Sobra-sobrang pagkamangha ang nararamdaman ko ngayon habang inililibot ako ni Granny sa kanilang mansyon. Nasa ten-thousand square meters yata ang laki ng lupang kinatitirikan nito.
Nakakalula ito dahil magdadalawang oras na kaming naglilibot pero 'di pa din kami tapos, ako na lang 'yung sumuko dahil parang hindi din masyadong maganda ang pakiramdam ko ngayon.
"Time-out, Granny," sabi ko habang nahahapo akong umupo sa isa sa mga modern victorian style sofa niya.
Medyo nag-aalangan nga akong umupo dito dahil paano 'pag nagasgasan ko ito, 'di ba? Wala akong ibabayad kay Granny kundi itong isang bilaong bikong dala ko lang.
"I'm sorry, hija. Masyado yata kitang pinagod."
"It's not you, Granny. It's me," tugon ko naman sa kaniya habang halos humiga na sa sofa nila.
Parang patalastas 'yun sa TV, ah!
"I'm getting sad these days dahil 'yung apo ko, hindi na yata ako naalalang bisitahin." Malungkot niyang wika habang sinusubukan ding umupo sa sofang nasa harapan ko.
Pinapagitnaan namin ang isang victorian inspired ding center table. Halos lahat yata ng gamit at muwebles sa mansyong ito ay inspired sa ganitong style.
"Malay niyo naman po ay busy lang talaga 'yung apo niyo," tugon ko naman sa kaniya habang iniinom ang juice na nilapag ng maid nila kanina.
"No! May kakaiba sa batang 'yun ngayon," wika niya habang nakalagay pa ang likod ng kamay nito sa baba niya, tila nag-iisip tungkol sa sinasabi nito sa apo niya.
"Ano naman po 'yun?" Tanong ko pa dahil parang interesado din akong malaman.
"I heard he's into someone right now, and that's keeping him so busy that he can no longer remember his grandma."
She sighed while putting her hand to her head this time. Parang sumasakit talaga ang ulo niya sa apo nito.
"I was so impressed by your source, grandma," dinig kong boses ng isang pamilyar na tinig hindi kalayuan mula sa likod ko.
Imahinasyon ko lang ba na dinig ko pa din hanggang dito ang boses ng lalaking 'yun?
"Oh my God! You're here, my grandson." Bulalas ni Granny sa taong nagsalita sa likod ko habang tumatayo ito para salubungin nang mahigpit na yakap ang taong 'yun.
So totoo ngang may taong nagsalita sa likod ko kanina?
Nasa gilid ko na sila ni Granny at natatakot akong tumingin sa kanila dahil baka totoo nga 'yung sapantaha ko na siya din itong lalaking 'to.
"I'm sorry, grandma. I've been busy with work." Dinig kong napakalumanay ng boses nito sa pakikipag-usap ngayon sa lola niya.
"Are you sure it wasn't just about work? I'm still the chairwoman of our company, and I would know for sure if there were any mishaps with it that could keep you busy," ani Granny habang may mukhang nagsususpetsa pa din sa apo niya.
I heard the man chuckled, "Alright, you got me there. I've finally met her."
"Who?" Naguguluhang tanong ni Granny.
"The woman who would bear my offspring and the one who would stay beside me until we grew old," he proudly stated.
Ilang segundo na pero wala pa din akong madinig na reaksyon mula kay Granny.
"You okay, grandma?" He worriedly asked her.
"Yeah, I guess so, Akira." Sa wakas ay tugon ni Granny.
Akira?
"By the way, I wanted you to meet this amazing woman." Pagpapatuloy ni granny habang ramdam kong nakatunghay na ngayon ang mga mata nila sa'kin.
Kita ko din sa gilid ng mga mata ko na hila-hila na din ni granny 'yung Akira.
BINABASA MO ANG
INTO YOU (COMPLETE)
RomansaEL FUERTE DE SOCIEDAD SERIES #1 |R-18+| BLACK. GLOOMY. This is how Chase Akira Montello would define his entire life since he was brought upon this world. Being an heir to a Multi-million company, he is expected to also produce his own heir someday...