Bestfriend

103 11 0
                                    

(Jake's P.O.V)

Kinabukasan ay kami nalang apat nila kenzo, kuya david at tyronne, ang naiwan sa resort. May urgent meeting kasing dadaluhan si kuya oliver, kaya nauna na silang umuwi ni ate.

Para ma-enjoy naman namin ang ganda ng resort nila hubby, ay napagdesisyonan naming apat na maligo muna sa dagat bago kami bumalik sa manila. Nag-utos si hubby, sa isa sa mga staff nila na maghanda ng breakfast namin at nagpaalam sya sa'kin na magpapalit lang muna sya ng damit sa kwarto.

"babe, samahan ko lang si willy? magpapalit lang din ako ng damit." sabi ni kuya david. Nakita kong namula ang pisngi ni tyronne.

"ok, don't forget to bring my sunblock." sabi ni tyronne. Kinindatan lang sya ni kuya david at umalis na sila ni hubby.

"babe, pala ahh." pang-aasar ko. Ngumiti lang sya at inakbayan ako.

"na-miss ko 'to." biglang sabi nya. Napatingin  ako sa kanya at napatingin sa dagat.

"ako din. Kaso, hindi na tayo kompleto." sabi ko. Napabuntong hininga sya at nagsalita.

"oo nga eh. Zeke's birthday pa ang huling bonding ng J.A.T.Z." sabi ni tyronne.  "kamusta na kaya sila zeke at aljosh?" natigilan bigla si tyronne. Tumingin sya sa'kin at humingi ng tawad.

"ano ka ba, naka move-on na 'ko." nakangiti kong sabi.

"oo nga naman. May hubby ka na pala." nakangiti nyang sabi. Napangiti na rin ako sa sinabi nya.

Kamusta na kaya si Zeke? naha-handle kaya nya ng maayos ang pag-aaral at relasyon nila ni bunso?. Si aljosh kaya? naaalala pa kaya nya kami??. Nasa ganung pag-iisip ako, nang bigla akong siniko ni tyronne.

"ano?!" naiirita kong sabi.

"anong iniisip mo?? si aljosh ba?" tanong nya. Binatukan ko sya at napahawak sya sa kanyang ulo.

"aray ko naman!! kailangan ba talagang mambatok??" reklamo nya. Napangiti nalang ako at napatingin sya sa kamay ko.

Kaagad kong iniwas ang kaliwang kamay ko, pero huli na, nakita na nya ang singsing. I'm pretty sure, magtatanong ito sa'kin.

"may dapat ba akong malaman?" tanong nya. I knew it!! wala talaga akong ligtas sa taong 'to.

"huh? ano namang dapat mong malaman?" tanong ko. Tumingin sya sa kamay ko at ininguso ang suot kong singsing.
"ah, ito ba?" Itinaas ko ang kaliwa kong kamay. Tumango lang sya at nginitian ako.

Ikwenento ko kay tyronne, ang nangyaring kagabi at ang mga pangako namin ni hubby sa isa't isa.

"I'm so happy for you." sabi nya. Napangiti nalang ako, habang tinititigan nya ng maigi ang singsing ko.

"baka matunaw 'yan." sabi ko. Umayos sya ng upo at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"hindi talaga ako nagkamali. Ang swerte mo kay william." sabi nya.

"swerte talaga sya sa'kin, at syempre! swerte din ako sa kanya." Biglang sabat ni hubby. Hindi namin namalayan na nasa likod na pala namin sila.

"kanina pa kayo dyan?" sabay naming tanong  ni tyronne.

"we're just got here." sagot ni kuya david. Lumapit sya kay tyronne at inabot ang sunblock.

"here's your sunblock, babe." sabi nya. Sabay kindat kay tyronne. Biglang namula ang pisngi ng kaibigan ko.

"oyy, namula ang pisngi ni babe." pang-aasar ko kay tyronne. Nagtawanan kaming tatlo.

"sige, pagtulungan nyo 'ko." pangisi-ngisi nyang sabi.Tumigil si kuya david, sa pagtawa
at niyakap si tyronne.

Casual Lovers [Completed]Where stories live. Discover now