CHAPTER 27

1.8K 23 5
                                    

Mahigit isang linggo na din ang nakalipas mula nung nakilala ko 'yung mga kasamahan ni Chase sa organization nila. Ang masasabi ko lang ay masaya kasama ang mga ito. Halos sumakit din ang tiyan ko noon kakatawa sa kanila.

Ang pinoproblema ko lang ngayon ay kung paano ko sasabihin kay Chase ang tungkol sa kalagayan ko. Sooner or later ay lalaki din 'tong tiyan ko. Para makasigurado ay bumili din ako nung nakaraang araw ng pregnancy test kit at 'di na ako nagtaka sa resulta dahil may dalawang pulang-pulang linya ito.

Mapula pa sa kamatis.

Nai-stress ako kakaisip ng tamang paraan para sabihin ito pero lintik na utak 'to dahil ayaw makisama. Buti na lang ay nagpaalam siya nitong nakaraan na may business conference siya sa Spain at mukhang tatagal siya dun ng two weeks.

Mababawasan ang stress ko dito 'pag 'di ko muna siya makikita. Ayaw pa nga niyang umalis pero binatukan ko siya nang malala para makapag-isip ng matino. Sa huli ay sumangayon din siya dahil may hiningi itong kapalit.

Syempre, marupok lang ako kaya pinagbigyan ko naman.

Kahapon lang siya umalis at dumaan muna dito sa bahay bago ang flight niya. Ang dami niyang dalang bayabas na ikinatuwa ko sa kaniya. May idinagdag tuloy akong sampung kiss sa kaniya bago ito umalis.

Tingin ko ay tatagal naman itong supply ko hanggang sa dumating siya.

May lakad din pala ako mamaya dahil pinapapunta ako ni Granny sa mansyon niya na siyang tinitirhan din ng lahat ng miyembro ng pamilya 'pag nagkataong nasa loob lang sila ng bansa.

Naligo muna ako bago umalis ng bahay. Naghihintay na din 'yung sasakyan at driver niya na siyang susundo sa'kin sa labas. Inabot yata kami ng kalahating oras sa biyahe bago makarating sa mansyon. Sinalubong din ako ng mga helpers nila para kunin ang dala kong kaunting bayabas.

Syempre hindi ito mawawala kahit sa'n ako magpunta. Feeling ko ay laging hinahanap ng panlasa ko ang bayabas talaga. Lagi ko din itong naikukumpara sa ibang mga pagkain na ipinagtataka na din ng pamilya ko.

Nung nagkataong nakita nila akong kumakain nito, lahat sila nandiri o 'di naman kaya ang tingin nila sa'kin ay parang tinubuan ako ng isa pang ulo para sa isang katauhan ko.

Sa totoo lang ay wala pa akong inaamin sa kanila. Hayaan ko na lang sigurong ma-surprise sila. Dinala nila ako sa veranda kung saan overlooking ang pool nila doon. Maganda din itong lugar nila Granny kaso mas nagustuhan ko pa din 'yung exclusive village ng El Fuerte de Sociedad.

Sadyang paraiso ang lugar na iyon para sa'kin. Habang inaalala ko 'yung mga pangyayari noong nandun pa ako sa lugar na 'yun ay dinig ko na ang mahihinang tunog mula sa mga takong ng isang sapatos. Sa pag-aakalang si Granny iyon ay agad akong humarap.

"Hello, Granny!" Masaya kong bati sa kaniya.

Pero ganun na lang ang dismaya at gulat ko nung napagtanto kong hindi ito si Granny.

"So, you're really that close with Mamá,' wika nung sopistikadang babae.

Parang nakakatakot 'yung hitsura niya dahil sa natural niyang kilay na parang palaging nakaarko. Sa tingin ko ay pamilyar at parang nakita ko na din sa iba 'yung pagka-sharp ng mga mata nito.

Higit na nakadagdag din ang kasuotan niya sa pagiging sopistikada nito. Nakasuot siya ngayon ng A-line printed dress with a narrow high heels.

Isang pares ng diamond earrings sa tainga niya at napapalibutan din ang leeg nito ng isang kwintas na parang pakiramdam ko ay napakabigat dalhin ng kahit sinong magsusuot nito.

"Are you deaf?" Dadag pa nito dala ng pagkainip sa tugon ko.

"Hindi po, nagulat lang po ako. Akala ko kasi ay kayo si Granny." Mahina kong tugon.

INTO YOU (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon