"Sensen! Aba'y umaga na anak, gising na, at baka ika'y mahuli sa iyong trabaho! Nabanggit mo kagabi na madami kayong deliveries ngayong araw na 'to, 'di ba? Kanina pa sumilip si Kyle dito at siya nga ang nagsabing gisingin na kita at baka napuyat ka na naman daw kakapanood dun sa unggoy na anime character na may pulang buhok!" sigaw ng aking nanay mula sa labas ng pintuan ng aking kwarto habang patuloy rin ang katok niya rito.
"Ito na po, Ma! Nanginginig pa," pilya kong sagot sa kaniya habang nangingiti.
Pero agad din iyong nawala nang napagtanto ko ang huling sinabi ni Mama. Lintik na kumag talaga iyong mokong na 'yun. Napakaagang mang-buwisit!
Kung pwede lang magsangla ng kaibigang baliw ay ginawa ko na!
Hilig ko kasi talagang manood ng mga anime at ang tinutukoy niyang mukhang unggoy na lalaking may pulang buhok ay isa sa mga characters ng paborito kong sports anime mula pa noong bata ako.
Ewan ko ba pero naging stress reliever ko na din ang panonood ng anime. Minsan sa rest day ko sa trabaho ay mas pinipili ko pang manatili na lang sa loob ng bahay at manood kaysa ang gumala.
Kaya lang naman ganun 'yung kumag na iyon ay dahil madalas ko siyang tanggihan kapag nagyayaya na itong lumabas.
Si Kyle ay kaibigan ko mula noong tumuntong ako ng High School. Transferee siya noon sa school na pinapasukan ko.
Madalas ako mapansin at mabully noon ng mga kaklase kong mga babae at unang pagkakakilala namin noong iniligtas niya ako kasama ang pinsan niya sa mga panahong iyon.
Ang nakakainis lang ay puro mga babae lang ang nangangahas mangbully sakin. Iyong mga kaklase kong lalaki ay maganda naman ang pakikitungo sa'kin kaya nagtataka ako kung bakit ganoon sila.
Ang sakit sa bangs, kahit wala akong bangs!
"Hello, miss! Ano'ng nangyari sa damit mo?" gulat na tanong ng isang bagong mukhang lalaki pagkakita sa nadumihan kong damit.
Mula noong unang taong tumapak ako dito ay hindi ko pa siya nakikita o nakakasalubong man lang. Kaya nagtataka ako kung bakit niya ako kinakausap ngayon.
Naging kulay itim na ang aking puting blusa dahil sa tubig na isinaboy sa akin nila Luna at ang kaniyang mga grupo makalampas sa gate kung saan pumapasok lahat ng mga estudyante ng San Francisco National High School.
Hindi na ito napansin ni mamang guard dahil medyo may kalayuan na din sa pwesto niya iyon at madami na din nagsisipasukang mga mag-aaral. May ideya na ako kung anumang klaseng tubig ang isinaboy sa akin dahil ngayon pa lang ay nangangamoy na ito.
"Mga makikitid lang ang utak ang gagawa nito sa mga kapwa nila estudyante!" dagdag pa niya.
Hindi man lang siya nababahala sa amoy na nanggagaling sa aking damit. Limang dangkal lang ang layo niya sa akin kaya alam kong naaamoy din niya 'to.
"Okay lang, sanay na ako." Taas-noo kong sagot sa kaniya dahil wala sa bokabularyo ko ang pagiging mahina.
They can do whatever they want to bully me, but I will never submit. They won't get that satisfaction from me!
"Hindi na bago 'to sa akin dahil kahit last year ay ganiyan na sila," dagdag ko pa sabay bulong sa kaniya ng, "Mas maganda kasi ako sa kanila, kita mo naman ang ebidensya, 'di ba?
Unti-unting nagkakaroon ng biyak ang mga labi nito hanggang sa tuluyan na itong napangiti. Hindi na din masama ang isang 'to. Sa itsura at porma niya ay paniguradong marami siyang mapapaiyak este magiging tagahanga sa school namin.
"Maganda ka nga! Akala ko nga anghel kang bumaba sa lupa e," biro din niya.
"Ganito na ako since birth, 'no. Malay ko bang kasalanan pala ang pagiging diyosa."
BINABASA MO ANG
INTO YOU (COMPLETE)
RomanceEL FUERTE DE SOCIEDAD SERIES #1 |R-18+| BLACK. GLOOMY. This is how Chase Akira Montello would define his entire life since he was brought upon this world. Being an heir to a Multi-million company, he is expected to also produce his own heir someday...