(Adrian's P.O.V)
Sobrang sakit ng ulo ko, pagkagising ko. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina.
"ohh, kumusta ang kapatid kong lasinggo?" bungad sa'kin ni kuya paul, habang sya ay nagbabasa ng dyaryo. Sinamaan ko lang sya ng tingin.
Kinuha ko ang isang pitchel ng malamig na tubig sa ref. at ininom ko ito. Tuloy.x lang ako sa paglagok, hanggang sa mapawi ang panunuyo ng lalamunan ko.
"hangover 'yan, ito inumin mo." sabi ni kuya. Sabay abot ng isang gamot.
"ano 'to?" tanong ko. At umupo ako sa tabi nya.
"gamot." sarkastiko nyang sabi. Tinitigan ko sya ng masama.
"alam kong gamot, pero anong klaseng gamot." sabi ko. Tinawanan nya 'ko.
"aspirin 'yan, para sa hangover mo." sabi ni kuya. At bumalik na sya sa pagbabasa ng dyaryo.
"salamat.' sabi ko. Tumango lamang sya. At Ininom ko na ang bigay nyang gamot.
Pagkatapos ay parehas lang kaming tahimik sa hapag-kainan. Ako kumakain, habang sya ay nagkakape at nagbabasa ng dyaryo.
"paano ako nakauwi kagabi?" tanong ko.
"hindi mo alam?" tanong nya. Habang nagbabasa pa rin ng dyaryo.
"magtatanong ba ako, kung alam ko." sarkastiko kong sabi. Tumigil si kuya sa pagbabasa at hinarap ako.
"tumawag ka lang naman kay justine, habang nagpractice kami sa swimming club." sabi ni kuya. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi.
(flashback)
"mabuti pa sya natitiis ako, samantalang sya!! hindi ko sya kayang tiisin." kinakausap ko ang sarili ko. Wala kasi akong kasamang uminom ngayon.
"boss!! isang bote pa ng beer." sabi ko sa bartender. Mabilis din nya 'kong binigyan.
Naka-anim na bucket din ako ng beer, ng makaramdam na'ko ng sobrang pagkahilo. Tinawagan ko si kuya paul, para magpasundo sa kanya. Nakalimang missed calls na'ko bago nya sinagot ang tawag.
"thank god!! sinagot mo rin!!" bungad ko kay kuya. Nahihilo at nabibingi na talaga ako.
"lasing ka ba??" tanong nya.
"hindi ba obvious?? kuya, sunduin mo'ko dito.!!" pasigaw kong sabi. Pakiramdam ko kasi, ang hina ng boses ko.
"anong kuya?? teka, saan ka ba ngayon?" tanong nya.
"sa Elite bar." huli kong sinabi.
(end of flashback)
Nasapo ko ang aking ulo, at napailing nalang sa aking narinig.
"putcha! si justine, pala ang natawagan ko." sabi ko. Natawa nalang si kuya sa'kin.
"alam mo ba? may inamin ka kagabi." sabi nya. Sabay ngiti ng nakakaloko.
"anong inamin ko?" tanong ko. Nanlalamig na ang buo kong katawan sa kaba.
"gusto mo si justine, at hindi ka papayag na umalis sya sa buhay mo." sabi ni kuya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni kuya.
"wee?? ba-bakit ko sa-sabihin 'yun? eh 'di naman ako bakla." defensive kong sabi. Tumawa ng malakas si kuya at tinapik ako sa balikat.
"Huling-huli ka na, lulusot ka pa." sabi ni kuya.
"bakit naman ako lulusot?? eh hindi naman talaga 'yan totoo." sabi ko.
"sige, ideny mo pa. Balang-araw magsisisi ka sa kaduwagan mo, gaya ng nangyari sa'kin noon." sabi ni kuya. Natigilan ako sa sinabi nya. Paano nga kung matulad ako sa kanya? na hanggang sa pagkamatay ni kuya Carl, ay hindi man lang nya naamin ang tunay nyang nararamdaman para dito.
YOU ARE READING
Casual Lovers [Completed]
RomanceWritten and Owned by: Akiro No copyright | ARR 2015 (Revised January 2023) WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT Plagiarism is a crime. Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip...