CHAPTER 25

2K 28 5
                                    

Katulad ng nabanggit niya sa'kin noong nakaraan ay dadalhin niya ako sa isang lugar kung saan mas lalo ko pa siyang makikilala.

Tumigil kami ngayon sa isang malaki at itim na gate. Pansin ko ang isang malaking gold plate sa taas ng bakal na gate ang pangalang "El Fuerte de Sociedad". Hindi ko alam ang ibig sabihin nito dahil hango yata ito sa ibang lengguwahe.

Tawag pansin din ang matayog at malapad na pader na malamang ay pumapalibot sa buong loob nito. Kahit sino'ng magnanakaw ay 'di tatangkaing manloob dito dahil meron ding mga naka-install na security cameras sa gate at pati na din ang taas ng pader.

Kusang nagbukas iyong gate pagkatapos nitong i-scan ang isang bar code sa harapan ng sasakyan ni Chase.

Halos hindi mapakali ang mga mata ko dahil pagpasok pa lang namin sa gate ay bubungad na sa'kin ang hilera ng iba't-ibang mga halaman sa gilid ng mga nadadaanan namin. Karamihan sa kanila ay mga namumulaklak na.

Nasulyapan ko pa ang isang lalaking nasa edad singkuwenta na siguro. Naka-long sleeves na puti, maong na pantalon at may suot na straw hat sa ulo ito habang nagpuputol ng mga damo gamit ang isang lawn mower.

Siya siguro ang gardener ng lugar na ito.

Makalipas ang tatlong minuto ay narating namin ang hilera ng mga naglalakihang bahay. Halos magkakalapit lang ito at kung bibilangin ko ang lahat ng bahay dito ay mga nasa katorse din siguro.

Tumigil kami sa isang tatlong palapag na bahay. The exterior was a chocolatey brown that got a soft and welcoming vibe. May munting garden din ito sa front yard bago marating ang porch ng bahay.

Pansin ko ang open seating area sa front porch ng bahay na may mga small couches at isang long couch. Pinapalibutan nito ang ang isang coffee table sa gitna.

Kung tatambay ka sa lugar na 'to habang nagkakape ay makikita mo ang mga kabahayan sa harapan at gilid. Ang ganda ng view dahil ang ibang mga bahay ay halos ganito din ang disenyo, nagkakaiba lang sa exterior colors.

"This place is a sanctuary for all the members of our organization. We decided to build our houses here in preparation for our own family to live in them. I didn't know I would be finding you so soon, which is why I didn't really put any of my attention into the design of this house." Mahabang saad niya.

"Organization?" Nalilito kong tanong sa kaniya. Parang ito nga lang ang nakuha ko sa haba ng mga sinabi niya, e.

"Yeah! I belong to an elite organization: El Fuerte de Sociedad. It's an organization for strong individuals in the country," tugon niya habang inaakbayan ako nito papasok sa loob ng bahay.

So, iyon pala 'yung pangalang nakita ko sa taas ng gate kanina.

"Kaninong bahay 'yung mga iba dito kung ganun?"

"It belongs to the other members. Later, I'll bring you to the main headquarters in this place to meet some of them. It's one of the reasons we're here anyway. That jerk, Max, didn't stop bugging me until I finally brought you to this place."

Naguguluhan man sa kung sino ang tinutukoy niya ay nagpatuloy kami sa pagpasok sa loob ng bahay. Namangha ako sa loob nito. Parang nakikita ko lang madalas ang mga ganito sa mga magazines.

Bumungad agad sa'kin ang malawak na living room area kung saan may L-shaped na kulay kremang sofa at sa gitna naman nito ay isang small round center table.

Agaw eksena din ang glass wall kung saan matatanaw mo mula dito ang malaking pool sa labas. Ang gandang tignan dahil pinaka-backdrop nito ang isang bundok na kulay luntian.

"Did you like it?" Pabulong niyang tanong mula sa aking likod.

Ipinaikot din niya kaniyang mga braso sa aking baywang at dun mismo humahaplos nang marahan.

INTO YOU (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon