CHAPTER 12

2.2K 29 8
                                    

Talagang binantayan pa ako ng lalaking 'to habang kumakain. Natapos na din kasi silang lahat habang kausap ko si Kyle sa phone.

"What do you do in that bar restaurant?" Tanong niya sa'kin nung hindi na ito nakatiis.

Hindi ko kasi siya maimik at panay lang ang kain at nguya ko.

"Waitress ako dun. Alam mo 'yun, 'yung mga taga-serve ng orders ng mga customers." Pilosopo kong sagot sa kaniya.

"I already know that," sabi niya sa'kin nang nakasimangot.

"Why would you work at night? That's not good for your body," dagdag pa nito.

Kulang na lang ay magdikit na ang nga kilay niya sa gitna ng mukha nito.

"E, 'yun lang kasi ang available na schedule sa kanila," sagot ko naman sa kaniya 'pag natatapos ako sa nginunguya ko.

Ayon kay Jules, ang bar restaurant na iyon ay nagbubukas daw ng bandang alas tres ng hapon at nagiging kainan ng mga customers. Baka nga ang mga kumakain din dun ay 'yung mga parokyano ng bar 'pag hatinggabi.

Bakit kasi hindi na lang nila ako ilagay sa panghapong schedule nang hindi ko nasasaksihan ang mga ganoong tagpo sa bar?

Kahit pa sinasabi ko sa sarili ko na waitress lang ako dun ay may kung ano sa sarili ko na hindi pa din kumportable.

Pero ano'ng magagawa ko kung hindi ang magtiis?

"Then just work for me instead." Mabilis niyang alok habang nakatingin pa din sa'kin.

"At ano naman ang magiging trabaho ko sa'yo kung sakali, aber?" Nakataas pa ang kilay ko habang tinatanong iyon dahil duda ako sa sinabi niya.

"You will just sit in my office as my inspiration to work." Nabuga ko nang kaunti 'yu g tubig na iniinom ko dahil sa sinabi niya.

"What? Is it that hard for you to be with me all day? At least, I can watch over you and at the same time guard what's mine." Nakakunot naman ngayon ang noo niya habang sinasabi ang mga ito.

"Seryoso ako sa trabahong sinasabi ko, Chase. Hinding-hindi mo ako maipapasok sa office mo para mag-babysit sa'yo." Naiiling kong sabi sa kaniya.

"I'm also being serious here. You, working as a waitress in that place, didn't sit well with me." Ngayon naman ay biglang lumambot ang ekspresyon sa mukha nito at hinawakan pa ang kamay ko.

"If babysitting you would be my job, then I'm out." Mabilis kong sagot sa kaniya.

Kahit pa kalokohang maituturing iyong alok niya ay alam kong siya ang tipo ng taong sineseryoso ang lahat ng bagay na sinasabi nito.

Ano na lang ang sasabihin ng mga empleyado niya kung malaman talaga nila ang role ko sa kumpanya niya?

"Fine! You will do some of Ben's work." Pangungumbinsi niya sa'kin na parang bata.

"Sinong Ben?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"He's my assistant/secretary."

"Lalaki?" Gulat kong tanong sa kaniya.

Ang inaasahan ko kasi ay babae ang secretary niya.

"Yeah! Is there any problem with that?" Nakakunot na naman 'yung noo niya habang nagtatanong.

"Wala naman, akala ko lang kasi ay babae ang secretary mo."

"Why would you think of that?"

Ang dami naman nyang tanong!

"Nothing!" Tanging naisagot ko.

"You have to go now, so I can sleep." Maya-maya'y sabi ko sa kaniya habang nililigpit na 'yung mga kinainan namin sa lamesa.

INTO YOU (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon