya.
"ahh, so, napipilitan ka lang." nakangiti kong sabi. At inabot ko ang tuwalya.
"biro lang, alam mo namang parang kapatid na ang turing ko sayo." sabi nya. Umupo sya sa kama at kinuha ang isang libro.
"magshower ka na. At marami ka pang, dapat  ikwento sa'kin." sabi nya. At nagsimula na syang magbasa.
"huh? gaya ng?". Pero hindi nya lang ako pinansin. Kaya dumiretso nalang ako sa cr. at nagshower na..

Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay pumunta na ako sa living room, kung saan nandun si tyronne ginagawa ang kanyang mga aralin.

" so, ano ang dapat kong ikwento sa'yo?" panimula ko. Umupo ako sa tabi nya.
Huminto sya sa kanyang ginagawa at hinarap ako.
" nag.away ba kayo ni william?" tanong nya. Umiwas ako nang tingin.
"hindi naman, why did you ask?" tanong ko.
Umakbay sya sa'kin at bumulong sa tenga ko.
"you know what jake, since high school pa lang tayo, I know, when you lie or not." bulong nya.
Tiningnan ko sya sa mata, pero umiwas kaagad ako ng tingin.
"see! you can't even stared longer in my eyes." nakangiti nyang sabi.
"you know me, very well." nakayuko kong sabi.
"of course, cause we're friends." umakbay pa sya lalo.
"so, nag.away nga kayo ni william?" tanong nya. Inalis nya ang pagkaka akbay sa'kin at mariin akong tinitigan.

Wala na akong nagawa, kundi ikwento kay tyronne ang nangyaring pagtatapat sa'kin ni kenzo at ang halikan sa pagitan namin.At sa  pagtataboy ko sa kanya nung nasa fire exit kami.

"ehh, tanga ka nga." sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin.
"joke lang." dagdag nya. Abala sya sa kanyang phone, bago nya ito inilagay sa mesa at tinakpan ng libro.
Napabuntong hininga nalang ako.

"you know what." tumayo ako at hinarap sya.
"I think you're right! I'm such a foolish person." sabi ko.
Ngumiti lang sya at hinila ako paupo.

"go on. I'm listening." tyronne.
Nagpatuloy ako sa aking sasabihin.
"alam mo yung, gusto mo sya, pero sobrang takot kang sumugal." putol putol kong sabi.

Tinapik ni tyronne ang balikat ko.
"takot kang sumugal kasi, baka katulad sya ni aljosh?? tama ba?" tyronne.
Tumango lang ako.
"alam mo jake. Kaya nga tinawag na sugal, kasi walang kasiguraduhan." dagdag nya.
"kaya nga ayaw kong sumugal." sabi ko.
Hinawakan nya ang chest ko.

"ano bang sinasabi nito?"tyronne. Pointing to my heart.
"gusto ko si kenzo, at ayaw ko syang mawala sa'kin." sabi ko.
"oh, yun naman pala eh! ano pang inaarte arte mo??" tyronne.
" hindi kasi ganun, kadali 'yun." sabi ko.
"madali lang kaya, kapag puso ang pinairal mo, instead na utak." sabi nya.

Napaisip ako sa sinabi nya. Tama sya! kapag puso ang ginamit ko, ang dali lang piliin ng pag.ibig, pero kapag utak ang pinairal ko, ang hirap! kasi madami kang dapat unahin at isa alang-alang.

"oh, napaisip ka, tama ako di ba?" nakangiti nyang sabi.
"oo na, tama ka na." sabi ko.
"so? aamin ka na sa kanya?" tanong nya.
Umiiling-iling ako sa sinabi nya.

"sige ka, baka makahanap sya ng iba, ikaw din ang magsisisi." sabi nya. At kinuha nya ang kanyang phone.

"oo na, magtatapat na ako sa kanya." sabi ko.
"yes! umamin na rin." sabi nya. At binalik ang phone sa mesa.

"pero samahan mo'kong mamili bukas sa mall." Pag.iiba ko nang usapan.
"sure. Ano bang bibilhin mo dun?" tanong nya.
"I will buy sketch book,pencils, wristwatch as well." sabi ko.
"ok." maikli nyang sabi.

Pagkatapos naming mag.usap ay bumalik na sya sa kanyang ginagawa kanina at ako naman ay matutulog na nang maaga.

to be continue...

Casual Lovers [Completed]Where stories live. Discover now