(Jake's P.O.V)
Dalawang linggo na ang nakalipas, simula ng pinakilala ako ni hubby sa lola nya. Sa loob ng dalawang linggo ay marami ng nangyari. Naging abala ako sa Drama Club, dahil na rin sa nalalapit na ang aming stage play. Puro pag-memorize ng script at rehearsal nalang ang ginagawa namin nila andrea, clarisse, at patricia. Mabuti nalang at tinutulungan ako ni hubby, kapag maaga syang nakakauwi galing sa practice nila sa Swimming Club. Si ate at kuya oliver naman ay ikakasal na sa susunod na araw. Sa Alfonso, gaganapin ang wedding nilang dalawa at kailangan namin ni hubby, na umabsent ng ilang araw sa klase. Gusto sanang sumama nila andrea,clarisse,patricia at daryl, kaso hindi sila pinayagang sumama ni prof. kenth, dahil hindi naman daw sila kailangan dun at bukod pa dun ay nalalapit na rin ang stage play namin, na mas dapat paglaanan ng panahon. Mabuti nalang at sasamang uuwi sila tyronne at david, hindi ako maiiwang mag-isa kasama si hubby.🙂
"saan na sila tyronne?" tanong ni hubby. Nasa airport na kami ngayon.
"on the way, na daw sila." sabi ko. Sabay reply sa text ni tyronne.
*saan na kayo?? kanina pa 'yang On the way nyo ah. Malapit na ang flight natin.* reply ko.
"we're here!! sorry, kung na-late kami." hingal na sabi ni tyronne. Sabay punas ng kanyang pawis sa mukha.
"anong nangyari sa'yo? bakit pawisan ka?" tanong ko.
"na-flatan kasi kami sa may entrance, kaya ayan ang nangyari." sabi ni kuya david.
"you mean, tumakbo nalang kayo papunta dito sa loob?" tanong ko. Ngumiti lang sa'kin si kuya david.
"ano pa nga ba." si tyronne. Lumapit sya kay kuya david at pinunasan ang mukha nito.
Ilang sandali lang ay nag-onboard nasa screen ang flight namin. Pumasok na kami sa loob at sumakay na kami sa eroplanong aming sasakyan pauwing Alfonso. Tabi kami ni hubby sa upuan.
"finally! makikilala ko na rin si lola at si ethan. " bulong nya sa'kin. Ngumiti lang ako.
"hubby, matutulog muna 'ko, gisingin mo nalang ako pagnasa Alfonso na tayo." sabi ko.
"dito kana matulog sa balikat ko." sabi nya.
"no way! ang daming tao kaya." sabi ko. At pumikit na 'ko. Ilang saglit lang siguro ay tuluyan na 'kong nakatulog.
~~~~~~~~~
"wake up, wifey." bulong ni hubby.
Inaantok pa man ay idinilat kuna ang mga mata ko."nasa Alfonso na ba tayo?" tanong ko. Tumango lang sya at kinuha sa passengers cabin, ang mga luggage namin.
"nasaan sila tyronne at kuya david?" tanong ko. Nang hindi ko mahanap ang dalawa.
"nandun na sila sa baba, tayo nalang ang hinihintay nila." sabi ni hubby. Tumayo na 'ko at kinuha kay hubby ang luggage ko.
"tara na, hubby." sabi ko. Sabay hawak sa kamay nya. Kami nalang kasing dalawa ang naiwan sa loob ng eroplano, kaya kampante akong hawakan sya.
Pagkababa namin ni hubby, ay sinalubong agad ako ni tyronne ng sermon.
"ang tagal ha! kanina pa kami naghihintay dito sa inyo." sabi nya.
"we're even. Pinaghintay nyo rin kaya kami kanina." sabi ko.
"gantihan?" si tyronne.
"hindi naman." sabi ko. At nauna na 'kong pumasok sa loob ng airport.
Gabi na pala pagkalabas namin sa airport. Tinawagan ni hubby si kuya oliver, para kami ay ipasundo sa kanilang driver.
"hello, kuya. Bakit wala pang sumusundo sa'min dito?" sabi ni hubby. Sa kabilang linya.
"baka na-traffic pa. Hintayin nyo nalang, bro." sabi ni kuya oliver. Ni-loudspeak kasi ni hubby ang tawag.
![](https://img.wattpad.com/cover/333243482-288-k698715.jpg)
YOU ARE READING
Casual Lovers [Completed]
RomanceWritten and Owned by: Akiro No copyright | ARR 2015 (Revised January 2023) WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT Plagiarism is a crime. Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip...