CHAPTER 7

2.5K 37 1
                                    

Pagkatapos naming magpaalam sa mga magulang ko ay dumiretso na kami sa labas. Naglakad ako papunta sa kinalalagyan ng scooter ko na nasa gilid ng aming bahay bago ko kinuha 'yung helmet sa compartment box nito.

"Are you going to ride that thing?" Dinig kong tanong niya mula sa aking likuran.

"Bago ako umalis at pumasok sa trabaho, pwede bang paki-klaro muna lahat sa'kin ang mga nangyayari?" Sinadya kong baliwalain ang tanong niya sa'kin.

Kanina pa ako kating-kati malaman kung ano talaga ang pakay niya dito sa'min.

"Let's talk somewhere else," he said.

"Ano'ng let—" Bigla akong humarap sa kaniya pero naputol 'yung dapat na sasabihin ko.

Dahil sa biglaan kong pagharap sa kanya ay muntikan na naman kaming magkainan este maghalikan!

Sobrang lapit na ng mga mukha namin ngayon sa isa't-isa at ilang pulgada na lang ay magdidikit na ang aming mga labi. Naaamoy ko sa kaniya ang isang minty flavor mula siguro sa after shave cream na gamit nito.

Napakabango din niya at parang naging mas lalaki siya ngayon tignan sa harap ko. Napansin ko na naman 'yung mga labi niya na kasing pula lang din yata nung akin.

Hindi ko alam kung gaano ko nang katagal tinititigan ang mga labi niya hanggang sa lumapit na lang ang mga iyon at dumampi sa mga labi ko.

Nung una ay mabagal ang mga galaw nito pero kalaunan ay naging madiin at mapusok ito. Pilit niya ding pinagpaparte ang aking mga labi nang sa ganun ay maipasok niya ang kaniyang dila.

Hindi siya nakuntento doon at lumapit pa siya nang todo sa'kin. Hawak-hawak ng kaniyang kanang kamay ang likod ng aking baywang at ang likod ng ulo ko naman ay sa kaniyang kaliwang kamay.

Ramdam ko ang higpit at diin ng pagkakahawak niya sa'kin sa bandang baywang. Pilit niya akong kinakabig papalapit sa kaniya. Halos nakadikit na nga ang dibdib ko dito at kulang na lang ay magpalit na kami ng mukha sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

Nag-umpisang gumalaw ang mga dila niya sa loob ng bibig ko na parang may hinahanap. Hindi maipagkakaila ng katawan ko na gusto nito kung anuman ang nangyayari ngayon. Kusa na din akong tumutugon sa mga halik niya.

"Uhmmm!" Hindi ko na din napigilan ang umungol nang mahina dahil sa kakaibang pakiramdam na dulot ng mga halik nito.

Kung hindi pa kami kakapusin ng hininga ay hindi pa sana kami titigil. Idinantay niya ang kanyang noo sa noo ko habang nakahawak ang magkabilang kamay niya sa aking mukha.

"This is what I was telling you last night, honey," anas niya bago hinanap ang mga kamay ko para mahalikan niya ang mga ito.

"My body wants you, and I think it was so evident with what happened last night and today. I also know you've felt the same thing," dagdag pa nito.

Wala akong magawa kundi ipikit ang aking mga mata dahil sa nag-uumapaw na sensasyong pinaparamdam niya sa'kin ngayon. Nakakapagtakang masarap sa pakiramdam na malapit siya sa'kin ngayon.

Gustong-gusto ko din 'yung boses niya dahil para akong hinihele nito habang binubulungan ako. May mga nakakausap din naman akong mga lalaki lalo na si Kyle pero kailanman ay hindi ko ito naramdaman sa kanila.

Ito ba yung tinatawag nilang atraksyon?

"Anong ginagawa mo sa'kin, Mr. Montello?" Iyon lang ang tanging naitanong ko sa kaniya habang ako'y nakapikit pa din at hawak niya.

"I should be the one asking that, honey," he whispered.

Hindi ko kinakaya ang mga nararamdaman ko sa loob-loob ko ngayon kaya naman napahawak ako sa magkabilang braso niya para sa suporta. Pakiramdam ko ay bibigay din ang mga tuhod ko anumang oras. Agad naman niya akong inalalayan at niyakap.

INTO YOU (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon