Pag-uwi ko ng bahay ay sinalubong agad ako nila Mama at Papa.
"Kumusta, anak?" Nag-aalalang tanong nila Mama.
"Magandang balita po, Ma, Pa. Nakapasok po ako bilang isang waitress sa isang bar restaurant." Masaya kong balita sa kanila.
"Kakayanin mo ba ang pagiging isang waitress, anak?" Tila nag-aalala pa ding tanong sa'kin ni Papa.
"Naku, Pa, ibahin niyo ako. Nakayanan ko nga ang pagdedeliver ng mga packages sa iba't-ibang lugar kahit malalayo. Sisiw lang ito sa'kin, Pa." Pagpapanatag ko sa loob niya habang ako'y nakaupo sa armrest ng wheelchair nito at nakaakbay din sa kabilang balikat niya.
Dahil ayaw ko na din siyang patuloy na ma-guilty pa sa sitwasyon namin ngayon ay patuloy lang ako sa pagkukwento sa kaniya ng mga masasayang bagay hanggang sa nakumbinsi siya.
Halos alas dos na ng hapon nang matapos kong kausapin sila Papa. Nasa kwarto na din ako. Gusto ko sanang matulog para hindi ako antukin dun sa trabaho ko mamaya.
Naligo muna ako dahil alam kong puro pawis ang buo kong katawan kanina sa paglalakad sa labas habang tirik na tirik ang araw.
Hihiga na sana ako nang tumunog ang aking cellphone, hudyat na may tumatawag dito. Numero lang ito kaya hindi ko kilala kung sino.
"Hello?" May pag-aalangan kong bati sa kung sinuman ang nasa kabilang linya.
"How are you?" Malalim at baritonong boses nung lalaking nasa kabilang linya.
Pamilyar din ang boses niya pero paano nito nalaman ang phone number ko kung hindi ko pa naman ito ibinibigay sa kaniya?
"Paano mo nalaman ang number ko?" Kaagad kong tanong sa kaniya imbes na sagutin muna ang tanong nito.
"I got it from tita Virgie. I didn't even ask for it, so don't get mad, please." Para siyang isang maamong tupa ngayon sa paraan ng pagkakasabi niya.
"Bakit ka napatawag?"
"I thought I should call you. I don't want you to get stressed because of what happened to your work." Bigla akong natigilan sa sinabi niya.
"Ano sa tingin mo ang mga ginagawa mo ngayon?" Tanong ko sa kaniya pagkatapos kong makabawi.
Sobrang naguguluhan pa din ako sa kaniya, sa totoo lang.
Aaminin kong pati ako ay magulo din. Gusto ko lang ibunton sa kaniya itong mga kalituhan na nararamdaman ko ngayon. Bigla na lang kasi siyang dumating at umeksena sa buhay ko bilang nobyo ko.
Ang sabi niya ay attracted daw siya sa'kin.
Sapat ba iyong dahilan para gawin niya lahat ang mga 'to?
Akala mong totoong jowa kung makapag-alala, e!
"What do you mean?" Parang naguluhan din niyang tanong sa'kin.
"Stop whatever you're trying to do, Chase. Wala akong oras para i-entertain ang mga kalokohan mo. Humanap ka muna ng iba na game diyan sa nilalaro mo." Prangka kong sabi sa kaniya.
"You think I was just playing with you?"
"Ano pa ba? Kung attracted ka sa'kin, kaya mo ding ibaling 'yan sa iba, Chase. Ayokong nadidistract, kaya please lang at tigilan mo na. Gwapo ka naman kaya kahit sino pang babae diyan ay makukuha mo nang walang kahirap-hirap. "
Hindi ito ang oras para sa puso at kung anong gustong gawin ng katawan ko. Mas kailangan ako ng pamilya ko ngayon. Distraction lang itong nangyayari sa aming dalawa.
Don't decide for me, Hannah. The night I laid my eyes on you was the same night I put my mark on you." Medyo halatang nagtitimpi ito pagkasabi niya nun sa'kin.
BINABASA MO ANG
INTO YOU (COMPLETE)
RomanceEL FUERTE DE SOCIEDAD SERIES #1 |R-18+| BLACK. GLOOMY. This is how Chase Akira Montello would define his entire life since he was brought upon this world. Being an heir to a Multi-million company, he is expected to also produce his own heir someday...