Avoiding

165 15 0
                                    

Paggising ko kinaumagahan, ay wala na si kenzo sa tabi ko. Hinanap ko sya sa kusina, hoping na nagluluto lang sya ng almusal, pero wala sya dun.

"nasaan kaya sya?" tiningnan ko ang oras sa phone ko. "8am pa lang. Ang aga naman nyang umalis." pagtataka ko.

Pumasok nalang ulit ako sa kwarto at hinanda ang susuotin ko mamaya. Pagkatapos ay pumasok ako sa banyo, upang magmumog at makapaghilamos, nang may makita akong sticky note na nakadikit sa salamin.

"salamat sa pag.aalaga sa'kin kanina."  pagkabasa ko dun sa sulat.

Lumabas ako ng banyo pagkatapos kong maghilamos at magmumog. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko sya. Ngunit hindi nya sinasagot ang tawag ko.
(Iniiwasan nya ba ako?? galit pa rin ba sya sa'kin?) Tanong na nabubuo sa aking isipan.

Kaysa mag.alala ako nang husto kay kenzo. Nagluto nalang ako ng almusal at nang makakain na rin ako. Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko na ang pinagkainan ko. After that, nagdecide na akong maligo.
_
_
_
Mga saktong 10am na akong dumating sa classroom. Swerte at wala pang prof. na dumating.

"goodmorning, bro." bungad sa'kin ni justine.
"goodmorning din bro" sabi ko. At umupo na ako.
"nasaan yung kaibigan mo?" patungkol nya kay kenzo.
"hindi ko alam, kasi, hindi ko sya nakita kaninang umaga." sabi ko. Biglang ngumiti ang loko.
"ano? bakit ka nakangiti? " tanong ko.
"wala, kalimutan mo na 'yun." sabi nya.
"ano nga 'yun?? alam kong may ibig kang sabihin?" ako.
"may LQ ba kayo?? kaya, wala sya ngayon dito?" tanong nya. Binatukan ko sya.
"sira! LQ ka dyan." sabi ko.
"huwag ka nang magdeny bro. I saw, there's something between you and your lover." sabi nya. Natigilan ako sa sinabi nya.
"what do you mean??" tanong ko.

Pabulong na kwenento ni justine ang nakita nya, nung naghalikan kami ni kenzo. Lahat nang napag.usapan at pinagtalunan namin ng araw na'yun ay nadinig nya.

"plss, huwag mong sabihin sa iba." pakikiusap ko sa kanya.
"don't worry, your secret is safe." sabi nya.
"salamat." ako.
"welcome. Sino pa ba ang magtutulungan, kundi tayo.x rin." sabi nya. Nagulat ako sa sinabi nya.
"so, you mean, your.." hindi nya ako pinatapos magsalita.
"yes, i'm gay also. And adrian is my boyfriend." sabi nya.
"what?? but how?? I didn't noticed that there's something going on between you and adrian" pagtataka kong tanong.
"well, ganito kasi 'yun. Gusto ko si adrian noon pa, at gusto rin nya ako. Pero ayaw nyang ilantad ang namamagitan sa'min, kaya gumawa sya ng kasunduan." justine.
"kasunduan?? ano naman 'yun??" tanong ko.
"kasunduang, bawal malaman ng iba na kami. Kasunduang pwedeng magtalik pero walang commitment. Kasunduang tinawag naming casual lover." sabi nya.
"may kasunduan bang ganun?" tanong ko.
Tumango at ngumiti lang sya.
"pero ok lang sayo?" dagdag ko.
"nung una hindi, pero nung tumagal, tinanggap ko nalang." sabi nya.

Magtatanong pa sana ako. Pero, dumating na 'yung prof. namin sa geometry, si ma'am amanda. Nagturo lang sya about sa mga formulas, kung paano ang tamang pagsolve ng math problems, which is madali lang naman para sa'kin. Pagkatapos nang klase nya, ay nagkwentuhan ulit kami ni justine.

"about dun sa casual lover agreement, anong rules ang nakapaloob dun?" curious kong tanong. Ngumiti lang sya at hindi ako sinagot.
"hoy, sige na justine, sabihin mo na." pangungulit ko.
"basta. Huwag mo nang alamin." sabi nya.
Hindi pa rin ako tumigil sa pangungulit, pero ayaw nya pa ring sabihin. Kaya tumahimik nalang ako.

Bago pa magsimula ang klase namin sa physics, ay dumating na ang kanina ko pa gustong makita.

"where have you been??" tanong ko. Umupo sya sa tabi ko.
"may kinausap lang ako." sabi nya. Pansin ko ang lamig ng pakikitungo nya sa'kin.
"sino naman 'yun?" tanong ko. At tiningnan ko sya sa mata.
"hindi mo naman 'yun kilala, kahit sabihin ko ang pangalan nya." cold nyang sabi.
"sorry, about yesterday." yumuko ako.
"kalimutan nalang natin 'yun." sabi nya.
Mahina lang ang boses namin, para hindi marinig nang iba.

Dumating na 'yung prof. sa physics at nagsimula na syang magturo. 'Di tulad kahapon, iniiwasan na nya akong tingnan ngayon. Tiningnan ko si kenzo, alam kong may ginawa sya.

"thank you." sabi ko sa kanya.
Tumingin sya sa'kin at ngumiti ng kaunti.

Pagkatapos ng klase, break time na, kaya niyaya ko si kenzo sa cafeteria para kumain.

"tara, kumain na tayo." pag.aaya ko.
"sige, mauna ka na, may gagawin pa'ko." sabi nya. At tumayo na sya. Bago sya makaalis hinawakan ko kamay nya.

"are you avoiding me??" tanong ko. Nilingon nya ko.
"sabi mo, hayaan kitang mag.isip." tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa kamay nya.
"sabi mo, huwag kong ipilit ang gusto ko." at nagsimula na syang maglakad palabas ngunit huminto sya sandali sa tapat ng pinto.
"alam mo, kailangan kong dumistansya minsan, para malaman ko, kung may ako ba dyan sa puso mo." sabi nya, nang hindi nakatingin sa'kin.
At tuluyan na syang umalis.

"sorry, kung hindi ko maamin, sadyang takot lang talaga ako." bulong ko.

to be continue....

Casual Lovers [Completed]Where stories live. Discover now