(Glenn's P.O.V)
Ngayon ang araw na kailangan ko nang magbalik sa trabaho, bukod sa magaling na ang mga pasa ko sa katawan at mukha, ay nahihiya na rin akong manatili ng sobrang tagal sa bahay ni justine. Mga 6am palang ay naligo na 'ko at pagkatapos nun ay bumaba na'ko sa kusina para magluto ng agahan.
"ang aga mo namang nagluto?" Napatingin ako sa nagsasalita. Si justine pala.
"kanina ka pa dyan??" tanong ko. Lumapit sya sa'kin at tiningnan ang niluluto ko.
"hindi naman. Mukhang masarap 'yang niluluto mo ahh." sabi nya. Napangiti nalang ako, sa sinabi nya.
"sya nga pala, babalik na 'ko sa trabaho ko ngayon at maghahanap na rin ako ng bagong matitirhan." sabi ko.
"bakit ka pa maghahanap ng malilipatan?? eh welcome na welcome ka naman dito, ayaw mo na ba 'kong kasama??" tanong nya.
"hindi naman sa ganun. Syempre, kailangan ko ring bumukod, kasi masyado naman akong abusado kong mananatili pa ako ng sobrang tagal dito." paliwanag ko.
Inilipat ko na sa bowl ang niluto kong adobo at inilagay ito sa dining table, kasama ang isang plato ng kanin."hindi ka abusado ahh! sa katunayan nga, malaking tulong ka sa'kin." sabi nya. Napatingi nalang ako ng palihim.
Sa totoo lang, ayaw ko naman talagang umalis sa bahay ni justine, gusto kong makasama sya palagi. Pero, natatakot akong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Paano kung?? magbago ang pakikitungo nya sa'kin kapag nagtapat na'ko??. Paano kung?? iba ang gusto nya?? Paano kung?? masaktan lang ako?? kung mangyayari 'yun, hindi ko na mababawi o maaayos ang puso ko.
"hoy glenn!! nagsasalita ako dito, pero hindi ka pala nakikinig." sabi nya. Napabalik ako sa realidad.
"huh?? may sinasabi ka?" tanong ko. Hinawakan nya ang noo ko, gamit ang likod ng kanyang palad.
"wala ka namang sakit, may dinaramdam ka ba??" tanong nya. Umiling lang ako. Kumuha ako ng tigdadalawang plato, kutsara, tinidor at baso. Nilagay ko 'yun sa dining table.
"anong gusto mong inumin?? juice o gatas??" tanong ko.
"juice nalang." sabi nya. Kinuha ko sa fridge ang isang litro ng juice at inabot ko 'to sa kanya.
"thanks, glenn." sabi nya. Nginitian ko lang sya. Nagsandok na 'ko ng kanin at ulam.Tahimik kaming kumakain at palihim akong natutuwa sa expression ng mukha ni justine. Sarap na sarap sya sa niluto kong ulam, ang akala ko'y hindi nya napansin ang panakaw tingin ko sa kanya.
"baka matunaw na 'ko 'yan.". Nagulat ako sa sinabi nya.
"huh?" maang-maangan ko.
"ang sabi ko, baka matunaw na'ko sa kakatitig mo." natatawa nyang sabi. Bigla akong nahiya sa ginawa ko at napayuko nalang.
"hahahahaha" malakas nyang tawa. Napatingin ako sa kanya at nagtataka kung bakit sya tumatawa."may nakakatawa ba??" tanong ko. Patuloy lang sya sa pagtawa, hanggang sa napa-hawak na sya sa kanyang tiyan.
"aray ko, ang sakit na ng tiyan ko!" tawa pa rin sya ng tawa.
Hinayaan ko nalang sya, hanggang sa sya na mismo ang tumigil sa kakatawa at nagsalita.
"ang cute mo palang pagtripan." sabi nya.
"ahh ganun!" inis kong sabi. Nagpeace sign sya at uminom ng juice.
"grabe, ang sarap talaga ng luto mo. Pwede kanang mag-asawa at sure akong maswerte sya sa'yo." sabi nya. Pakiramdam ko'y bigla akong namula sa sinabi ni justine.
"ang O.A. ahh." sagot ko.
"hindi ahh!! I'm just stating the fact." sabi nya.
"ok, sabi mo eh." ako.
YOU ARE READING
Casual Lovers [Completed]
RomanceWritten and Owned by: Akiro No copyright | ARR 2015 (Revised January 2023) WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT Plagiarism is a crime. Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip...